CHAPTER ONE: THE FROZEN TIME

32 3 1
                                    

Jaden

Ngayon araw ang simula ng klase. Kaya't gumising ako nang maaga para hindi mahuli mamaya. Medyo excited rin kasi akong pumasok gawa na may isang tao akong gustong makita. Walang iba kundi ang best friend kong si Dylan...

Magkaibigan na kami simula pagkabata. Naging magkakilala kami nung mapalipat sila rito sa lugar namin. Dati kasi silang nakatira sa Manila pero lumipat sila dito sa El Dorado after makabili ng bahay ang Bàba niya. 'Yon ang tawag nilang magkapatid sa tatay nila.

Hindi naman sila ganun kayaman, pero masasabing mong may kaya ang pamilya niya. Isang negosyanteng Chinese national kasi ang tatay niya at owner ito ng isang automotive repair shop dito sa lugar namin.

Pumunta ako sa garahe namin para kuhanin ang nakakadena kong asul na mountain bike. Nakasalubong ko pa si mama na mukhang abala sa pagdidilig ng mga alaga niyang halaman. May pagka-plantita rin kasi ang isang ito.

Napatingin ito sa akin nang mapansin niya akong paalis na. "Oh, anak papasok ka na?" tanong nito sa akin.

"Opo, ma, paalis na po."

"Oh siya, mag-iingat ka! 'Wag masyadong mabilis ang pagbibisikleta mo't baka madisgrasya ka," pagpapaalalang sabi ni Mama habang dinidiligan ang kaniyang halamang oregano.

"Opo, Ma. Mag-iingat naman po ako," sagot ko sa kaniya at agad na akong sumampa sa bisikleta.

"Kasabay mo ba si Dylan sa pagpasok?" pahabol niyang tanong sa akin.

"Yes, Ma. Napagusapan namin kagabi na magsabay na lang kaming pumasok today," sagot ko sa kaniya habang sinusuot ko sa ulo ko ang bicycle helmet.

"Gano'n ba? Ipakumusta mo na lang ako sa kan'ya, at mag-ingat kayong dalawa sa kalsada. 'Wag kayo masyadong matulin," muling paalala ni mama at nagpaalam na rin ako sa kaniya.

Sinimulan ko na magpadyak ng bisikleta at dumiretso na ako palabas ng garahe namin.

Habang nagbibisikleta ako sa daan, nararamdaman ko ang malamig na simoy ng hangin na dumadampi sa magkabila kong pisngi. Mag-6:30 pa lang kasi ng umaga kaya sariwa pa ang hangin sa daan.

Nakakasalubong ko rin ang mga kapwa ko mag-aaral. May mga ka-eskwela akong nakikita sa daan at may iilan naman na galing sa ibang paaralan.

Nakakasalubong ko rin ang mga estudyante sa elementary na kasama ang kanilang mga magulang na naghahatid sa kanila.

Sa may crossing na ako ng pang-apat na street at kumaliwa para daanan ang kaibigan kong si Dylan.

Dito sa lugar nila, masasabi mong mas malalaki at mas magaganda ang mga bahay. Halos mga mayayaman lang kasi ang nakatira dito at puro may mga matataas na palapalag ang bawat isa.

Mga foreigner na katulad nila Dylan ang mga iilang nakatira dito. 'Yon nga lang, mas matagal nang naninirahan ang pamilya ni Dylan sa pilipinas kumpara sa mga iba nilang kapit-bahay.

Medyo binagalan ko ang pagbibisikleta nang palapit na ako sa isang malaking modern-chinese style na bahay. Ito na kasi ang bahay ng Sy Family— ang pamilya ni Dylan.

Malapit na ako at sakto namang nakita kong palabas ng gate ang isang maputi at may katangakarang lalaki. Walang iba kundi ang si Dylan.

Bitbit nito ang kulay dilaw niyang mountain bike at akmang pasampa na sana.

"Dylan!" sigaw ko sa pangalan niya. Agad naman siyang napalingon at hinintay akong makalapit sa kaniya.

Nagpreno na ako nang makalapit ako kinaroroonan ng kaibigan ko.

THE AWAKENING POWER (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon