Jaden
Agad akong pumasok sa loob ng bahay matapos mawala ang asul na aura. Hindi ko na rin nagawang igarahe nang maayos ang dala kong bisikleta dahil sa kamamadaling makapasok.
Nakasalubong ko pa sa garahe si Papa na mukha namang abala sa oras na iyon: Inaayos niya ang makina ng Owner at katabi nito ang mga tools na nakahelera sa lapag.
Mapapansin mo rin ang mga mantsya ng grasa sa kaniyang palad at sa ibang bahagi ng suot niyang damit.
Napalingon siya saglit sa kinaroroonan ko nang mapansin niya ang pagpasok ko sa garahe.
"Oh, anak, nandiyan ka na pala! Mukhang inabot ka na ng dilim, ah? Saan ka pa ba nagpunta?" tanong nito sa akin habang hawak-hawak ang isang yabe-tubo.
"Napatambay lang pa kina Nanay Melissa," sagot ko kay Papa.
"Kasama mo ba si Dylan?" tanong nito.
"Opo pa," sagot ko sa kaniya at napatango na lang siya.
"As usual," sabi nito at tinuloy ang ginagawang pagbubutingting sa sasakyan. "Oh siya, paki-ayos na lang 'yang bisikleta mo. Ilagay mo rito sa gilid para hindi abala diyan daanan," Ang utos nito at tinuro ang isang espasyo sa garahe.
Agad naman akong sumunod at inayos ko ang puwesto ng mountain bike. Pagkatapos non, pumasok na ako sa loob ng bahay at sumalubong sa akin ang amoy na nilulutong ulam ni mama.
Hindi ko na nagawang magpakita sa kaniya dahil umakyat na ako papunta sa kuwarto ko.
Sumilip ako sa bintana ng kuwarto para i-check ang labas ng bahay. Tinitignan ko kung tuluyan na bang bumalik sa normal ang paligid. Wala naman na akong napansin na kakaiba kaya naman nakahinga na rin ako ng maluwag.
"Ano ba kasi ang nangyayari?" na-i-stress kong tanong sa sarili ko matapos akong mapabuntong hininga. Dahil dito, napaupo ako sa upan ng study table ko. Sumandal ako sa sandalan ng upuan at tumingala sa kisame.
Ilang sandali rin akong na sa ganong posisyon gawa ng kakaisip sa mga kakaibang nangyayari: Magsimula sa nakaraang araw ng pagtigil ng oras, yung misteryosong lalaki sa cell tower, at ang pagpapakita ulit ng asul na aura kanina.
Halos mabaliw na ako sa kakaisip kung ano ba talaga ang nangyayari. Maraming katanungan ang tumatakbo sa isip ko na hindi ko naman mabigyan ng kasagutan.
Ramdam na ramdam ko ang stress at hindi ko mapigilan ang sarili ko na hindi mapamura.
Buong gabi akong nagkaganon at nakatulog na lang nang hindi ko namamalayan.
Akala ko magiging maayos na ang lahat. Miski maging sa panaginip ko, hindi ako magawang tantanan ng mga kakaibang bagay na ito.
Napanaginipan ko muli ang isang lalaking sinaksak ng isang nakakatakot na nilalang. Dumaloy ang dugo sa hawak nitong patalim at tila binalot sa kadiliman ang paligid.
Walang ka ring maririnig na ibang ingay maliban sa nagtatawanang kalansay sa gilid.
Kahit panaginip lang ang lahat ng iyon, hindi ko pa rin maiwasang hindi makaramdam ng matinding takot.
Nagising ako ng alas tres ng umaga at hindi na muling nakabalik sa pagtulog.
Napatitig na lang ako sa mga sketch ko na nakadikit sa pader ng kuwarto, at sa sandaling iyon, doon na nagsimulang maubos ang oras ko hanggang sa abutin na ako ng liwanag.
⋆✦☪✦⋆
"Men, bakit hindi mo ginagalaw 'yang pagkain mo?" Rinig kong tanong ng kaibigan kong si Dylan matapos niya akong mahuling nakatitig lang sa pagkain na sa tapat ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/324585836-288-k622115.jpg)
BINABASA MO ANG
THE AWAKENING POWER (On-going)
FantasiaJaden is an ordinary high-school student that dreams of becoming an architect. He's known for having a great passion for sketching structures because he wants to build a house for his parents with his design. Jaden has a simple and peaceful life. H...