Chapter 1

80 11 1
                                    

"Young master! Young master! Buti gising ka na!" Narinig kong sabi ng babae kaya naimulat ko ang aking tingin at nilibot ang kabuohan ng bahay, nagtaka ako dahil hindi naman ito ang aming bahay at mas lalong hindi ito hospital asan ba ako?

Bigla naman na bumukas ang pinto at pumasok ang doktor at tinignan ako.
"Glad that your okay" sabay tingin sa babae na na nasa gilid at may pag aalala sa kanyang tingin.

"Teka asan ba ako? At kaninong bahay ba 'to? bakit 'di niyo ko dinala sa hospital?" nagtaka naman ang babae bago tumingin ulit sa doktor.
"I think nagkaroon siya ng amnesia base sa kanyang naging reaksyon pati ang kanyang kinikilos" sabi pa 'to kaya nagtaka ako.

Paano ako magkakaroon ng amnesia eh naalala ko naman ang lahat saka baka naman niloloko ako ng mga ito at kinidnap ako?

"Anu bang sinasabi ninyo? paano ako nagka- amnesia"? turan ko sa doktor kaya lumapit ito at hinawakan ang aking ulo.

"Nahulog ka sa hagdanan at nabagok ang iyong ulo at nawalan ka ng malay at umabot ng tatlong linggo"

"Anu?" Gulat ko naman na tanong saka tumingin sa babae
"Totoo po yun young master" sabi naman nung babae at ito pa kanina pa ako tinatawag na young master ng babae sino ba talaga sila?

Napatingala ako ng magsalita ulit ang doktor.

"Oxe magpahinga ka na muna hindi ka pa magaling at kakagaling mo lang sa aksidente, malamang naguguluhan ka pa rin dahil may amnesia ka huwag kang mag-alala dahil andito naman si Khala para tulungan ka sa lahat at ipaliwanag ang mga tanong na iyong gustong alamin"

Teka Oxe? parang pamilyar sa akin hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at humiram ng salamin na agad naman dinala at binigay sa akin ng babae, napasinghap ako ng makita ko ang aking mukha sa salamin pero paano? panong kamukha ko siya.
Natanong ko na lang sa kanina kung ano ang aking pangalan.

"Your Oxe Tracon Hevio the 4th son of Mister Aguilar Hevio and Mrs.Quenie Safid Hevio" mas lalo pa akong nagulantang ng bigkasin niya ang buong pangalan ko ibig sabihin lang nito napunta ako sa loob ng librong binabasa ko which is yung " The Hidden Romance" at ako ngayon ang iniidolo kong si Oxe ang Villain sa storyang 'to.

Matapos nga nilang sabihin ang lahat ay nagpasya ng umalis ang doktor at inihatid naman ang babae or ni Khala yung doktor kaya mag-isa ako ngayon sa kwarto ko.
Anung gagawin ko ngayon hindi maaaring andito ako ayoko nito kahit naman sabihin kong idol ko si Oxe pero hindi sa mga gawain niya lalo pa't maraming may galit sa kanya isa na doon ang pamilya niya dahil puro sakit ng ulo ang binibigay niya.

Nahiga na lang ako at maya maya pa napagdesisyonan kong bumangon at pumunta sa banyo, hindi na ako nagtaka sa laki at lawak ng kwarto nito dahil sa sobrang yaman ng pamilyang Hevio, naghilamos ako at tinignan ko ulit ang itsura ko sa salamin hindi maipagkakaila na sobrang kinis at puti nito isama mo pa na ang ganda ng mata niya pati na rin ang puting buhok nito na bumagay sa maamo niyang mukha, matangos na ilong, makapal na kilay at malambot at mapulang bibig na bumagay sa kanya at kina-gwapo niya, sinong mag-aakala na sa likod nitong gwapong mukha ay kasing sama naman ng kanyang ugali? hay kung di sana siya masungit at sobrang masama baka marami ng nagkakagusto sa kanya.Natatakpan kase nito yung ugali niya kaya kahit gwapo eh takot naman ang ibang lapitin siya at hindi minsan hinangahan ng kung sino man.

