Hindi ako halos makatulog dahil sa pag-iisip ko nang nangyrari. Hindi naman ako ganito dati. Paulit-ulit lang ako sa pag-bangon at higa hanggang sa mapagod ako at magpunta sa kusina.
"Kagutom pala mag-isip." Naghahalungkat lang ako sa refrigerator namin kung ano ang puwedeng makain.
4am pa lang, 9am ang pasok ko, halos wala pa talaga akong tulog. Bumalik ako sa kwarto at nag-talukbong ng kumot. Pinipilit ko ang sarili na makatulog hanggang sa magising na lang ako dahil sa sikat ng araw. Kung noon, antok pa din ako kapag gumigising sa umaga, ngayon naman ay gisinng na gising ako.
Naligo at nag-ayos na ako. Tinawagan ko si Ciara na sabay na kaming pumasok dahil pumayag naman ang parents ko, wala kasi sila ngayon at nag-out of town.
"Kinikilig ako!" sigaw ni Ciara habang naglalakad kami papasok ng school. Pinisil-pisil niya pa ang kaniyang pisngi na animo'y sa kaniya nangyari yung mga kinuwento ko dahil sa namumula na rin siya.
"Tumigil ka nga diyan." Saway ko sa kaniya dahil baka may makakita sa amin ay mapagkamalan pa kaming loka-loka.
Nagpakwento lang siya ng nagpa-kwento hanggang sa marating namin ang school. Madadaanan namin ang room nila Azure kaya naman agad ko nang sinabihan si Ciara na huwag tumingin doon at biglang aaksyon na kinikilig, mahahalata kami.
"Ayun siya!" hindi ko pinansin si Ciara. Napaka-kulit talaga ng babaeng 'to. Nang dahil sa sinabi niya ay auto-lingon ako sa room. Hindi naman na bago sakin yung makikita ko, hanggang sa room ay may kaharutan talaga yang si Azure.
"Uy, amoy selos." Hinatak ko si Ciara at agad siyang kinurot sa tagikiran. Hindi talaga nito mapigilan ang bibig niya.
"Gaga! Bakit ako magse-selos e wala naman akong gusto doon." Inis na sabi ko kay Ciara.
Tinawanan ako ni Ciara at nang-aasar pa. "Wala naman o wala pa? Sus! Kilala na kita, deny pa."
Inilingan ko na lang siya at pumasok sa room namin. Pagka-pasok namin ay biglang nagtahimikan ang mga kakalase ko. Hindi naman ganto ah. Ano na naman bang meron?
"Kayo b ani Azure?" biglang lapit sa akin ng isang kaklase ko. Umiling lang ako sa kaniya at hindi siya naniwala. Ipinakita niya ang phone niya at nag-play ng video. Gulat akong napatingin kay Ciara dahil ang video na yon ay ang pag-suntok ni Azure doon sa lalaki kagabi na nasa bar.
Hindi naman na ako kinulit nung kaklase ko kanina. May ilang nagb-bulungan pa rin dahil sa video na kumalat, malamang isa iyon sa mga fans ni Azure. Hindi ko na lang sila pinagtuunan ng pansin at mas tinutok ang sarili sa lessons namin ngayon.
Sa cafeteria na lang kami dumiretso imbis na doon sa canteen. Mas gusto ko munang lumabas baka may mga nagbubulungan pa rin doon tungkol sa akin. Wala naman akong exposure sa ganto dati, nang dahil lang talaga doon sa nangyari ay nagkaroon na.
"Kanina ka pa tahimik dyan." Pag-sita sa akin ni Ciara.
BINABASA MO ANG
Querencia
Teen FictionIs there a possibility that someone will change a playboy? Will arranged marriage would make them happy 'til the end? What if they meet someone new, are they willing to be separated?