Chapter Three

334 8 0
                                    

" Tara na Yana " Sabi ko sabay tayo. Nandito na nga pala kami sa kiosk. Katatapos lang mag snack. Dito kasi kami dumiretso mula sa gym eh. Gutom kasi tong kasama ko. Biruin nyo di ako kinausap ng 45 minutes at lumamon lang ng lumamon.

Habang nag lalakad kami sa hallway nakita kong nag sasaya parin yung team nila Cameron dun sa baba. Napangiti tuloy ako.

" Uy Ano na itatanong mo sakin? " Ugh. Bigla ko tuloy naalala. Nakokonsensya na naman ako.

Sasabihin ko na nga.

Hinila ko si Yana sa loob ng Computer Room. Walang tao dito, alam ko.

" Yana, Kanina habang naglalakad ako sa hallway sa Second floor. Nakarinig ako ng away mula sa isang classroom. "

" Oh Tapos?"

" Narinig ko na mukhang may binabalak na masama yung mga lalaking nag-uusap kay Cameron. "

" Pano mo naman nalaman? "

" Kasi parang binablackmail pa ni Henry yung lalaking kausap nya. Sabi ni Henry pag daw di niya sinunod yung utos ni Henry sasabihin daw ni Henry yung maitim na sikreto nung lalaking kausap niya. "

" Wait, Henry? Yung sikat na Gr.9 dito? "

Tumango naman ako.

" Ang sama naman pala nun. Grabe siya. Ex ko pa naman yun"

" Ex? Hala, di ko alam "

" Ex Crush kase... Hindi Ex boyfriend Hahahaha "

" Ay Edi wow Hahaha gumaganyan ka na ah. "

" Baliw hahaha eh teka ano plano mo?"

" Ewan. Baka sabihin ko nalang sakanya. "

" Kailan?"

" Mamaya? Bukas? Sa susunod na bukas? Ay Ewan!"

" Baliw ka talaga eh no? Hahaha. "

" Tagal na. "

***

" Cam! " Sabi ko habang hinahabol si Cameron.

" Oh bakit ka tumatakbo? "

" May importante akong sasabihin sayo. "

" Ano?"

" Halika." Sabi ko sabay hila sakanya sa classroom namin na wala ng estudyante, teacher, duwende just us.

" Gaano ka "IMPORTANTE" yung sasabihin mo sakin at kailangan pa nating mag- usap dito sa classroom? Na walang tao. Baka naman rapin mo ko. "

" Bungol. Rapin agad? Feeler mo. " Okay medyo nabadtrip ako dun.

" To naman. Joke lang yon "

" Ganto kasi yun... Bago kita makabangga dun sa hallway galing ako sa second floor. Then nakarinig ako ng pagtatalo. At dahil curious ako sumilip ako. Nakita ko.. si Henry... "

Bigla naman nag iba yung reaksyon ng mukha niya. Para bang... galit siya. Ewan. Basta nag iba yung reaksyon niya.

" tapos sabi ni Henry dun sa lalaki... pag hindi daw sinunod nung lalaki yung utos ni Henry ipagkakalat ni Henry yung sikreto daw nung lalaki. "

" Kailangan kong makausap si Henry.. "

" Wag! "

" Bakit?! "

His GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon