Lux's
Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil sa may hangal na tumutusok sa pisngi ko. Hindi muna ako dumilat pinabayaan ko muna hoping na titigil din ang asungot kung sino man siya BUT i'm wrong mukhang walang balak.
"Mommy"
"Mommy wake up na po"
"Mommy please wake up"
"I'm hungry"
Napadilat ako sa huling sinabi niya. May kung parang anong pumitik sa puso ko.
"Mommy i'm hungry na po" Naka pout pa siya habang nakatingin sa akin. Cutie
"You should've gone to the dining area to eat" Nag inat ako at hindi na pinansin ang pagtawag niya sa akin ng mommy.
Pano ba naman kasi kagabi ko pa siya pinagsabihan na wag niya akong tatawagin na mommy dahil wala pa akong anak pero ang kulit nitong bata na ito pinipilit niya na anak ko siya and take note from the future daw siya. Kakanood siguro nito sa tiktok or whatever app is that called kaya kung ano-anong naiisip. Nag talo lang kaming dalawa hanggang sa umiyak siya kaya naawa naman ako at sumuko nalang. Dito din siya sa kwarto ko matutulog dahil gusto niya daw kasama mommy niya ewan ko dito sa bata na ito baliw ata napulot ko.
"You won't eat with me again even here mommy?" Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. May bakas ng lungkot sa salita niya. I heaved a sigh ayokong makipagtalo sa batang ito ang aga-aga pa.
"Okay, let me just wash my face real quick" Tumango naman siya. "Did you wash your face na ba?" Tumango ulit siya.
Pagbaba namin ay kumpleto ang pamilya ko sa dining table. Bahagya pa silang napatigil ng makita nila kami.
"Good morning honey" Salubong ni mom at dad sakin. Umupo na ako sa tabi ni mom nasa harap naman namin si kuya at ate.
"Good morning kid"
"Good morning po grandmom and granddad" Lumapit pa ito at hinalikan sa cheeks si mom at dad. Natigilan naman sila bago mapangiti at hinalikan din nila si huxley.
"Good morning auntie quincy and uncle quillen" Bati nito at hinalikan din sila. Aba sipsip itong batang to ah. Napangiti naman sila ate at kuya at humalik din dito.
"Mommy i want that and that" Turo niya sa hotdog at sa ham. Nakaupo na pala siya sa tabi ko.
"You have hands right? Use it" Walang baling na sabi ko habang nakatingin sa cellphone.
"Q!" Tawag sakin ni ate at pinandilatan ako ng mata.
"Honey give what the child wants come on" Sabi naman ni dad.
Lalagyan ko na sana ang plato ni huxley ng tumayo ito at lumipat sa tabi ni ate. Napaawang naman ang labi ko habang sinusundan siya ng tingin. Did he just walks out on me!?
Pinandilatan ako ng mata ni ate bago inasikaso si huxley. They're treating him like a freaking baby! Feeling ko maispoiled yan masyado. I need to find his parents soon.
"It feels like we already have an apo" Masayang sabi ni mom habang nagniningning ang matang nakatingin kay huxley. Napairap naman ako.
"Yup plus he looks like lux so it really feels like he's our grandchild" Nakangiting sabi ni dad. Tumango naman si ate at kuya habang nakangiti. Sinubuan pa ni kuya ng pagkain si huxley si ate naman pinainom pa ng tubig. He really is spoiled already.
"Just so you know we need to find his parents" I said after clearing my throat. Nakuha ko naman ang attention nila.
"Oh right about that i already asked my private investigator to find his parents. For the meantime he will stay here until we find his parents" Paliwanag ni kuya. No choice naman ako at tumango nalang.
YOU ARE READING
My child from the FUTURE (ON HOLD)
ЧиклитLux Quinn Adler's life is perfect. She's known as the goddess of med school, she comes from a powerful family, she's kind, Pretty, Smart and Homophobic. Until one day a child suddenly comes to her and introduced itself as her child from the future...