Chapter One

1K 15 9
                                    

" KYAAAAAAAAAAH!! omgomg. "

" Anakngtipaklong, HOY!ANG INGAY INGAY MO! KITA MO NAMANG GUMAGAWA NG REPORT YUNG TAO OH. " Sabi ko sabay irap kay Yana

" Ay sorry " Sabi niya sabay peace sign " Sumayaw at kumanta yung Gimme 5 eh. " Tsss. Puro nalang Gimme 5.

" Ayan na naman. Alam mo Yana, kaya kita pinapunta dito dahil magpapatulong ako sayo gumawa ng report. HINDI PARA SUMIGAW SA HARAP NG TV NANG DAHIL SA LESHENG GIMME 5 NA IYAN! TSSSS. Mga panget naman yung mga yun. "

" Grabe ka naman. Ngayon ko na nga lang sila nakita after 5 days eh " Pagmumukmok niya.

" Arte mo. Tulungan mo na nga lang ako. " Sabi ko sabay harap sa computer. Tumabi naman siya sakin at tinulungan na ko.

Ako nga pala si Aly Rachel Lopez. At si Yana nga pala yung bestfriend kong patay na patay sa lesheng Gimme 5 na iyan. Kahit saan kami magpunta ni Yana, sila lagi ang gusto niya pagusapan namin. Kaya nga minsan nakakainis na.

* knock knock *

Binuksan ko naman yung pintuan.

" Oh mama? " Sabi ko.

" Kain muna kayo sa baba. " Sabi ni mama. Agad agad namang kumaripas ng takbo si Yana sa pintuan. -___- PG.

" Pagkain? " Sabi niya. -___- . Para siyang batang nagpapabili sa mama niya ng Baby Alive at binilhan naman siya. -____- . With matching kinang mata pa si Yana. Jeskelerd. Minsan iniisip ko kung pinapakain ba ito nila Tito't Tita eh.

Tumango naman si Mama. At agad agad bumaba si Yana. " Oh, halika na anak. " Yaya ni mama. Kaya nama'y bumaba narin ako.

Hindi ba kayo naiinis sa mga mukha ng Gimme 5 na yan?

Ang papanget naman nila eh. Yung Nash ba yun? Mukhang pilandok. Si Grae naman, pwede nang hideout ang kilay. -_- Si Brace parang duleng. Si John pacute ng pacute hindi naman cute. Tapos.. Tapos si Joaquin parang bakla. Jusko. -_-

Tsaka pansin nyo ba? Na kapag nagpeperform sila puro lipsync sila. Tsk. Walang talent.

Pagkababa ko ay naabutan kong nagkwekwentuhan sina Dad at Yana.

" Alam niyo ba tito magkakaroon nga sila ng mallshow malapit dito eh sa Next Saturday pa po iyon eh. MEGEYYYD. Pupunta talaga kami ni Aly dun! " Jusko. Well ngayon ay Linggo...

" Woah, wag mo nga kong idamay dyan sa kalokohan mo -_- " Sabi ko. Sabay upo sa tabi ni Mama

" Tsk. Alam mo Aly, tularan mo itong best friend mo na lumalabas paminsan minsan. Baka naman mabulok ka na dito sa bahay. " Nako naman. Kinokonsinte ni Papa si Yana eh. Tss.

" Pa, lumalabas naman ako paminsan minsan eh. Pero nakakatamad kasing gumala eh. " sabi ko

" Asus, kaya napag-isipan ko na sasama ka kay Yana sa Sabado. " Sabi ni papa.

" Ha?! SERYOSO KA PAPA?! " Sabi ko sabay tayo. Aaminin ko medyo napataas ang tono ng boses ko.

" Wag mo kong pagtataasan ng boses ha! SA AYAW AT GUSTO MO, SASAMA KA KAY YANA! " Boom. Okay, galit na sya.

(( Monday ))

" Aly, alam kong ayaw mo sa mga boyfriend ko ay este sa Gimme 5. Kaya okay lang sa akin na hindi ka sumama sa akin. " Aww napakaUnderstanding ng bestfriend ko.

" Maraming maraming salamat Yana ah. Dahil, kahit na alam mo namang hindi ko gusto yung mga ' BOYFRIENDS ' mo ay hindi parin nawawala yung pagkakaibigan natin. " Sabi ko. Yinakap naman niya ako .