Siguro si Fhara pero mas gwapo naman sa paningin niya ang apat, kaya nga nainlove agad ang babae sa kanila hindi lang kasi magaling ,nag-eexcel pa sila sa lahat ng bagay lalo na sa school na sobra namang kinagalit ni Oxe.

Napalumbaba na lang ako sa harap ng salamin

"Oxe? paano ako naging ikaw? Anu ng gagawin ko?" Problemado kong sabi sa salamin.
Nawala lang yun ng may kumatok sa labas ng pinto at pumasok roon ang isang lalaking nakapormal at nakasalamin.

"Mabuti po ang nagising na kayo young master Oxe pinasasabi ng iyong ama na bumaba ka na at pakikisalo sa hapag dahil kailangan"

"Huh?" taka ko naman na tanong sa kanya at tumingin ng maigi parang nakikilala ko siya dahil pamilyar siya sa akin pero di ko lang alam kung sino?.
"S-sino ka nga saka anung pangalan mo na?" yumuko ito bago nagpatuloy na nagsalita.

"I'm Thamuz Gelar your personal butler young master" saka ito tumingin sa akin ng seryoso.
Nagulat at napanganga ako dahil hindi nga ako nagkamali siya nga si Thamuz ang isa sa may galit kay Oxe, matapang ito at may kabaitan din pero hindi kay Oxe.
Dating assassin ito at nagtrabaho sa mansyon ng pamilyang Hevio, isang loyal at mapagkakatiwalaang tauhan sa mansyon at lahat ng utos ng ama ni Oxe ay sinusunod nito.
Inis na inis at galit ito kay Oxe pero hindi niya lang pinapahalata sa amo nito, nagkukunwaring concern sa kanya at may malasakit pero ang totoo ay gusto na niya itong patayin at isa siya sa masaya ng mamatay si Oxe dahil sa wakas masaya at payapa na ang lahat at masaya rin nagsasama si Fhara at ang kanyang mahal.
Itinuturin na niya kaseng kapatid si Fhara kaya nung nalamann niyang si Oxe ang dahilan kung bakit nakidnap at muntik ng mapahamak ang babae ay hindi siya nagdalawang isip na tulungan ang mga bida at nagtagumpay naman sila.

Nako po? Ex assassin pala 'tong si Thamuz kaya never ko siyang aawayin baka maaga akong mamatay dahil lang sa ugali ni Oxe pero hindi ko yun gagawin mas mainam na iwasan sila kaysa ang mapahamak at mamatay ako ng maaga.

"Young master tara na" mahinahon ngunit may halong inis na sabi nito sa akin kaya hindi na ako nag atubiling tumayo at sumunod sa kanya.
Malawak ang kabuohan nito ng makalabas kami sa kwarto ni Oxe at pupunta sa sinasabing pagsasalo tahimik lang akong nakasunod at nililibot ang aking paningin naudlot lang yun ng bumangga ako sa likod nito.

"Aray ko" mahina kong daing bago ako tumingala sa kanya na nakatalikod lamang sa akin.

"Sir andito na si young master Oxe at yumuko ito saka umatras para makita nila ako"

Awkward akong tumingin sa harapan ko at kita kong kompleto na sila at ako na lang ang hinihintay.

"Oxe" banggit na sabi ng ama nito kaya napatingin ako sa kanya at hindi ko maiwasang mapalunok.

"Tatayo ka na lang ba dyan? halika rito at marami akong sasabihin" malalim at strikto nitong sabi at sa panalawang pagkakataon napalunok ulit ako.














Tbc.....

Sorry for the typos and grammar's

Please vote comment share and papafollow rin guys thanks

Reincarnated as Villain Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon