Naupo na ako sa harap ng Ama ni Oxe na kasalukuyang ako at yumuko.
"Mabuti naman at bumaba ka na rin" striktong sabi nito sa akin kaya napatingin ako sa kanya, sobrang nakakatakot ang Ama pala ni Oxe parang mangangain ng tao pero kahit may edad na gwapo pa rin yun nga lang sobrang sama ng tingin nito sa akin kaya natatakot ako sa kanya kung si Oxe kaya niyang titigan at baliwalahin ang mga iniuutos at sinasabi ng kanyang ama pwes ako hindi dahil hindi ako ganun.
Tumango ako sa kanyang sinabi saka sumandok ng pagkain sa aking plato sobrang nakakatakam ang mga nakahain ngayon sa aking harapan at sa tingin ko sobrang sarap ng mga ito.
"Oxe nakikinig ka ba?" May inis na sabi ng babae sa akin kaya napadako ang tingin ko sa kanya, siya yung Ina ni Oxe at gaya ng sabi ko mukhang pati nanay nito galit din sa kanya hay nako ano ba kaseng pinag-gagawa nitong si Oxe hirap naman ng sitwasyon ko ngayon.
"Sorry mama" mahinahon kong sabi at nagulat ako ng biglang bumagsak ang kutsara nito na kanyang hawak saka gulat at nanlalaki ang kanyang mata ganun rin sa mga kapatid nito na parang hindi sila naniniwala sa akin sinabi.Oo nga pala hindi pala marunong humingi ng sorry ito kaya siguro gulat na gulat sila.
Ipinagpatuloy ko na lang kumain grabe sobrang sarap talaga gutom na gutom ako at dahil sa busy ako sa kakain hindi ko namamalayan na nakatingin na pala silang lahat sa akin pati mga maid pati si Thamuz ay hindi makapaniwala sobrang arte rin sa pagkain ni Oxe kaya napaka-payat nito pero ngayon ako na siya walang dahilan upang mag-inarte sayang ang grasya.
"Talagang magaling ka na nga talaga hindi na kailangan pa ng pahinga at lumiban sa klase kaya ito ang tandaan mo magbago ka na at huwag ka ng pasaway" galit na sabi ng kanyang ama napalunok naman ako bago tumango.
"Opo papa" magalang kung sabi saka pinagpatuloy ang pagkain pero pansin kung nakatingin pa rin ang ama nito sa akin kaya tumingin ako sa kanya at nagtaka ng mariin ako nitong tinitigan at hindi ko alam kung anu ang kanyang iniisip.
"What did you call me?" mahinahon nitong sabi sa akin kaya napatigil ako sa pag-nguya.
"P-papa?" patanong na sagot ko sa kanya kaya napatahimik ito.
Akala ko may susunod pa siyang sasabihin ngunit wala na kaya kumain na lang ako at wala ng pakialam kung anung sasabihin nila sa akin basta gutom ako.Pagkatapos kong kumain at makisalo sa kanila ay inihatid ako ni Thamuz sa aking kwarto at sinabi nitong maghanda na ako bukas dahil papasok na ako sa school.Magtatanong pa sana ako ng tumalikod na ito at umalis napalabi na lang ako saka nahiga sa aking malambot na kama.
Iniisip kung bakit ako napunta rito tanging naalala ko lang yung inimbita ako ng barkada ko para sa gimik at ng pauwi na ako ay may niligtas akong bata saka ako ang nabundol pagkatapos nun wala na at paggising ko andito na ako sa libro kung saan sa mundo ni Oxe siguro sasanayin ko ang sarili na tawaging Oxe baka kase magtaka sila baka anu pa ang masabi kaya susundin ko kung anung susunod na mangyayari, at bukas na bukas rin ay papasok na ako at may kutob akong hindi maganda dahil alam kung ako na si Oxe, malapit sa gulo at ubod ng sama nito kaya sana bukas wala munang hindi magandang mangyari.At ngayon nga ang unang pasok ni Oxe which is ako kaya nakasuot na ako ngayon ng uniform at pants na tinernuhan ng black na suits na bumagay naman saka may necktie tinignan ko ang itsura ko sa sa salamin at napangiti na lang sobrang gwapo kase at hindi maipagkakailang masama ugali nitong tao na 'to at ngayon ako na ang bagong may ari nitong katawan na 'to I will try na iwasan ang heroine pati ang mga ML para hindi agad mamatay.
May biglang pumasok kaya napatingin ako doon sa pinto at si Khala pala yun saka ito yumuko sa akin.
"Young master halika na sa baba at ihahatid ka na ni Thamuz pero bago po yun ipinagbilin ni Sir Aguilar na sa school na po kayo mag almusal dahil may aasikasuhin ito at kasama ang iyong ina at mga kapatid" magalang nitong sabi kaya napatango na lang ako.
Parang nalungkot ako nung sinabi nitong hindi sila sasabay sa akin mag almusal at nauna sila saka sinabing sa school na ako mag almusal well I know that Oxe is a jerk pero hindi niya deserve tratuhin sana na iba, tao rin siya nagkakamali at gusto niya lang iparamdam na anak rin siya at pansinin man lang siya ng pamilya niya.Kaya hindi na ako magtataka kung bakit naging Villain siya at hindi siya masama nagkataon lang na naging ganun siya dahil sa mga nakapaligid sa kanya naghahanap ng pagmamahal ngunit hindi naibigay.And villains are not all evil they just broken also villains are not born they are made.Kung hindi nasaktan si Oxe hindi sana siya magiging villain.
At yun nga pumasok na ako sa sasakyan na maghahatid sa akin sa school na papasukan ko.Nang makarating sa gate sa harap ng school kung saan nag aaral si Oxe ay napanganga talaga ako dahil sobrang laki pala ng Frivel Vieso Academy, alam kung pinagtitinginan ako ng mga studyante dahil nga sikat at dakilang trouble maker ako rito kaya ganun na lang nila ako tignan at pagbulungan nagdire-diresto na lang ako na naglakad at pumunta sa office kung saan ako papasok, matapos makuha ang schedule ko ay dumiretso na ako sa room ko.Kumatok ako ng tatlong beses bago pumasok.
Napatigil ang teacher na nagtuturo sa harap saka niya ako tinawag.
"Your late Mr.Hevio ano na bang oras naistorbo mo pa ang aking pagtuturo?" galit na sabi ng kalbo namin teacher.
"I'm sorry sir next time aagahan ko na lang po and try niyo po sanang i-consider ako dahil hindi po ako nakapasok nang tatlong linggo dahil hindi naman siguro bago sa inyo at nabalitaan na nahulog ako sa hagdanan?" Mahinahon kong sabi narinig ko ang pagsinghap ng iba at gulat nila including si sir kalbo.
Napatikhim ito saka niya ako tinawag.
"Well we know that okay papalampasin ko ngayon but kapag naulit ulit hindi na kita ikokonsider" napatango ako saka napangiti kay sir na kinagulat nila ulit well hindi ko na inintindi yun basta para sa akin gagawin ko ang lahat para makasurvive rito.TBC...
Please vote comment share and papafollow rin guys thanks
BINABASA MO ANG
Reincarnated as Villain
RandomPaano kung nang dahil sa nakonsensya at nakita mong nasa bingit ng kamatayan yung taong iyong niligtas ay kapalit ng iyong buhay. At nang dahil sa isang aksidente binawian ka ng buhay ng maaga at yung akala mong sa langit na ang punta mo dahil patay...