“ Ciro! habulin mo ko ” sigaw ni avyanna
“ Sandali lang naman! ang bilis bilis mong tumakbo, kapag nahuli talaga kita, ihuhulog kita sa bangin ” sigaw nito pabalik, pero hindi natinag ang bata.
“ Sandali nga, pahinga muna tayo ” huminahon na rin sa wakas si avyanna
“ Alam mo ba, lilipat na raw kami ng bahay! pupunta na raw kami nila mama sa japan, doon na raw ako mag aaral ” excited na kwento ng batang si ciro
“ Iiwan mo na ’ko?” malungkot na tanong ng batang si avyanna
“ Hindi naman kita iiwan, palagi pa rin kitang pupuntahan dito ” Sabi ni ciro na para bang napakalapit ng japan sa pilipinas.
“ Mangako ka sa'kin ha! palagi tayong mag lalaro at babalikan mo ko rito ”
“ Oo naman! palagi kitang makakalaro, tsaka po-protektahan kita para hindi ka na masaktan ng mga pinsan mo ” sagot ni ciro
ngumiti ang bata, bago ito lumapit kay ciro at humiga sa hita nito.
“ Maven, ang ganda ng langit oh ” sabi ni avyanna
“ Oo nga, sabay tayong pupunta diyan, walang iwanan ha ”
At noong araw na iyon, nag pahinga ang dalawa sa paglalaro
Kinabukasan
“ Ciro, pupuntahan mo pa rin ba ako kahit malayo ka na? ” tanong ni avyanna
“ Oo naman! at palagi pa rin tayong maglalaro ”
tumingin si avyanna sa magulang ni ciro, “ babalik ka ha? ”
“ Oo naman! babalik ako sayo, para maglalaro pa tayo ” sabi ni ciro