Malapit ng magsimula ang huling laban ng buhay ko. Pagkatapos nito ay tutuparin ko na ang pangarap ko.
"Handa ka na ba?" tanong ni Coach Lenard.
"Sa tingin ko po. Matagal ko din pong pinaghandaan ito." sagot ko sa kanya.
"Osige bata. Galingan mo. Tandaan mo lang hindi ka pwedeng mamatay." bilin sa akin ni Coach.
Ngumiti lamang ako sa kanya at sabay kaming lumabas ng aming silid. Tatalon talon ako habang naglalakad at nagsashadow boxing sa hangin.
Nasa likod ko naman si Coach Lenard. Siya lamang ang kasama ko at sumusuporta sa akin.
Habang naglalakad sa isang masikip at madilim na pasilyo ay may matatanaw ka ng liwanag. Ito na yun. Matagal ko nang pinaghandaan ang araw na ito.
Ito na ang huling araw na lalaban ako dito.
Paglabas ko ay kitang kita ko ang hiyawan ng mga tao. Pero imbis na mga artista at normal na tao ang makikita mo ay iba ang makikita mo.
Puro ito mga drug lord, mafia at ibang mga taong kilala sa illegal na mundo.
Nagpatuloy lamang ako sa paglakad hanggang sa marating ko ang ibaba ng ring. Umakyat ako sa hagdang maliit sa kanto nito at pumasok na sa loob ng ring.
Ito na ang oras na kailangan kong ibigay ang lahat. Nilingon ko naman ang lalaki sa kabilang bahagi ng ring.
Mas malaki siya sa akin at halatang mas batak pero hindi na ako pwedeng umatras. Maitim siya at kitang kita ang bato bato niyang katawan hindi tulad ko patpatin.
Nakita kong umakyat na ang isang lalaki sa loob ng ring. Ito na malapit ng magsimula. Nagsimula na ulit maghiyawan ang mga tao sa paligid ko. Tinapik tapik naman ako ng coach ko sa likod. Tanging maikling shorts at dalawang gloves sa kamay na labas ang mga daliri kaya ramdam ko din ang lamig dito sa lugar na to.
"Good Evening Mafias. Welcome to the World of Underground Boxing. Tonight we will witness a slugfest between the two of our finest underground fighters." panimula ng announcer.
Tuloy tuloy naman ang hiyawan ng mga tao sa paligid. Tama! Lumalaban ako sa isang illegal na mundo kaya walang tamang rules dito. Ang dapat mo lang gawin ay manalo at mabuhay.
"Let me introduce you our fighters. First from the red corner with a record of 9 wins and 3 of it coming by way of killing. Earl The Punisher." pagpapakilala ng announcer sa aking kalaban. Itinaas naman nito ang kanyang kamay at sumigaw. Lumingon ito sa akin ngunit hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan kasi maaari niya iyong gamitin sa akin kaya ngumiti lamang ako sa kanya.
Ito na ipapakilala na ako. "Next fighting out of the blue corner with a record of 8 wins and 3 wins coming by way of killing. He is the defending Underground Champion. The Shadow Boxer!"
Tinapik naman ni Coach ang likod ko bago bumaba ng ring. Ngumiti naman ako sa kanya.
"Mafias are you ready? Fighters are you ready? Okay lets do this."
"Let the slugfest begins!"
BINABASA MO ANG
The Shadow Boxer
ActionPangarap kong maging isang propesyunal na boksingero pero dahil sa hirap ng buhay iba ang mapapasukan ko. Papasukin ko ang isang illegal na mundo. Matututo akong makipaglaban kasama ang aking anino. Tatawagin nila akong "THE SHADOW BOXER"