Ares's POV
"Referee Tony Thompson has called a stop to this contest at 1 minute and 27 seconds at the third round declaring your winner by knockout from Daanbantayan City, Cebu and the new WBC welterweight champion of the world. Ares "The God of War" Tiamzon." sigaw ng announcer.
Hindi ako makapaniwala sa wakas natupad din ang pangarap kong maging isang kampeon.
Bigla naman akong binuhat ng mga kasama ko. Taas kamay akong tumingin sa mga manonood. Todo ang hiyawan nila hanggang sa mapako ang tingin ko sa isang tao.
Si mama? Andito si mama pero parang may binubulong siya.
"Gising na."
"Gising na?" tanong ko sa sarili ko.
Nagulat naman ako ng bigla siyang umakyat sa ring at niyugyog ako.
"Hoy gising na!" sigaw niya.
-*-*-
Pasuntok suntok pa ako ng magising. Nakita ko naman na nakatingin ng masama sa akin si mama.
"Hoy ano na naman bang napapanaginipan mo at sumusuntok suntok ka pa?" galit niyang tanong sa akin.
Panaginip lang pala iyon. Sayang naman.
"Mama bakit mo ko ginising? Champion na ko eh. Hindi pa nga nakakapagpa autograph yung mga fans ko eh." nakangiti kong tugon kay mama.
"Kapag hindi ka pa bumangon at nag igib eh talagang manaknock out ka sa akin." pananakot ni mama at akmang kukuha na ng patpat.
Dali dali naman akong bumangon at naghilamos. Dumiretso na ako sa labas para mag igib ng tubig na ipanliligo ko.
Habang nag iigib ay hindi mawala sa isip ko ang napanaginipan ko. Balang araw matutupad yun at kikilalanin ako sa buong mundo.
"Boy puno na yung timba mo." napailing iling naman ako ng makabalik sa tunay na mundo.
"Ay pasensya na po." sagot ko sa matandang kasunod ko sa pila.
Agad ko namang binuhat ang dalawang timbang dala ko at dinala sa bahay. Naligo naman agad ako para makapasok na sa eskuwelahan.
"Ma wala na naman pong sabon." sigaw ko habang naliligo.
"Yung shampoo na lang ipangsabon mo." tugon niya sa akin.
Lagi na lang shampoo ang ginagamit kong sabon sa katawan. Kaya siguro mabuhok din ang katawan ko. Agad ko namang hinanap ang shampoo at nakitang wala na itong laman. Badtrip!
"Ma wala na ring shampoo eh." sigaw kong muli sa kanya.
"Ganun ba? Maghilod ka na lang." napasimangot naman ako sa tugon ni mama.
Ano pa nga bang magagawa ko! Kinuskos ko na lang ng bimpo ang katawan ko para mawala ang nagtatagong dumi. Sana nga ay mawala ang nagtatagong dumi.
"Hoy matagal ka pa ba? Dalian mo." nagmadali na akong maligo matapos kong marinig ang kuya ko.
Iisa lang kasi ang cr namin dito. Yung tipikal na cr pang poor kid.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas na agad ako at nagpunas. Dumiretso na ako sa lamesa para kumain.
"Ma tuyo na naman?" daing ko.
"Pagpasensyahan mo na. Yan lang ang kaya natin." paliwanag ni mama.
"Biro lang naman. Ang sarap nga nito eh." palusot ko at dire diretso lang sa pagkain.
Pagkatapos kong kumain ay naghanda na ako para pumasok sa paaralan. Nagbihis na ako at nagsipilyo.

BINABASA MO ANG
The Shadow Boxer
AcciónPangarap kong maging isang propesyunal na boksingero pero dahil sa hirap ng buhay iba ang mapapasukan ko. Papasukin ko ang isang illegal na mundo. Matututo akong makipaglaban kasama ang aking anino. Tatawagin nila akong "THE SHADOW BOXER"