Prologue

162 10 2
                                    

DISCLAIMER:
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.It contains violence, torture, explicit language, inappropriate wordings, and rape that's not suitable for young readers. If you don't like that kind of thing, stop reading this. It also has some mature scenes that's for adults only but if you are open minded you're welcome here.

Paala lang po Boyxboy po itong storya na ito kung hindi po kayo natutuwa o isa po kayong homophobic o hindi gusto itong aking akda free Naman po kayong umalis hindi ko po kayo pinipilit magbasa nito kung ayaw ninyo.
Ang akin lamang isunulat ko ito dahil sa gusto at para maibahagi sa lahat ng aking mambabasa, pinaghirapan at pawis, pagod at load ko ang aking ginastos rito, at mahirap rin pong magsulat at mag isip.
Kaya Sana wag niyo po sanang ireport, dito po ako kase komportable at dito ako kumukuha ng lakas at saya Kaya please lang po wag naman Sana.
At kung mga typos grammars man o kahit anung Mali jan eh kayo na po ang umunawa hindi po ako perpektong manununat Kaya pasensya na po.

©All rights reserved

Plagiarism is a crime






                  PROLOGUE

"Ano pre? Sasama ka ba mamaya sa gimikan ng grupo?" yan ang bungad na tanong sa akin ng aking kaibigan habang nakaupo ako at may binabasa.

Napatingin ako sa kanya at tumango bigla naman itong lumapit sa akin at ngumiti.

"Ayos ah aasahan ko yan hah?" At tumango ulit ako.

Nagulat na lang ako ng bigla niyang hablutin ang aking libro na binabasa.
"Ano ba akin na nga yan nagbabasa yung tao eh?" Inis kong sabi sa kanya.

Napailing 'to saka binigay na sa aking libro na mabilis ko naman na kinuha at tinabi.

"Lagi yan na lang ang hawak at binabasa mo? Hindi ka ba nagsasawa jan? Pati sa gala natin kasa-kasama mo pa rin yan pati sa school o kahit ano mang lakad andyan lagi yan? Kaya nga di ka nagkakagirlfriend" napatingin naman ako sa kanya bago napabuntong hininga.

"Hindi kase ako sanay pre saka parang kulang kung wala 'tong libro" saka pinakita sa kanya at ngumiwi na lang ito sa akin.

"Bahala ka nga basta pupunta ka hinatayin kita mamaya mga 6pm andoon ka na?" Tumango na lang ako saka umalis na siya, nang makaalis ito ay agad na akong nag ayos ng gamit bago humiga ulit saka kinuha ko ang aking libro sobrang hilig ko itong basahin lalo na yung mga karakter, andito kase yung gustong gusto kong karakter na si Oxe Trakon Hevio ang Main Villain ng librong binabasa ko.
Kahit masama at pangit ang ugali nito ay gustong gusto ko pa rin siya parang ang lungkot ng kanyang buhay, kase naman kahit mayaman siya at nasa kanya na ang lahat ay kulang naman siya ng pagmamahal sa pamilya lalo na sa babaeng gusto niya.

Si Fhara Satwoh ang bida sa libro na aking binabasa sobrang mahal na mahal 'to ni Oxe na dahil sa sobrang pagmamahal niya rito ay lagi niyang sinusungitan at inaaway ang mga lumalapit sa babae lalo pa at may apat siyang manliligaw na nakapag-dagdag sa inis at galit nito dahil sa tingin niya inaagaw nila ang babaeng mahal niya.
Kaya nakagawa siya ng masama na sobrang kinamuhi at kinagalit ng babae at nakapaligid sa kanya pati na rin ng kanyang mga mahal sa buhay.
Iniwang mag-isa at kaawa-awa at dahil sa sobrang galit at naghalo-halo ng emosyon nagawa niyang kidnapin ang babae at patayin ang mga taong hadlang para sa kanya at kinalaban ang apat na lalaking may gusto kay Fhara.

Binalak niya ring angkinin ng sapilitan ang bidang babae pero dumating ang apat at iniligtas nila ito, dahil sa pagkabigo nito sa pag ibig at disappointed ang mga magulang niya sa kanya at wala ng naniniwala sa kanya kaya napili nitong kitilin na lamang ang kanyang buhay.Nang malaman nila ito ay nakahinga sila ng maluwag dahil wala ng gugulo sa kanila pa at ang mga bida ay masaya na lalo na ang babae dahil sa wakas nakapiling na niya ang tunay nitong mahal payapa at wala ng sisira at masayang piling ang isa't isa.Wakas.

Matapos kong basahin ito ay umiling na lang ako ng paulit ulit at umiyak kase ramdam ko yung sakit ni Oxe sana kung isa ako yung nasa libro baka pinagtanggol ko siya hindi lang yun baka napigilan ko pa siyang hindi magpakamatay.

Napatingin ako sa relo ko at 5:49 na kaya dali na akong naligo at nagbihis saka pumunta na sa sinasabi ng aking barkada.

"Buti na lang nakarating ka ng maaga?" Bungad na tanong ni Ryan sa akin.

"Malamang wala naman akong gagawin na iba kaya dumiretso na ko rito" sagot ko naman kaya tumawa ito at ginayak niya ako papunta sa upuan kung saan andoon na silang lahat.

"Oh andito na pala si Prince Ahron eh?" saka ako pinaupo sa gitna ng dalawang kaibigan ko sabay abot ng alak sa akin at agad ko namang ininom 'to.

Nagkwentuhan saka tawanan hanggang sa kami ay magsawa hindi ako uminom ng marami dahil uuwi pa ako kaya ng pasado 9pm na kaya sinabi kong aalis na ako, agad naman nila akong pinayagan sinabihang mag-ingat na lang daw ako.
Naglakad ako bitbit ang librong aking binabasa habang naglalakad at tinahak ang madilim na daan.

Liliko na sana ako ng may sumigaw na babae kaya napalingon ako at nakita yung aleng umiiyak habang hinahabol yung batang asa gitna ng daan, nakatulala at hindi na gumalaw dahil sa takot.
Hindi ko sana tutulungan ng sumigaw at umiiyak na yung ale at malapit ng mabangga ang bata kaya dahil sa inis at konsensya ko ay hindi ko namalayang itinulak ko ng marahan ang bata sa gilid at naramdaman ko na lang na tumilapon ako sa isang poste una ang aking ulo, namanhid ata ang aking katawan dahil lakas ng pagkakasalpok ko sa poste maraming mga taong sumisigaw at nag aalala nakita ko naman sa gilid yung bata habang alo ito ng kanyang ina, napangiti na lang ako atleast ligtas yung bata napaubo ako ng dugo at nahihirapan ng huminga kaya mas lalong nagpanic ang mga tao sa aking paligid tanging ang librong aking nabasa yung nahawakan ko bago ko ipinikit ang aking mga mata.









New story unlock

Reincarnated as Villain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon