Matutulog na sana ako, pero nakarinig ako ng hikbi mula sa kabilang kwarto. nag papahinga na kami ngayon at alas dose na ng gabi, napagod ako sa naging byahe namin. nang silipin ko kung sino ang naiyak...
Si mama...
I saw her, holding a picture, picture nila ni daddy, bagong kasal sila sa litrato
“ Hindi mo kailangan mag tago diyan sa dilim, alam kong narinig mo ang iyak ko” nagulat ako dahil nag salita siya bigla
“ Bakit ka umiiyak? ” tanong ko
“ Si daddy mo, mahal na mahal ko yon... walang araw na hindi ko siya naisip kasi mahal na mahal ko siya ” pamimula niya.
“ Noong mga bata pa kami, palagi niya akong tinatakas sa bahay para makapaglaro kami. ayaw na ayaw niyang umiiyak ako, palagi niya akong pinagtatanggol. ” pamimula ni mama
napangiti ako ng mapait. halos parehas nang nangyari sa amin ni ciro.
she was my safe place, palagi niya rin akong pinag tatanggol noon at ngayong kailangan ko siya... wala siya rito.
“ Ilang beses ko siyang tinanong kung mahal niya ako pero paulit ulit niyang sinabing... oo, mahal na mahal niya ako ” she added.
“ Masaya naman kami, e. tangina siya lang naman ang gusto ko, siya lang naman ang kailangan ko. ”
si ciro lang din ang gusto at kailangan ko noon... pero iniwan niya ako
“ sampung taon, gumising na lang siya na hindi niya na ako mahal... ” dagdag niya habang umiiyak
naalala ko yung gabi na iniwan niya ako, hindi niya na raw ako mahal at hindi na siya babalik, halos parehas nung nangyari sa magulang ko.
“ 15 years na, pero hinihintay ko pa rin siya. kasi baka naguluhan lang siya? baka mahal niya pa ako? baka kailangan niya lang ng pahinga non? baka pagod lang siya nung oras na yon? baka gusto niyang pigilan ko siya non? ”
“ Ang hirap hirap nung nawala siya. ” she added at tuluyan nang humikbi
Ayokong nakakarinig ng iyak. naaalala ko yung sarili ko nung gabing iniwan niya ko...
“ Siya pa rin, siya palagi ” dadag niya
hindi ko maiwasang isipin kung... hindi kami iniwan ni daddy, masaya kaya kami ngayon?
Kung hindi ako iniwan ni ciro, magiging masaya rin kaya kami ngayon? hihilingin niya rin ba ako araw araw? mas mamahalin niya pa kaya ako? pipiliin niya rin ba ako palagi?
Kung babalik siya, makakaya ko pa bang tanggapin siya ulit?
Sa tingin ko, Hindi.
Kasi masiyado nang matagal yung mga nangyari, impossible na balikan niya pa ako.
Pero, iniisip niya pa kaya ako?