Pagkatapos ng madramang usapan naming magBest friend ay nagkahiwalay na kami, pupunta daw siya sa court dahil may game doon ng basketball. Laban daw ng Section 1 and Section 2 eh. Ayaw ko naman pumunta dun kasi ang ingaaaaay. SOBRA. Andaming mga babaeng nagsisigawan doon.

Habang naglalakad ako sa kalagitnaan ng sobrang habang hallway ng 2nd Floor namin dito sa school ay may naririnig akong parang may nag- tatalo.

Edi syempre dahil sa sobrang pagkaChismosa ko ay este sa sobrang curious ko ay sumilip ako sa isang classroom. May nakita akong dalawang lalaking nagtatalo

" Pero kaibigan ko si Cameron! Hindi ko magagawa iyan! " Sabi ng isang lalaking nakatalikod.

" Sige. MAMILI KA, SUSUNOD KA SA UTOS KO O SASABIHIN KO ANG PINAKAMAITIM NA SEKRETO NG INYONG PAMILYA. " Sabi ni... ni Henry! ⊙____⊙

Si Henry nga pala yung isa sa pinakaaaaa sikat sa aming eskwelahan. Sa tingin ko, may masamang balak ang dalawang to ah.

Mukhang nagdadalawang isip yung lalakeng nakaTalikod. Pero, sino nga ba si Cameron? Tsaka wait. Sa tingin ko kailangan ko ng lumayas dito at baka madamay pa ko. Tumakbo naman kaagad .

Hanggang sa makarating ako sa Cr kaya pumasok ako. Wala namang tao eh. Napatingin ako sa sarili ko sa salamin at napaisip.

Ano ba ang plano ni Henry para kay Cameron. Nagsisi tuloy ako, dahil kung hindi ko sasabihin kay Cameron ang narinig ko ay makokonsensya pa ko.

Pero teka, sino nga ba si Cameron?

Nagtext ako kay Yana.

To: Yana

Yana, magkita tayo mamaya after ng basketball. I have something to tell you. It's very important.

*sent

Sasabihin ko nalang kay Yana yung mga nangyari kanina. Tsaka itatanong ko sakanya kung sino si Cameron. I'm sure kilala niya yun. Yun pa! Eh ang daming alam at ang daming kilala nun eh. Isa siyang certified stalker! :)

Pagkalabas ko ng Cr ay nagmadali akong tumakbo dahil baka malaman ni Henry na narinig ko ang pinaguusapan nila kanina nung lalaki. Hanggang sa naisip kong pumunta nalang ako sa canteen at lalamon ng puds.

" Ahhhh! " Sigaw ko. Anak ng @j×&/€_¥/@¥_:*'_*$¥_

Nadapa ako putek. -_____-

" Ay sorry miss. " Sabi nung lalaki sabay tulong sakin sa pagtayo.

" Sorry? Anong magagawa ng sorry mo?! Eh kita mong nagkasugat ako oh. Magagamot ba ng sorry mo ang sugat at pasa ko dito sa tuhod ah! -____- Di marunong mag-ingat! " Argh! Nakakaimbyerna ng araw.

" Sorry talaga miss. Di ko talaga sinasadya. " Sabi niya sabay tingin sa mata ko. Hmmm, medyo gwapo at nakajersey sya. Kaso nakakainis siya! Hindi siya nagiingat sa dinadaanan nya!

" Ano ba ang gusto mong gawin ko para mapatawad mo ko. " Sabi nung lalaki.

" Well......" Sabi ko sabay cross arms. Ano ba pwede? Wala akong maisip.

Bigla namang nagring yung phone niya. At pagkatapos niyang kausapin ang tumawag sakanya ay mukha na siyang nagmamadali.

" Uh, aalis na ko ah. Magsisimula na yung game eh. Baka gusto mong sumama? " Napaisip ako bigla.

" Ah sige na nga. " Sabi ko.

-----

HI GUYS! ACTUALLY, DI KO ALAM KUNG SAAN HAHANTONG ITONG ISTORYANG ITO. PERO GO WITH THE FLOW NALANG HAHAHA.

OKAY. CHAPTER 1 IS DONE. WELL, IIBAHIN KO YUNG WAY NG PAG UPDATE KO.

IIKLIAN KO PARA MASEXCITING AND PARA DUMAMI ANG CHAPTERS. DI KO ALAM KUNG BAKIT AT KUNG ANO ANG TRIP KO HUEHUE.,

His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon