Round 2

3 0 0
                                    

Ares's POV

Patakbo kong hinabol si Grace hanggang makalabas ako ng campus.

Nakita ko naman siyang kakasakay lang ng tricycle. Badtrip hindi ko inabutan. Kumaway naman ako sa isang tricycle.

Akmang sasakay na ko nang maalala kong wala nga pala akong pera.

"Ay boss huwag na lang pala. Maglalakad na lang pala ako." kamot ulo kong palusot sa driver.

"T*ng ina naman boss oh. Ayusin mo sa susunod ah. Nawawala ako sa pila eh." galit na tugon niya.

Tumalikod na agad ako at nagsimula ng maglakad. Hindi ko na nilingon yung driver kasi baka mamaya sagasaan ako ng paharap. Mas okay kung sasagasaan niya ako ng patalikod para mas mukhang inosente.

Pero iniisip ko pa rin kung ano ba talagang problema ni Grace. Naiinis kaya siya kasi pinagtanggol niya ko o naiinis siya kasi pakiramdam niya duwag ako.

Hindi ko naman kasi talaga pwedeng patulan yung mga kaklase ko. Mayayaman pa naman yun baka mamaya ipakulong nila ako. Nakakatakot!

"Hoy Ares. Huwag mong kalimutan sa linggo start na ng High School Games. Inaasahan ka ng team."

Napalingon naman ako sa likod ko ng marinig ko ang captain namin sa Volleyball team. Si Arvin Lastimosa, matangkad siya at mahaba ang kamay kaya bagay talaga siya sa larong volleyball.

"Sige Kap." super cold na sagot ko sa kanya.

Wala ako sa mood makipagkwentuhan matapos ng nangyari kanina. Kailangan kong makausap yung Grace na yun.

"Sige Ares." at naglakad na si Kap palayo.

Ilang kilometro ang layo ng bahay namin sa school kaya madalas kailangan kong umalis ng umaga. Kaya nahihiya din ako kay Grace kasi lagi siyang nalelate dahil sa akin.

Wala naman akong magagawa kasi wala naman talaga akong ipapamasahe kaya kailangan kong maglakad.

Mahirap lamang kami. Construction worker ang aking papa tapos mananahi naman ang aking mama. Hindi naman ganoon kalaki ang kanilang kinikita kaya naiintindihan na lang namin.

Dalawa naman kaming magkapatid sa pamilya. Ang kuya ko ay waiter sa isang bar. Maliit din lang kita niya tapos minsan nagdadamot pa.

Ako na lang talaga pagasa ng mga magulang ko. Gwapo na matalino pa. Hambog nga lang! Haha.

Teka naikuwento ko na yata buong buhay ko eh.

Ilang minutong paglalakad at narating ko rin ang baranggay namin. Malalaman mo kapag nasa Brgy. Bagong Tuli ka na kapag nakarinig ka na ng napakalakas na videoke. Kahit tanghaling tapat hindi nila pinalalampas.

"Ares simula na ng fiesta bukas. Tapos may paboxing daw sa linggo. Sali ka ah." pang aaya sa akin ni Mike.

Oo nga pala fiesta na pala pero paano to! Magsasabay ang opening High School Games at Fiesta Boxing sa linggo.

"Sige Mike. Salamat sa pagpapaalala." turan ko sa kanya.

Ano ba naman to! Mamaya ko na nga lang iisipin kung anong pipiliin ko. Nagpatuloy lang ako sa paglakad hanggang sa marating ko na ang aming bahay.

Maliit lang ito pag titignan mo sa labas. Maraming tagpi tagping yero at plywood.

Hindi na ako nag abalang batiin sila pagpasok ko. Agad akong nagtungo sa maliit naming kwarto at sakto walang tao kaya humiga na agad ako kahit hindi pa nagbibihis.

"Hoy Ares magbihis ka muna bago ka matulog. Ikaw talagang bata ka." sigaw ni mama sa akin.

"Sige po." tugon ko.

Agad naman akong nagbihis ng pambahay na damit at humiga na ulit.

"Ma may ulam ba tayo?" tanong ko sa kanila kasi kanina pa talaga ako nagugutom.

"Ulam? Wala pa eh. Umutang ka na lang muna kila Tatang Bebe." tugon ni mama.

Naku! Uutang na naman. Galit na nga sa akin si Tatang Bebe eh. Nakakatakot pa naman yun magalit kasi lumalaki ang butas ng ilong.

"Sige lang ma. Matutulog na lang muna ako." at tsaka sinubukang pumikit.

Lagi na lang ganito sa amin. Itutulog mo na lang ang gutom para mawala.

Sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa dahil sa gutom. Napagpasyahan ko na lang na bumangon at manuod ng tv.

Pagpunta ko sa salas ay agad kong binuksan ang tv ngunit pagbukas ko ay kakaragkarag naman ito.

"Badtrip naman oh!" sigaw ko at tsaka pinaghahampas ang tv.

Nakita ko namang bumalik na sa dati ang palabas sa tv kaya naupo na ko sa sofa naming litaw na ang mga spring. Napulot lang kasi to ni papa kaya ganito. Tinapalan lang ng tela para maupuan ulit.

"Sige hook! Uppercut. Sa tagiliran mo kasi puntiryahin. Open na open eh." sigaw ko habang nanunuod ng boxing.

Sakto boxing ang palabas sa tv. Yung mga throwback fights ng mga sikat na boxer. Ang lalakas nila grabe. Siguro kapag ako ang tinamaan nun tulog agad ako.

"Hoy Ares ipag-igib mo nga ng tubig itong kuya mo" sigaw na utos ni mama.

Ano ba yan! Nanunuod ako eh tapos uutusan. Grabe naman pero wala naman akong magagawa eh.

Hindi na ako nagsalita bagkus ay kinuha ko na agad ang timba at pumunta na sa pila ng tubig.

"Ang haba na naman ng pila." bulong ko sa sarili ko.

"Kung ayaw mong pumila edi magpakabit ka ng linya ng tubig."

Napayuko na lang ako ng pagalitan ako ng isang matanda sa pila. Hindi na nga ulit ako magrereklamo.

Nakita kong panglima pa ako sa pila kaya umupo muna ako sa bato sa gilid ng pila. Grabe naman yung mga dala nilang timba. Yung tipong pang isang buwang paligo.

"Ares sasali ka ba sa linggo? 300 daw ang panalo kapag nanalo ka."

Napalingon ako sa nagsalita at nakita itong papalapit sa akin.

"Sigurado ka Vin? Pag iisipan ko. Pambili na din ng sapatos yun." sagot ko sa kanya.

"Oo nga. Sige na sumali ka na. Ipapalista ko na pangalan mo ah!" masigla niyang sabi sa akin.

Magsasalita pa sana ako ng biglang..

"Oy bata! Tutunganga ka lang ba dyan? Itatapon ko tong timba mo eh."

Agad akong tumayo at itinapat sa poso ang timbang dala ko. Hindi ko namalayang ako na pala. Paglingon ko kay Ervin ay wala na ito at nakaalis na.

Hala baka ipalista ako nun! Paktay tayo dyan. Kamot ulo na lang ako at pailing iling.

Nang mapuno ang timbang dala ko ay agad ko itong dinala sa bahay.

"Ang tagal mo naman. Kapag ako nalate dahil sayo!" galit na turan sa akin ni kuya.

"Edi sana ikaw nag-igib." bulong ko.

"Anong sabi mo?" narinig pala ako.

"Ang sabi ko sorry. Hayaan mo papakabit na tayo ng linya para solo mo tubig natin." nakangiti kong sagot at naka thumbs up pa.

Umiling iling lang naman siya at pumasok na sa loob ng cr. Umupo naman akong muli sa tapat ng tv at nanuod na.

Habang nanonood ay naiisip ko pa din kung ano bang mas magandang puntahan sa linggo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 15, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Shadow BoxerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon