2

16 0 0
                                    

Alexandra………………..

“Have a good day, iha,”

Bumaba na ng kotse si Alexandra matapos magpaalam sa Mommy nya. Ang plano, sabay silang lima na papasok pero nauna na siya dahil nagpresinta ang Mommy niya na ihatid siya. First day of school daw eh, Dart! Ti-next narin niya si Kathlene na huwag na siyang sunduin sa bahay.

Umalis na ang kanyang Mommy at naiwan siya sa parking lot.

“PPPEEEEPPPPPP!!”

Halos mapalundag siya sa kinatatayuan ng may isang itim na sport car ang dumating. Mabuti nalang kamo at agad syang nakatabi, dahil kung hindi, tiyak pisa ang dating niya!

Ramdam niya ang agad na pag akyat ng dugo sa ulo niya. Ngali-ngaling suntukin niya ang potek na driver kung sakaling bumaba ito sa hayop nitong sasakyan!

“Pahara-hara ka kasi diyan! Alam na parking lot dyan pa tumambay,” at ang mokong ito pa ang naunang manermon!

“Ang kapal din ng mukaha mo no?Ako na nga itong muntik na masagasaan ikaw pa itong may balak na magalit!,” bulyaw niya rito.

“Nagtataka ngarin ako. Bat di kana natuluyan?”

Aba’t iniinsulto ba sya nito?

 “Alam mo, Miss. Malay ko bang gusto mong magpakamatay! Idadamay mo pa ako,” ani pa nito.

Napabutong hininga si Alexandra sa sobrang inis. Hinahamon talaga sya ng hinayupak na ito!

PAK!!!

Oha, hindi na siya nagsalita bagkos isang malakas na suntok ang pinakawalan niya sa hinayupak na pagmumukha ng lalaking ito!

Napahawak naman ang lalaki sa tinamaang pisngi. Kuyom ang mga palad na tiningnan sya nito ng matalim. Sya, masisindak! Utot nya.

Mabilis ang ginawa nitong hakbang. Namalayan nalang niya ay hawak na nito ang kuwelyo ng damit niya at isang dangkal nalang ang layo nila. Hindi na siya nakaimik. Ang bango pala ng hininga nito! Well, who cares?

“You know what? Ikaw palang ang unang babaing nakagawa ng ganon sa akin,” sabi nito. “At alam mo ba kung ano ang parusa sa mga babaing pangahas na kagaya mo?,” banta pa nito at akmang ilalapit na nito ang mukha sa kanya.

Isang malakas na sampal naman ang nasalubong nito buhat sa kanya! Nabitiwan naman siya ng lalaki at agad siyang umurong papalayo.

“Oh, ano? Gusto mo pa ng pangatlo?” aniya. Kung hamunan lang naman, no way na magpatalo siya! Dyan kaya sya expert!

LIFE IN COLLEGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon