Chapter Six

271 8 3
                                    


" Good Morning!! " Sira na agad araw ko.

Pano ba naman, pagmumukha ni Reyes agad nakita ko

" Nasa impyerno na ba ko? " Sabi ko sabay upo.

" Huh? Hindi "

" Ay thank you Lord. "

" Bakit?"

" May demonyo kasi sa harapan ko eh. "

" Sweet mo talaga sakin "

Napalingon ako sa paligid. Hindi ko 'to kwarto. Hindi ko 'to bahay. Shet.

" ASAN AKO?! "

" Chill lang Aly. Chill "

" CHILL? SINASABIHAN MO KO NG CHILL?! EH HINDI KO NGA ALAM KUNG NASAAN NA KONG LUPALOP NG MUNDO JUSKO. "

" Nasa bahay ka namin. Well, nakatulog ka sa kotse kagabi eh. "

" EH NASAAN SI YANA?"

" Umuwi na. "

"PAANO?! "

"Nag text sa kanya yung mom niya na may dinner sa Sm aura and then ayun di ka na namin ginising kasi nakakahiya. Then sabi ni Yana, sasabihin nalang daw niya sa mommy mo. Pero kagabi tinext ko na mommy mo kasi hiningi ko number niya kay Yana. Kasi kapag pinakealaman ko yang phone mo sabihin mo na naman sakin pakielamero ako. " Aw drama pwe

" Drama mo " Sabay sampal sakanya. Di yung sampal na puno ng galit ah. Kundi parang lokohan lang. Tsaka mahina lang.

Bigla niyang hinawakan kamay ko.

Ngumiti naman siya kaya ngumiti narin ako. Di ko alam na ganito pala siya kabait. Napaisip din ako na sa kabila nang pag papatulog sakin sa bahay nila, sa pag alalay sakin nung pababa kami sa hagdan nung mallshow nila.

Kaya magiging mabait na ko sakanya :)

" Uhm Reyes.. "

" Oh? "

" Sorry nga pala sa mga nagawa kong pagsusungit sayo. "

" Okay lang hehe basta ikaw :) "

" Promise ko sayo, simula ngayon magiging mabait na ko sayo " I'll try hahaha joke

" Yie, love na niya ko "

" Nakikinig ka ba? Diba sabi ko magiging mabait hindi love! Jusme "

" 'To naman. Masyadong high blood. "

" Ikaw kasi eh " Sabi ko sabay simangot

" Good Morning " Sabi nung mom ni Reyes

" Good Morning po " Sabi ko

" Kumain na kayo sa baba "

" Sige po"

After nun ay bumaba na kami ni reyes

" Pa, Ate Inna... si Aly po pala " Sabi niya habang nakangiti

" Hello po" Sabi ko

Ba't ako kinakabahan haha

" Ganda naman nitong batang ito" Sabi nung dad niya

" Oh, kumain na kayo. " Sabi nung ate niya.

Edi umupo na kami ni Reyes.

Grabe parang fiesta naman dito. Andaming pagkain. Kumpleto, may gulay, may fruits, may mga karne basta haha

His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon