Nathaniel's P.O.V
Walang ganang bumangon ako sa aking higaan at dumiretayo na sa banyo para gawin ang mga morning routines ko.
Masasabi ko lang na boring ang aking buhay ng umalis ako sa amin palasyo at puto pagsusulat lang ng mga libro ang aking ginawa.
Flashback
"Ina! Ina!" Masayang tawag ko kay mama. Nasa kusina siya at tinitikman ang mga handa na nakahain sa lamesa. Ngayon kasi ang kaarawan ng aking nakatatandang kapatid na babae at ngayon rin ang araw na malalaman niya ang kaniyang special ability.
Hinarang ako ng isang katulong. "Naku! Mahal na prinsepe! Marami pang gagawin ang mahal na reyna ngayon," saad niya. Tama ang narinig ninyo, isa akong prinsepe at Celestial Kingdom ang tawag sa kaharian namin. Maraming malalakas at makakapangyarihan sa kaharian namin kaya isa ito sa mga iniiwasan na sakupin ng Darkenia kingdom at Devon Kingdom.
Pero sa mgayon ay hindi ko pa nalalaman kung ano ang aking kapangyarigan. Sa 13th birthday ko pa iyon malalaman. BTW, 11 years old pa lang pala ako. Mahilig ako mag basa ng mga libro at pangarap ko rin na gumawa ng sarili kong libro. Pero dahil ako ang lalaki ay ako raw ang susunod na magiging hari at hindi ang aking kapatid na babae.
"Happy birthday Princess Venus!" Masayang bati namin kay ate at saka niya hinipan ang kandila sa birthday cake niya. Bago kumain ang lahat ay nakita ko na may nilabas na isang kahon ang aking ama at sa loob ng kahon na iyon ay may isang magic crystal. Isang Class-A magic crystal iyon nararapat lamang sa royalty na katulad ni ate.
Nakita kong itinapat ni ate ang kaniyang kamay doon ngunit hindi ito umilaw, kaya napagdesisyonan nila na ang Class-S magic crystal ang gamitin. Nang itinapat ni ate ang kaniyang kamay doon ay umilaw ito ng may dalawang kulay. Ang kulay pula at kulay light blue.
Nakita ko ang pasimpleng pag-ngiti ni ama kay ate at niyakap niya ito ng mahigpit. Ano ba ang ibigsabihin ng liwanag na iyon? Ano ba ang kapangyarihan ni ate? "Binabati kita Venus. Hindi ko inaakala na magiging isa kang nakapangyarihan na babae. Pero sigurado naman ako na magiging mas malakas pa sayo si Nathaniel dahil siya ang susunod na magiging hari sa akin," baling niya sa akin kaya napatingin ako sa kaniya. "Tama ba 'yon?" Tanong nito sa akin.
"Oo naman ama! Gusto kong maging mas malakas pa kay ate at magiging mas malakas pa po ako sa iyo papa!" Masaya at confident kong sagot dito. Mahina naman siyang napatawa. Pumunta na ako sa isang mesa kung na saan sina ina at lola na kumakain. Dinaluhan ko na rin sila dahul mukhang masarap ang mga pagkain ngayon dahil si ina ang nagluto sa ibang putahe.
"Sana naman ay totoo nga ang sinabi mo kanina na magiging mas malakas ka sa iyong nakatatandang kapatid," seryosong saad ni lola pero nanatiling sa pagkain at tingin nito.
Tumango naman ako, "Opo lola! Sisiguraduhin ko na magiging mas malakas pa ako kay ate," nakangiting saad ko.
Simula pagkabata ko ay ayaw na talaga sa akin ni lola at hindu ko alam kung bakit ayaw niya sa akin eh wala naman akong masamang ginagawa sa kaniya. Pag nag-aaway kami ni ate noon ay laging si ate ang pinagtatanggol niya kasi babae daw si ate at mas importante si ate kaysa sa akin. Maging si ina ay ayaw niya sa akin. Lagi rin niyang sinasabi na sana pinanganak na lang niya akong babae, hindi lalaki. Pero alam ko naman na magugustuhan rin nila ako.
*Lumipas ang 2 taon
"Happy birthday Prince Nathaniel!" Masayang bati ng mga bisita maliban kila lola at ina na parang walang pakialam sa akin.
Katulad ng nangyari noon sa kaarawan ni ate ay inilabas ni ama ang isang Class-A magic crystal. Itinapat ko ang akin kamay sa crystal ngunit hindi ito umilaw kaya inilabas nila ang Class-S crystal pero bago ko itapat ang kamay ko dun ay biglang nagsalita si lola.
"Bago mo itapat ang kamay mo diyan, subukan mo muna itong Class-B Magic crystal" saad niya. Kinuha niya kay ama ang magic crystal na hawak nito at ipinalit ang Class-B magic crystal.
"Anong kalokohan ba ito ina?" Galit na saad ni ama. "Susubukan lang naman eh! Wala namang mawawala kung susubukan," saad ni lola. Wala namang nagawa si ama. "Sige! Pero sigurado naman ako na hindi iilaw ang crystal na iyan," saad ni ama.
Itinapat ko ang kamay ko sa crystal na hawak ni ama.
Nanlaki ang mata ni ama sa kaniyang nakita. Nakangiti naman sila lola at ina samantalang si ate ay nakayuko lang dahil sa nakita nito.
Umilaw ang crystal na iyon. Isang kulay dilaw na ilaw na parang may halong kulay itim. Napayuko na lang ako sa aking nakita.
Hindi ito maaari. Imposibleng isang mahinang mahika lang ang meron ako. P-Paano ito nangyari?
Nag-umpisa na nang magbulungan ang mga bisita at tiningnan ako na parang diring-diri ito sa akin dahil isa lang akong mahina na prinsepe.
"Iyan ba ang susunod na magiging hari Arthur?!" Sigaw ni ina. "HAHAHA! Isang walang kwenta! Wala akong anak na kasing hina niya! Kung si Venus ang magiging reyna, isang malakas at makapangyarihan na katulad ng isang mahinang yan!" Dagdag pa ni ina. Ngayon ko lang narinig na magsalita si ina sa akin ng ganun.
Tumingin naman ako kay ama na hindi makasagot. "B-Baka nagkamali lang p-po iyan," mahinang saad ko. Mukha namang narinig nila iyon. Tanging tawa lang ni ina ang aking narinig.
"Walang mali diyan! Sadyang mahina ka lang!" Sigaw naman sa akin ni lola.
Tumingin ang lahat kay ama ng magbuntong-hininga ito. "Mabuti siguro kung umalis ka na lang. Isa itong kahihiyan sa ating pamilya," saad ni ama. Hindi ko inaakala na pati siya ay pagtatabuyan din ako. Akala ko kakampi ko si ama pero hindi ko inaakala na hindi man lang niya ako kampihan.
Umiiyak ako ng umalis doon. Pumasok ako sa aking silid at padabog na isinara ang pintuan. Umiyak ako sa gilig ng aking higaan. Wala ni isa ang kakampi ko maging ang ama ko pinagtabuyan rin ako.
Sino nga ba ang magkakagusto sa isang mahinang tulad ko?
"Ba-Bakit ba ang hina ko!" Umiiyak na sigaw ko. Nagpakawala ako ng kaunting enerhiya mula sa katawan ko na pinagmulan ng malakas na kidlat. Ngutin, sigurado naman ako na mas malakas pa rin ang aking kapatid.
Nakaramdam ako ng malakas na hangin na nagmula sa bintana. Napalingon ako sa bintana kung saan nanggaling ang malakas na hangin. Nanlaki ang mata ko ng may nakita akong isang lalaki na nakatayo doon. Nakakatakot ang awra nito na parang sa isang pitik lang ng kamay niya ay kaya niya akong patayin.
Nanginginig ang paa ko habang umaatras para makalayo dito. "Wag kang matakot sa'kin. Nandito ako para tulungan ka, bata." Aniya.
Tutulungan n'ya ako? Kaya ba niya akong tulungan na maging mas malakas pa at naging ang pinakamalakas?
"Oo, kaya kitang gawing pinaka malakas. Kaya sumama ka sa akin at ang iyong hiling ay aking tutuparin," saad nito. Nabasa pala niya ang iniisip ko. Hehehe.
Nakita kong may inilabas siyang magic crystal. Hindi ko alam kung anong class ng magic crystal iyon. "Isa itong Class SS magic crystal katulad ng pinagamit sayo kanina. Akala nila na isa iyong low class magic crystal pero isa pala iyong Class SS," paliwanag nito sa akin. Kaya ba umilaw iyon? Teka, sino nga ba ang paniniwalaan ko?
Itinago niya uli ang crystal na hawak niya. "Nasa sa'yo na yan kung paniniwalaan mo ako o mananatili ka sa kaharian na ito," saad nito at bigla na lang itong nawala.
Narinig ko ang sigawan ng mga tao na mukhang papalapit na dito sa aking kwarto, kaya inayos ko ang aking sarili at kaagad na binuksan anh pinto. Tamang-tama naman na nasa tapat na sila ng pintuan ng kwarto ko.
"A-Ano yung malakas na enerhiya na naramdaman namin kanina dito at yung nakakatakot na awra?!" Tanong ni ama.
Umiling ako. "Wala naman po akong naramdaman na ganun," pagsisinungaling ko.
Kung ano man ang magiging desisyon ko ay sisiguraduhin kong hindi ko iyon pagsisisihan.