I/XXX/VI
ADMISSION
RESULTKanlungan,
Karamihan sa mga kilala
Resulta ay nakuha
Ligaya ang dulot sa kanila
Habang ako nandito at hinihintay ang pagkabigo nila.Dumaan ang mga araw
Hanggang sa ito'y naging linggo
Wala padin natatanggap na mensahe sa araw na ito
Tila alam ko na ang kalalabasan nito.Ngunit taimtim parin akong naghintay
Kahit sang-ayon ako na walang taglay
Ngiti sa labi ay sumilay
Nang mapagtantong ako ang nagtagumpay.Subalit kinabukasan
Ginising ako ng katotohanan
Ngiti ng kahapon naglahong bigla, ako'y kaniyang nilisan
PASADO, sa lahat ng katanungan.Luha na hindi malaman kung saan nagmula
Ligaya ba o pagkadismaya
Saan nga ba ito nagsimula?
Kanlungan, tama ba ang aking ginawa?Nagmamahal,
Sina Guardian Bobita
BINABASA MO ANG
Liham Para Sa'yo
Poetry2022-08 MMXXII Liham, para sa'yo Mahal kong Kanlungan, Ako si Sina Guardian Bobita, isang kolehiyala. JIMASHGRAYENN [On-Going]