Chapter 3: 100 Score!?

2 1 0
                                    

Nathaniel's P.O.V

Nang makita ni Flame ang Golem ay hindi na ito nagpatumpik-tumpik pa at sinugod na niya ito. Sinubukan niyang saksakin ang Golem ngunit tinabig ito nga Golem kaya tumipad si Flame sa kabilang banda.

Tumayo ito. Gumawa siya ng mga arrows na gawa sa apoy at pinaulan iyon sa Golem na kalaban niya. Ngutin walang epekto iyon sa  Golem at mas lalo pa itong nagalit sa kaniya. Ito makakilos sa kinatatayuan niya ng ma-stock ang dalawang paa niya sa mga bato na kagagawan ng golem.

Pilit niyang tinatanggal ang paa niya sa bato at iniit pa ito gamit ang apoy nito. Hindi niya napansin na malapit na ang Golem sa kaniya at akmang hahampasin uli siya nito ng maka gawa sila HM ng Barrier upang hindi ito mahampas ng Golem.

Pinabalik na nila ang Golem sa pinanggalingan nito. Tinulungan na nila si Flame at dinala na sa clinic dahil sa pilay ang isa nitong braso at ilang sugat sa katawan.

"Princess Flame got 98 points!" Anunsyo ni HM.

FIRST YEARS ROYALTIES SCORES:
Warren — 93 Points
Sky — 92 Points
Dylan — 96 points
Nathalie — 93 points
Luna — 95 points
Althea — 94 points
Flame — 98 points

'Natalo si Princess Flame?'
'Ganun ba kalakas ang Golem na 'yon?'
'Give na ako!'
'Hindi kaya ng Royalties, malamang hindi rin natin kaya!'
'Bahala na hahaha!'

Mga bulungan ng mga students na rinig na rinig naman.

"Ang isusunod naman natin ay ang Transferee na si Kian!" Tawag niyo sa akin. Kian kasi ang sinabi ko na pangalan.

Tumayo na ako nag nag-umpisa ng maglakad papunta sa harap.

'Di ba siya yung laging kasama ng Royalties?'
'Mukha naman yang mahina!'
'Sipsip lang yan!'
'Weak!'

Ilan sa mga bulungan ng mga nadaanan kong students ngunit hindi ko na lamang itong pinansin.

Kaharating na ako sa harapan. Gumawa na ng Barrier si HM.

"May request lang po sana ako HM," saad ko.

Tumingin ito sa akin bago nagsalita. "Ano iyon?" Tanong nito.

"Pwede bang mas kapalan ang Barrier na ginagawa ninyo?" Sagot ko. Sa last round kasi may chance na gamitan ko ng mahika ang Golem para matalo iyon at ayaw ko naman na madaman ay mga students na nanonood kapag ginawa ko iyon.

Tumango naman ito at dinagdagan pa ang Barrier naginagawa nila. Ng matapos sila sa pagdadagdag ng Barrier ay pinakawalan na nila ang 20 Fake Darkenias.

Gamit ang space magic ay kinuha ko ang isang Black Holy Sword. Mabulisan lang galaw ko para hindi nila mapansin na space magic ang ginagawa ko.

Mabilis akong tumakbo papunta sa mga kalaban at pinagsasaksak ang mga ito.

Flame's P.O.V

"Kumusta na ang pakiramdam mo?" Tanong ni Althea sa akin.

"I'm fine," tanging saad ko.

Tsk! Hindi ko inaasahan na malakas pala ang Golem na 'yon. Hindi iyon pangkaraniwang Golem. Walang spell ang gumagana sa kaniya.

"Nga pala sino na ang lumalaban ngayon?" Tanong ko. Gusto ko kasing makitang lumaban yung Transferee. Gusto kong makita kung gaano ba siya kalakas.

"Sa tingin ko yung Transferee na. Yung kasama nila Warren sa dorm," sagot naman ni Luna.

Tumayo ako at akmang aalis na sana ng pigilan ako ni Nathalie. "Wag muna. Kailangan mo pang magpahinga," nag-aalalang saad nito. Sa aming magkakaibigan ay siya talaga ang pinakamaalalahanin at para na siyang nakatatandang kapatid namin kung hindi lang namin ito kasing edad.

Bumuntong hininga ako at nagsalita. "Gusto ko lang siya makitang lumaban," saad ko naman pero hinila na niya ako pabalik sa higaan ko. Haist! Pagtalaga siya na ang nagbawal wala na akong magawa.

I hope mapanood ko siya.

Nathaniel's P.O.V

Next round. Lumabas na ang napakaraming wild wolf. Hindi ako kumilos at hinayaan na palibutan ako ng mga ito.

'Tanga ba siya?'
'Gusto na niya atang mamatay!'
'Baka natakot na siya Hahahaha!'
'Hoy lumaban ka!'
'Wag kang duwag boy!'

Sari-saring sigawan ng mga students na nanonood. Pumikit ako at nag-focus. Inipon ko ang enerhiya sa hawak kong sandata. Itinutok ko iyon sa sahig na inaapakan ko sabay bigkas na isang spell. "Apártate!"

Pinakawalan ko ang mga naipon kong enerhiya sa sandata ko. Nanginginig ang mga wild wolf ng maramdaman nila ang enerhiyang iyon at nag-uunahan ang mga ito na tumakbo pabalik sa pinanggalingan ng mga ito. Tumingin ako kay HM na hindi makapaniwala sa ginawa ko. Pero mukhang alam nito na gumamit ako ng spell para takutin ang mga wolf.

Lumabas na ang Golem at ito na rin ang last round ko sa levelling na ito.

Tumakbo ako papunta sa Golem at sinubukan itong saksakin ngutin masyadong matigas ang katawan nito. Nakita kong hahampasin na sana niya ako katulad ng ginawa niya kay Flame ngunit mabilis akong naka talon palayo dito at naiwasan iyon.

Base sa nabasa kong libro noong bata ako ay may core ang mga Golem na pinanggagalingan ng lakas nito at sa tingin ko ay kailangan ko lang iyong wasakin para matalo ito.

Tiningnan ko ang kabuohan ng katawan nito.

Nagulat na lang ako ng malapit na pala siya sa akin at hahampasin na ako nito mabuti na lang at mabilis akong kumilos at tumakbo papunta sa likod niya. Umakyat ako sa likod nito para mas mapadali ang paghahanap ko sa core nito.

Nakita ko ang butas sa may dibdib nito naparang may kulay pulang liwanag. Pupunta na sana ako doon ng mahawakan ako ng golem at ibalibag.

Sh*t!

Nahirapan ako tumayo sa sakit ng aking katawan. Aapakan na sana ako ng Golem na ito pero kaagad akong nakagawa ng Barrier para protektahan ang sarili. Lumayo muna ako dito para makapag-ipon ng enerhiya sa katana ko.

Tumakbo ang Golem papalapit sa akin at susuntukin na sana ako nito ng iharang ko ang katana ko. Hindi ito tumigil at pinagsusuntok lang ako pero sinasangga ko lang iyon gamit ang katana ko.

Galit, poot, kalungkutan at labis na pangungulila ang naramdaman ko sa bawal suntok ng Golem. Mukhang iyon ang kaniyang emosyon.

"Wag kang mag-alala sisiguraduhin kong mawawala na ang lahat ng imosyon mo na iyan kapag nawala na ka sa mundong ito," mahinang saad ko dito.

Naka kuha ako ng tiyempo at malakas na sinipa ang kalaban ko. Napaatras naman siya sa lakas ng sipa ko. Tumalon ako papunta sa dibdib nito at sinaksak ang katana ko sa core niya sa loob ng katawan. Kulang pa ang ginawa ko para tuluyan itong mapatay kaya yung mga naipon kong enerhiya sa katanan ay ginamit ko para masabugin ang core nito.

Malakas ang pagsabok na naganap na dahilan ng pagkawasan ng lahat ng Barrier. Mabuti na lang at walang nasaktan na mga students pero baka ikatuwa kong kung may nakita akong dugo mula sa kanila.

"Whaaaaaaa!" Malakas na sigaw ng Golem ng sumabog ang core niya sa loob at nang mawasak ang katawan nito.

"Naway mawala na rin ang iyong poot," bulong sa akin ng kaluluwa ng golem ng ito ay mamatay.

"Just shut the fuck up," mahinang saad ko.

Lumapit na sila HM sa akin. Hindi pa rin ito makapaniwala sa nagawa ko.

"I was expecting this Kian," nakangising saad nito sa akin. Hindi ko na lang ito pinansin.

"Kian Got 100 score! At mapupunta siya sa Royal section kasama ng mga makakakuha ng 90 patras na grades dito sa levelling na ito!" Anunsyo ni HM.

'Mukha soyang mahina!'
'Baka nang daya lang yun!'
'Impossible!"
'He got 100 SCORE?!'

Sigawan ng mga students na ayaw tanggapin na ganun ako kalakas. Pero mukhang sumobra naman na ata ako at baka mas madagdagan ang mga pang dududa nila sa akin.

Umalis na ako doon sa lugar na iyon pero bago ako umalis ay narinig ko pa na tawagin ako ni HM ngunit hindi ko siya pinansin at nagpatuloy na lang.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Prince's Revenge Where stories live. Discover now