Lux
"Oh and i forgot to add, I'm lux's wife and this is our son huxley"
Everyone gasped on what she said kahit ako. Pasimple ko siyang kinurot sa likod niya.
"Ouch" narinig ko ang mahina niyang daing. Napahagikgik naman ng mahina si sloane.
"Y-you two are m-married!?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mrs. Dixon
"Yes po eh.. Mrs?" Tumingin siya sa akin. "What's her name?" Bulong nito.
"Mrs. Dixon" bulong ko pabalik. I stiffened when i felt her thumb caressing the back of my hand. My eyes widened when she kissed it in front of everyone.
"Isn't my wife so beautiful Mrs. Dixon?" Nakangiti niyang sabi tumango naman si Mrs. Dixon at ngumiti.
"Yes iha, she's so gorgeous even my youngest son is smitten by your wife's beauty" saad ni mrs. dixon at tumingin kay miguel na nakatayo pa din pala. Mukha naman natauhan si miguel at agad ngumiti kay grey.
"Yeah, sorry about that ms. laurier i didn't know that lux is already married and already has a....son" Miguel looks so confused while looking at sloane. Kahit ang mga kaibigan ni grey na kuya mike at migz ay parang naguguluhan. Iniisip siguro nila kung paano nagkaroon ng anak si grey at kung bakit ang laki na ng anak namin ni grey hahaha.
Napatingin ako kay grey ng pisilin niya ang kamay ko. Bahagya niyang pinaling ang ulo niya papunta kay sloane. Nagets ko naman agad siya. Tinanggal ko ang kamay ko kay grey at nilagay ko ito sa balikat ni sloane bago ko siya sinamaan ng tingin. Tsansing masyado itong babae na to.
"Baby introduce yourself" Malambing na sabi ko kay sloane. Ngiting tagumpay naman si grey sa gilid ni sloane kay kinurot ko napa aray nanaman siya.
"Hello po I'm Huxley Sloane Cloxia Adler-Laurier and i'm 8 years old po" Nakangiting pakilala ni sloane. Lumabas ang dimple niya kaya napangiti ako. Ang cute.
"8 years old!?" Hindi makapaniwalang sigaw ni kuya mike at migz. Nakatingin sila kay grey na parang nagsasabi na 'you bettter explain'
"Yup maaga kasing nabuntis si-
Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya ng batukan ko siya ng sobrang lakas halos sumubsob siya sa lamesa sa harapan namin. Pasalamat siya napakapit siya kay sloane dahil kung hindi tatama nanaman sa salamin noo niya.
"That's her love language ang manakit" Nakapag biro pa talaga siya. Nagtawanan naman lahat. Tinignan ko sila ate at ayan nanaman ang mapang asar na tingin nila. Lagi nila akong inaasar kay grey.
"We're gonna go to our room now mom" Paalam ko kay mom at tumango naman ito. Tinaasan ko si grey ng kilay ng mapansin kong sumunod pala ito sa amin. Pinauna ko si sloane at sinabihan na maligo na habang ako kay humarang sa pinto at hinarap yung malanding babae.
"Where do you think you're going?" I crossed my arms on my chest while leaning on the door frame.
"You look really hot" Nakangising sabi niya. Agad kong binato sa kanya ang bag ko na nasalo niya naman.
"Easy mommy, Just tell me if you want me to carry your things. I won't refuse even if..." Para akong malalagutan ng hininga habang lumalakad siya unti-unti papunta sa akin at ng tumigil siya sa harap ko ay tuluyan na akong napatigil sa paghinga "it's you that i will carry"
Hindi ko napansin na nilagpasan niya na pala ako at nakapasok na siya sa kwarto ko. Kahit hindi ko siya tignan ay alam ko na may mapang asar na ngisi siya sa mga kabi niya ng makita niya ang inakto ko kanina. My god lux what the hell is that?
YOU ARE READING
My child from the FUTURE (ON HOLD)
ChickLitLux Quinn Adler's life is perfect. She's known as the goddess of med school, she comes from a powerful family, she's kind, Pretty, Smart and Homophobic. Until one day a child suddenly comes to her and introduced itself as her child from the future...