Bakit mo ko dinala rito? ” tanong ko kay ciro.
“ Para makita mo ang buwan ”
“ Nakikita ko na... ”
“ Maganda, ’di ba? ” tanong niya sa akin
“ sobra ”
pero unti unting dumilim ang kalangitan at puro ulap na lang ang nakikita ko
“ Hindi ko na makita. wala na akong makita ”
“... Ciro—”
“ Hindi na kita nakikita bilang makakasama ko hanggang sa pag-tanda ko, avyanna. ”
“ B-bakit? ”
“ Hindi ko alam. gumising na lang ako tapos... hindi na kita mahal ”
hindi na kita mahal...
simula nung araw na iyon, i started to hate the moon, at hindi ko na rin ito makita o matanaw.
and those nightmares... were bugging me everyday.
ayaw na kitang maalala...
nagising ako mula sa mahimbing kong tulog and i started sobbing.
“ tigilan mo na ko, please... putangina maawa ka sa akin, ayoko na, gusto na kitang kalimutan ” iyak ko
“ ayaw na kitang maalala ”
nakakatawa, noon ayaw ko siyang makalimutan pero ngayon ay ayaw ko na siyang maalala...
“ putangina, ano bang ginawa ko sa'yo. ”
hindi ko na maawat ang sarili ko sa pag iyak and my eyes... they are already swollen.
kinuha ko ang old phone ko at inopen ang video na narito noon
“ yanna! hinahanap ka na ng anak natin ”
“ bobo ka, kailan tayo nag ka-anak. ”
“ Ang sungit naman ng baby ko ”
“... Naka video ako, love. may sasabihin ako”
“ Happy 5th anniversary, love. ”
mas lalo akong naiyak sa napanood ko
paano niya ako nakayanang i-give up? halos maraming taon kaming nagsama, e. tapos isang araw, nagising na lang siya na hindi niya na ako mahal? kalokohan.
hindi ko na makita ang buwan... kailan ko kaya to makikita ulit?
I saw her, i saw my safe place, my love, my sky, the person I would give everything just so she would knew how much i love her... pero hindi ko na ata gugustuhin na makita siya muli?
Nakatulog na rin ako sa wakas, pag gising ko, para pa ring may kulang.
bakit ba ganito ang epekto mo sa akin?