CHAPTER 1: DELIKADO

3 0 0
                                        

Nagpagulong-gulong ako sa higaan ko nang magising ako dahil sa sikat ng araw. Inaantok pa ako pero dahil sa Wednesday ngayon, kailangan kong bumangon upang mag-ayos para sa lakad namin ng parents ko.



"Ah! Bakit ngayon pa? May lakad kami ng kaibigan ko." naiinis na sabi ko habang tinitignan ang phone ko.

 

Heto na siya! Tumatawag na.



"Ano na te? Tutuloy pa ba tayo?" agad na tanong ng kaibigan kong si Ciara. Alam kong hindi pa to bihis dahil mabagal naman iyon kumilos.



"Ciara, sorry. May biglaang lakad ulit kami ng parents ko." agad naman siyang tumawa at hindi na raw nagulat dahil ayon na naman ang excuse ko.



"Alam mo ikaw, nung mga nakaraang week pa kita napapansin na may biglaang lakad. Minsan balisa. Kapag dumadaan tayo dun sa kabilang section para namang natataranta ka." sabi niya sa akin na medyo natatawa pa din. "Umamin ka nga, may iniiwasan--"



"Wala!" agad na pag-tanggi ko.


Nagkulitan lang kami sa phone call nang tawagin ako ni Mama kaya naman ibinaba na namin ang tawag.



"Yes, Ma?" ngiting tanong ko.



"Mag-ayos ka na at baka ma-late tayo sa kanila." tumango na lamang ako. Mamaya na ako makikipag-talo.


Habang nasa kotse ay tahimik lang ako. Tamang tango nga lang kapag tinatanong nila ako. Hindi ko pa din kasi maisip kung bakit kailangan pa mangyari to sakin.


"Malapit na tayo, anak." masayang sabi ni papa.


Sana lahat masaya.


Dahan-dahan akong pumasok sa restaurant. Nililibot ko ang paningin at medyo kinakabahan dahil baka may makakita sa akin dito, ipagkalat pa. Mahirap na, sikat siya sa school namin kaya hangga't maaari ay ayaw kong lumapit sa kaniya.


"Oh, besty!" masayang salubong sa amin ng kaibigan ni mama. Agad siyang lumapit sa akin at inalalayan akong umupo.


Ayos na sana pero bakit sa tabi pa ng anak niya?


Kauupo ko lang nang taasan ako ng kilay ni Azure. Nginitian ko na lang siya nang pilit at agad akong inirapan kaya naman nakaramdam ako ng inis. Gusto ko siyang sipain sa ilalim ngunit hindi ko iyon puwedeng gawin. Nakakahiya!


"I heard na matataas daw ang grades mo?" tanong ni papa kay Azure. Tumango lamang siya at patuloy na kumain. Tuwang-tuwa naman ang parents ko sa kaniya.


Paano niya nagawang pataasin grades niya, e palagi ko siyang nakikitang nagc-cut ng class? Lagi ding nasa tambayan, iba ibang babae kasama.



Nabalik ang diwa ko nang biglang mag ring ang phone ko. Nagpaalam muna ako na lalabas para sagutin ang tawag ni Ciara. Saglit lang yung pag-uusap namin dahil may kailangan pa daw siyang gawin.



"Wala ka bang ibang paraan para hindi matuloy 'to?" gulat at halos mapasigaw ako nang biglang magsalita si Azure sa likod ko.


Umiling ako sa kaniya at hindi alam ang gagawin. Ang hirap pala talaga pag gwapo yung nasa harapan ano? Oo, gwapo naman talaga siya!


QuerenciaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon