Maaga akong pumasok sa university kaya ako lang ang tao sa classroom. Maayos naman ang tulog ko kagabi sadyang napa-aga lang ako ng gising. Hinatid ako ni Kian at pinadalahan ako ni Kuya Rolly ng lunch. Hindi ko tuloy nagawan ng unch si Azure! Kung kailan naman kasi maaga akong nagising tsaka naman ako tamad na tamad kumilos kaya nga pumasok na ako para mawala ang boredom ko.
"Hi ma! Good morning. Si Papa?" tanong ko nang sagutin ko ang video call nila.
"Busy anak. Nasa meeting siya ngayon kaya tumawag ako wala kasi ako magawa dito." Natatawang sab isa akin ni Mama.
Nag-kwentuhan lang kami ni Mama tungkol sa school ko hanggang sa mapunta na yung tanong niya tungkol doon sa amin ni Azure.
"Kamusta naman kayo ni Azure? May character development ba?" tinawanan ko na muna si Mama.
Iniisip ko kung sasabihin ko ba na hindi pa naman kami ganoon ka-close at hindi ko rin alam kung dapat ko ba sabihin lahat nang mga nangyari kaya ito ako ngayon nagkakagusto na sa dating kinaiinisan ko.
"Ngumingiti ka na mag-isa." Sabi sa akin ni Mama habang ang tingin niya ay natatakot.
"Hindi po ah!" tanggi ko naman sa kaniya kaya binigyan niya ako ng tingin na nagsasabing sabihin ko na. Makakatanggi pa baa ko? Nanay ko naman siya kaya mapag-sasabihan ko yan ng sikreto ko.
"Diba po Mama ayoko kay Azure?" tumango naman siya at parang nag-aalala na. Iniisip siguro ni Mama na magr-rant na naman ako about sa pagiging malapit namin ni Azure. Binigyan ko si Mama nang maliit na ngiti. "Ma, gusto ko na siya!" pagkasabi ko noon ay nagtakip ako ng mukha.
Sinilip ko ang reaction ni Mama dahil natahimik siya. Gulat sya at nakatingin lang sa akin sa screen niya. Tinawag ko siya ulit para bumalik siya sa katotohanan. Noong una hindi pa siya makapaniwala hanggang sa tumayo siya at tumalon -talon sa loob ng office niya. Sinaway ko naman siya dahil nasa ibang bansa siya at may makakita pa sa kaniya, mapagkamalan pa siyang loka-loka. Panay lang siya sabi ng 'OMG! Dalaga na ang anak ko' habang pinipisil ang pisngi niya. Si Mama pa ang mas kinilig kaysa sa akin.
"Baka may gusto na din sayo." Sabi ni Mama sa akin at agad akong umiling. Hindi naman kasi basta pinagtanggol ka, nag-care sayo ang tao, gusto ka na rin niya. Hindi ako umaasa sa ganiyan, mas mabuting masaktan ako sa hindi ako gusto kaysa sa binigyan ko yung sarili ko ng hope na may pag-asa ako.
Nagpaalam na kami ni Mama sa isa't isa nang tawagin siya ng employee niya para sa susunod na meeting. Nang maibaba na ang tawag ay napa-isip ako na mahal talaga ako ng parents ko. Mula kasi nang planuhin nila ang kasal ko, inisip ko na hindi na nila ako mahal, na wala silang pakiaalam sa nararamdaman ko. Pero narealize ko na gusto lang nil ana mapabuti ang future at alam nilang kay Azure 'yon dahil kakilala na nila at kilala pa nila ang parents. Isa pa, palagi nila akong kinakamusta lalo na kapag napapalayo sila sa akin, naglalaan pa rin sila nang oras para malaman kung ano ang nararamdaman ko, kung kamusta ang buong araw ko.
Dumating na din si Ciara at sinabi ko ang mga naisip ko tungkol sa parents ko noon, sa kaniya kasi ako nagra-rant noon. Masaya siya nang marealize ko ang lahat. Matured na daw ako kaya naman natawa ako sa kaniya.

BINABASA MO ANG
Querencia
Ficção AdolescenteIs there a possibility that someone will change a playboy? Will arranged marriage would make them happy 'til the end? What if they meet someone new, are they willing to be separated?