Narinig ko ang tawanan sa labas ng office ko. Gustuhin ko mang sumilip ay wala akong oras dahil mas iniisip ko ngayon matapos ang papers na kailangan para sa meeting mamaya.
"Pasok!" sabi ko sa kung sino man ang kumatok sa labas. Unti-unting bumukas ang pintuan, hindi ko pa rin siya tinatapunan ng tingin. Nagmamadali akong nagsusulat tapos biglang magt-type ulit sa laptop, minsan pa ngang kung ano-ano ang nilalagyan ko ng highlights.
Hinihintay ko na magsalita siya ngunit nanatili siyang tahimik. Siguro ay hindi na siya tumuloy nang makita niyang nagmamadali ako sa ginagawa ko. Patuloy pa rin ako sa kung ano ang ginagawa ko mula pa kaninang umaga at inabot na ako ng tanghali.
"Hindi mo man lang ba ako titignan?" napatigil ako saglit sa ginagawa ko nang mag salita ang pumasok kanina. Hindi ko pa rin inaangat sa kaniya ang paningin ko ngunit kilalang kilala ko na ang boses niya. Tinuloy ko ang aking ginagawa at hindi sumagot sa tanong niya.
Nandito na naman siya. Sa bawat araw na dumadaan tuwing napapalapit siya sa akin ay wala akong maramdaman kundi ang galit, sakit, at pagsisisi. Gustuhin ko mang mawala na ang galit ko sa kaniya ay pinipilit ko na huwag muna. Alam ko sa sarili ko na kapag ang galit sa puso ko ay nawawala, magiging mahina na naman ako, iiyak na naman ako. Gusto ko munang masiguradong kaya ko na bago ako mag patawad.
Ramdam ko ang paglapit niya. Mayroong dalawang upuan sa may harapan ng lamesa ko. Maya-maya lang ay umupo siya. Gusto ko siyang tignan sa ngayon dahil natapos ko na ang ginagawa ko pero mas pinili kong mag type sa laptop ng kung ano-ano dahil hindi ko pa siya kayang harapin.
"Kagabi ka pa daw hindi kumakain sabi ni Mom. Kaya, pinagluto na kita." dinig kong sabi niya at kita sa may gilid ng mata ko na may nilalabas siya mula sa dala niyang paper bag.
"Busy ako. Will you please leave me alone?" malamig na sabi ko.
"Kahit ngayon lang, Tine."
Pinagpipilitan na naman niya yung gusto niya.
"Kakain ako kapag gusto ko. Kung hindi ka matatahimik diyan, sige, leave that food dyan sa kabilang table." sabi ko sa kaniya. Tumayo siya at nagpunta sa kabilang table ko kung saan ako kumakain. Akmang uupo ulit sya sa may harapan ko pero pinangunahan ko na agad sya.
"You may leave now", yan ang tanging sinabi ko. Hindi ko pa rin siya tinitignan hanggang ngayon. Tumigil pa muna siya sandali bago tuluyang lumabas ng pinto. Nang maramdaman kong wala na siya ay isinara ko na ang laptop ko at nagtungo sa kabilang table.
Umupo ako roon sa may tapat ng table ko. Unti-unti kong binuksan ang dala niya kanina. Mahina akong natawa dahil gawain ko ito noon, sa akin na ginagawa ngayon. Tinawagan ko ang kaibigan ko, ang tunay na nag mamay-ari ng office ko.
"Oh bakit? Lilipat ka na ba ulit dito sa dati mong pwesto? Ayoko na dito, Tine. Ang dami kong kasamang katrabaho", tuwing tatawag na lang ako ay pinipilit niya akong bumalik sa dati kong pwesto.
Umiling na lang ako dahil alam ko naman na sanay siya makihalubilo sa mga taong nasa paligid niya. Siguro ay may nagpupumilit lang sa kaniya na pabalikin ako. But, no.
"Come here. May extra food ako dito." Rinig ko ang buntong hininga niya. Marahil ay alam na niya kung kanino galing yon.
Pinatay na niya ang tawag at maya-maya lang ay nakarinig na ako ng katok. Marahang bumukas ang pintuan at nakita ko ang kaibigan ko.
"Baka makita na naman ako non." hindi ko na siya pinakinggan at kinuha na lang ang dala niyang lunch na para sa akin. Ganito na kami lagi, nakasanayan na din. Bibili siya ng lunch at ibibigay sakin kapag alam niyang may dala ang pinsan niya na agad ding ibinibigay sa akin.
"Hindi na ba talaga kayo magkaka-ayos? Nahihirapan na din kasi ako." malungkot na sabi niya sa akin.
Ngumiti ako sa kaniya at umiling. Tumango na lang siya at lumabas para bumalik sa trabaho.
Palagi na lang nila 'yon tinatanong. Hindi ba nila naisip na kapag ang ang isang bagay ay nasira na, mahirap nang ayusin pa? Ang baso nga pag nabasag, hindi na muling mabubuo pa, yun pa kayang tiwala at pagmamahal?
Binuksan ko ang dala ng kaibigan ko para umpisahang kumain. Naalala ko na naman ang pagpunta niya kanina dito. Hindi ba siya nagsasawa o makulit lang talaga siya? Hindi ko rin alam kung bumabawi siya dahil guilty lang siya sa akin, sa mga nagawa niya sa akin.
Unti-unti na namang pumapatak ang luha ko. Kapag naaalala ko ang mga nangyari hindi ko mapigilang masaktan at umiyak. Napaka-sariwa pa din.
Hindi ba talaga ako worth it ingatan?
Hindi ko na lang ba dapat binigay ang oras ko?
Kailan ba ako magkakaroon ng halaga?
Pumapasok na naman sila sa isip ko. Nang kumalma na ako, saka ko lang napansin na puro kalmot na naman ang braso ko. Hindi ko na naman napigilan ang sarili ko.
Nagulat ako nang may biglang humawak sa akin. Hinimas niya ang braso kong namumula dahil sa kinalmot ko ito. Bakat doon ang haba ng kuko ko. Hinimas niya ang kamay ko at niyakap.
"Bakit kailangan kong maranasan yung sakit? Bakit sayo pa?" iyak ko habang kumakawala sa yakap niya.
"Wala naman akong hiniling na kapalit, bakit pinuno mo ang puso ko ng sakit?". At dito nakatingin na ako sa mata niya. Kita ko ang pagpatak ng luha niya na para bang nasasaktan rin kagaya ko.
Gusto ko siyang sigawan. Gusto ko siyang sampalin. Gusto ko siyang paalisin ngunit di ko magawa. Naaawa na ako sa sarili ko. Tanga na kung tanga, pero bakit nga ba siya pa rin yung nagiging pahinga ko sa tuwing nakakaramdam ako ng sakit kung siya rin mismo yung unang nanakit sakin?
"Kahit ilang sorry pa ang sabihin ko sayo, kahit paluhurin mo pa ako sa harap mo, kahit saktan mo rin ako, mawala lang yang sakit na naibigay ko sayo, gagawin ko. Mapatawad mo lang din ako." niyakap niya akong muli.
"Hinding hindi ako aalis sa tabi mo, Celestine."

BINABASA MO ANG
Querencia
Teen FictionIs there a possibility that someone will change a playboy? Will arranged marriage would make them happy 'til the end? What if they meet someone new, are they willing to be separated?