Chapter 2: Hold up

10 0 0
                                    

Ayesha……….

Pagkapasok sa kanilang room ay dumeritso siya ng upo sa pinakahuli. Si Trinah naman na kaklase niya ay umupo sa unahan. Parehas sila ng kursong kinuha ni Trinah, Architect. Konte palang naman ang mga studyanting naroroon kaya nakapili sila ng magandang pwesto.

Maya-maya lang ay nagsipagdatingan na ang mga studyante at huling pumasok ang matandang professor.

“Goodmorning class,” bati nito sa kanila.

“Good morning, Miss,’’ganting bati ng mga studyante. Pero take note, nag-effort pa syang tumayo.

“You may take your seat, Miss,” anang professor sya lang kasi ang nakatayo.

Nahihiyang umupo naman siya. Mabuti na ngalang at agad na nagdiscuss si Miss Pamagawlay.

“Okay, class take down all the topic that you are going to study. We will have an exam next meeting,”

Ano daw?

Agad na kinuha ni Ayesha ang notebook sa bag kasunod ang ballpen –

Natigilan siya. Hala! Asan yung ballpen nya? Nawindang siya ng todo. Imposible pero kaninang umaga nilagay nya iyon sa bulsa ng bag niya.

Nganga! Wala talaga. Makailang ulit na niyang hinalungkat ang bag pero ni anino ng ballpen ay wala siyang nakita. Disaster!

“GOD!” mahinang naiusal niya.

Nilinga niya ang katabi. Para lang matigilang! Gosh! Ang ganda ng korte ng ilong ng lalaking ito, naka side view ito at nakayukong nagsusulat. Naka bonnet ang loko at – naka head sit? Tama ba? Tama nga, mabuti at nakakarinig pa ito!

Wait lang. Diba ballpen ang kailnangan niya. Sinampal niya nag sarili. Napatingin naman ang lalaki sa ginawa niya. Dart! Sana hindi nalang ito humarap sa kanya para tuloy siyang na bato- balane!!

Ball pen! Ano ba? Ball pen, umayos ka.

“Ba- ball pen,”  nasabi nya ba iyon?

Nagtanggal ito ng head sit. “May sinasabi k aba?”  anito.

“Hu? Ano, sabi ko ball pen” saad niya. Ano ba itong nangyayari sa kanya?

Kunot-noo itong tumingin sa kanya

“God, God, please patalikurin mo ang lalaking ito. Ayokong bumagsak,”  panalangin niya sa isip.

“That’s all. Class dismiss.”

“ANO!!”

Napahinto sa paglabas si Miss Pamagawlay  halatang nabigla ito sa ginawa niya.

Tama ba kasing sumigaw siya na maykasamang pang tayo! Nakakahiya ka girl. Lahat tuloy ng mga kaklase niya ay nakatingin sa kanya.

“Miss Cruz. May problem aka bas a klase ko?”

Lagot. Hinayupak kasing ball pen na iyon!

“W- wala po Ma’am. May naalala lang po ako,”  palusot niya. Sana nga lang makalusot.

“Good,” yun lang at lumabas na ito.

Nanghihinang natutop bniya ang nopo at pabagsak na umupo. Ano bang problema niya?

“Ang tanga ko,” mahinang saad niya at walang lakas na pinukpok ang noo. Napapikit nalang siya.

“Aye, okay ka lang?” saad ni Trinah na nasa harapan na niya.

Mukha ba siyang okay?

“Tumayo ka na dyan at lilipat na tayo ng room,” anito.

Sumunod nalang naman siya. Silang dalawa nalang pala ang narororoon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 26, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

LIFE IN COLLEGETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon