Sulat Para Kay Nanay

8.6K 10 3
                                    

Mother's Day ngayon. At kahit hindi Mother's Day ngayon, araw-araw yun para sa akin kasi dapat araw-araw mong mahalin ang nanay mo at habangbuhay na dapat mas mahal mo pa ang nanay mo kaysa sa boyfriend o girlfriend mo.

xxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxxx

Dear Ma,
Salamat po sa lahat kasi kahit ganito kapangit ang ugali ko at minsan inuutusan pa kita, nandiyan ka pa din para sa akin. Ma, kahit minsan nagagalit ka sa amin, yung best palagi ang hangad mo sa amin. Hindi man kami ni kuya ang pinakamabait sa balat ng lupa pero mahal na mahal mo pa din kami higit na higit sa buhay mo.

Thank you kasi hindi ka sumuko sa amin. Titiisin mo ang kapangitan at kagaspangan ng ugali namin kahit anong mangyari. Masaya ako kasi ikaw na ganyan klaseng nanay ang binigay ng Diyos sa amin. Maingay at tigre pero maalaga at patient mag-alaga sa amin. Ma, siguro minsan nakakainis yung mga pangaral mo sa amin, alam ko namang para sa ikabubuti namin yun. Hindi ka tumigil na alagaan kami kahit anong mangyari. Ma, hindi po ako gagawa ng mga bagay na ikakahiya niyo. Kahit anong mangyari, hindi ka namin makakalimutan kapag malayo na ang narating namin sa hinaharap. May mga bagay siguro na minsan ayaw mo sa amin pero pinaprangka mo kami. Itetreasure ko po lahat ng sinasabi niyo ni dad sa aming magkapatid. Ma, maaring hindi mo po ito mabasa pero binigyan kita ng sulat.

Ma, sa lahat po ng tinuro niyo sa akin, ang pinakapinaalala niyo po sa amin ay respeto at ugali. Dahil kung marunomg po kaming rumespeto sa ibang tao, mas rerespetuhin po kami ng ibang tao. At pinakaimportante pong magsastandout sa labas ay ang ugali. Dahil kung matino at maayos ka, tutulungan ka ng iba. Ma, sinabi mo po na kailangan kong mag-aral ng mabuti kasi 'yan lang po ang maipapamana mo sa akin. At totoo nga po. At sinabi niyo din po sa akin na huwag kakalimutan na laging makuntento sa binibigay Niya sa atin. Ma, ang dami ko pong natutunan sa inyo.

Sorry po kung pasok sa kanang tenga at labas sa kaliwang tenga yung sinasabi niyo po sa amin pero ngayon ko lang po naintindihan na lahat pala yun ay maari naming dalhin sa labas. Sorry po kung noon ang dami ko pong tanong palagi kung bakit ganito at bakit ganun pero hindi ka napagod mag-explain. Sa lahat lahat po ng nakilala ko, sa inyo ko po natutunan ang lahat ng bagay na yun. Sorry po kung minsan nagmumura po kami ng patalikod kapag naiinis kami ni kuya sa mga pinagsasabi mo o kaya nagdadabog kami kapag nag-iisa nalang po kami sa kuwarto. Tinigil ko na po yun nang may magsabi sa akin na "Igalang mo ang magulang mo, kasi ipinahiram lang sila sa inyo ng Panginoon.", natauhan po ako ng sobra dun Ma, na parang sinampal ako sa katotohanan at binuhusan ng malamig na tubig.

I know kulang pa po ang mga words na ito para maiexpress ang mga sasabihin ko kung gaano ko kayo kamahal at kulang pa itong 'sorry' na ito sa paghingi ko ng tawad sa mga kabulastugang ginagawa ko.

Being a mother is a job na pinakamahirap gampanan sa lahat. I can see it from your eyes na ipinapahiwatig. Ito yung klaseng trabaho na, walang sweldo, 24/7 kang nakabantay, walang day-off, day-off, bawal kang mapagod at higit sa lahat bawal kang magresign. Ma, ito na siguro yung pinakamahirap na gagawin ko din balang araw. Magiging ina din pala ako someday tulad mo. Ma, kahit may mga umaaway sa amin ni kuya, pinagtatanggol mo kami at pinagsasabihan naman kapag mali kami. Ma, thank you kasi kayo ni daddy plus si God yung takbuhan ko kapag may problema ako. Hindi ka napagod magcomfort sa akin. Lahat ng nabanggit sa trabaho ng nanay, ginawa mo yun ayon sa inaasahan at higit pa doon. Ma, maraming maraming salamat po sa lahat. Pagbubutihan ko po palagi. Thank you po sa lahat. I-enjoy niyo po itong espesyal na araw na 'to. Pero para sa akin dapat ka pong nag-eenjoy kasi araw-araw yung Mother's Day. Hanggang dito nalang po, Ma. Mahal na mahal ko po kayo. Ikaw ang pinakamaganda, pinakamatapang at pinaka sa lahat ng nakilala ko. Happy Mother's Day, Ma!

Nagmamahal,
Gigi.

Sulat Para Kay Nanay (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon