Chapter 1: Awra

1 1 0
                                    

*After 5 Years

NATHANIEL'S P.O.V

Sa nakalipas na ilang taon ay nagsanay ako ng nag sanay hanggang sa maging malakas ako.

"Sir Nathaniel!" Tawag ng isang katulong mula sa labas ng kwarto ko. "Come in," sagot ko lang. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan.

Lumapit sa akin ang isang katulong. "Pinapatawag ka po ng mahal na hari," magalang na saad nito. Tumango lang naman ako dito at kusa na siyang umalis. Inayos ko muna ang damit ko bago lumabas ng aking kwarto.

Hay! Ano na naman kaya ang sasabihin niya? At saka kailan ba namin isasagawa ang lahat ng plano? Naiinip na ako kakahintay eh.

Nakarating na ako sa opisina ni ama. BTW, ang ama na tinutukoy ko ay si King Hades ng Darkenia kingdom. Sa kaniya ako sumama at tinalikuran ang pagiging prinsepe ng Celestial Kingdom. Siya lang ang naging kakampi ko at siya ang nag-iisang tao na itinuring akong parang isang tunay na anak.

Bilang paggalang yumuko ang dalawang tauhan ni ama ng makita ako. Umupo ako sa isang sofa at tumingin lang kay ama at hinintay itong magsalita.

"Seryosong seryoso ka pa rin tulad ng dati," nakangising saad nito. Pala biro siya minsan pero minsan naman ay seryoso ito.

Hindi ako sumagot.

Umupo siya sa katapat na sofa at sumeryoso ito ng tingin. "Napagdesisyonan ko na kailangan mo nang pumasok sa isang eskwelahan, kailangan mo pang matuto ng iba't ibang klaseng bagay. Kailangan mo ng kaaalaman," saad nito.

Hindi ako sang-ayon sa gusto ni ama. Natututi naman ako sa mga libro na nababasa ko dito sa loob ng palasyo at sa mga malalaking silid aklatan sa labas ng palasyo.

"Hindi lang ito para may iba ka pang matutunan kundi dahil may ibibigay akong misyon sayo," dagdag pa nito.

Muli siyang tumayo at may kinukuhang folder sa isang drawer. Inianot niya sa akin iyon. "Yan si Prinsepe Caspian ng Earthus Kingdom at Princess Flame ng Firetrigon kingdom. Sila ang mission mo. Bibigyan kita ng isang taon para matapos ang mission mo. Gusto ko rin na meron akong matatanggap na impormasyon linggo-linggo o kahit isang beses sa isang buwan," paliwanag ni ama. "Basahin mo na lang diyan ang iba pang mga kailangan mong gawin. At saka nga pala, kailangan mong magpalit anyo kapag pumasok ka sa academy," saad pa nito.

Tumayo na ako at nagpaalam na babalik na sa akin silid. Pagdating ko sa aking silid ay binasa ko lang nang mabuti ang mga impormasyon at kung ano-ano ang mga kailangan kong gawin sa misyon na ibibigay sa akin.

Pinagmasdan ko ang mukha ni Princess Flame.

Maganda siya at maamo ang kaniyang mukha. Pula ang buhok nito na may pagka-curly. Ang sarap din halikan ng labi ni~Ano ba itong iniisip ko?! Siya ang misyon ko at hindi dapat ako na mahulog sa kaniya.

Naligo na ako at ginawa na ang morning routines ko. Ngayong araw na ito ang itinakdang araw ng pagpasok ko sa academy. Isinuot ko na rin ang uniform ko. White and blue ang kulay ng uniform. Simple lang pero maganda naman.

Kinuha ko na ang bag ko at lumabas na sa akin silid.

"Kumain ka na," yaya ni ina. Si Queen Xyrine and asawa ni King Darwin ang itinuring kong mga magulang at siyang nagpalaki sa akin.

Ngumit ako sa kaniya at umupo na para kumain. "Nasaan po pala si ama?" Tanong ko naman. Hindi kasi siya sumabay sa amin na kumain katulad ng dati nitong ginagawa.

Nilunok muna ni ina ang kaniyang kinakain bago nagsalita. "Marami siyang inaasikaso sa opisina niya. At pinapasabi pala niya na bago ka umalis ay dumaan ka muna sa opisina niya," saad niya.

Tumango na lang ako at ipinagpatuloy na ang pagkain.

Nang matapos akong kumain ay dumaan muna akonsa opisina ni ama. Kumatok muna ako bago pumasok.

Wala ata yung dalawang tauhan niya.

"Take a sit," utos nito. Umupo naman ako sa sofa.

"Gusto kong magpalit anyo ka at dapat kahit anong mangyari ay hindi dapat makita ng lahat ang pagkatao mo. Paalala lang. Wag mo sanang kalimutan ang paalala kong iyan dahil baka isa yan sa makasira ng lahat ng plano at mga pinaghirapan natin," saad nito.

Nang masabi na niya ang lahat ng mga gusto niyang sabihin ay umalis na ako.

Nasa tapat na ako ng academy na papasukan ko. Malaki na kulay ginto ang Gate nito at may nakasulat sa itaas na "Celestial Academy". Ang Academy pala na ito ay pagmamay-ari ng Celestial Kingdom. May nagbabantay pala na dalawang bodyguard sa gate.

"Ngayon lang kita nakita dito ah," saad ng isang bodyguard.

"Transferee ka lang ba?" Tanong naman ng isa. Tanging tanong lang ang naisagot ko dito. Pinapasok na rin naman nila ako sa loob.

Malaki naman ang Academy at meron itong 5 buildings. Yung building ng first year, building ng second year, building ng third year. Yung dalawang natitirang building naman ay mga dorms na. Magkaiba kasi ang dorm ng boys sa girls.

Pumasok na ako sa loob at hinanap na ang headmaster's office.

Headmaster's P.O.V

Napatayo ang sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang nakakatakot na awra. Sigurado akong napakalakas ng taong pinamumulan nito, ngutin sino naman kaya ito?

Tinawag ko ang assistant ko.

"Ano po iyon headmaster?" Magalang na tanong nito. Mukhang hindi niya niya nararamdaman ang awra dahil isa lang siyang ordinaryo at hindi ganun kalakas ang kapangyarihan.

"M-May bago ba tayong students ngayon?" Nauutal na tanong ko dito. Mukha namang nagtaka ito ngunit sumagot rin naman kaagad.

"Meron po galing sa tinatawag nilang 'Lost Kingdom'. Lalaki po at mukhang normal students lang din naman po madam," sagot nito.

Galing sa Lost Kingdom? May mga naninirahan pa pala doon? Gaano ba kalakas ang mga taong naninirahan sa lugar na iyon at bakit ganito ang awra nila?

Ang daming tanong ang pumapasok sa utak ko. Pinakalma ko muna ang aking sarili. "Ipatawag si Princess Flame at ang iba pang royalties," utos ko sa kaniya. Kaagad naman siyang sumunod sa utos ko at umalis na. Bumalik sa upuan ko habang hinihintay sila Princess Flame.

"What do you need?" Cold na tanong nito ng makarating sa opisina ko.

Seryoso lang itong nakatingin sa akin.

"Alam kong naramdaman mo din 'yon, tama ba ako?" Saad ko. Malakas ang pakiramdam nito at sigurado akong naramdaman niya rin ang nakakatakot na awra na iyon.

Umirap pa ito bago sumagot. "Ano naman ngayon?" Sagot nito. Aba! Kung hindi lang ito prinsesa baka kung ano na ang nagawa ko dito.

Relax lang. Headmaster ka at kailangan mong magtimpi sa mga batang nasa harap mo.

"Gusto ko lang na bantayan ninyong maigi ang taong iyon at huwag niyong hayaan na maimpluwensyahan siyanng masasama lalong lalo na ang Darkenias," seryosong saad ko ng mapakalma ko ang sarili ko.

Wala naman akong natanggap na sagot sa kanila. Matapos iyon ay umalis na rin naman sila para kumain ng agahan.

Flame's P.O.V

"Ano ang niluto mo Flame?" Tanong ni Althea.

Ako ang laging nagluluto ng pagkain dito sa dorm dahil ako lang naman ang marunong pero minsan ay sa cafeteria naman kami kumakain kasama nung boys.

Pero kanino kaya nang-gagaling yung nakakatakot awra o prisensya na 'yon? Sino kaya iyon at bakit sobrang nakakatakot ito? Kung sino man siya ay gusto ko siyang makilala at malaman kung ano nga ba talaga siya at kung bakit ganun na lang nakakatakot ang prisensya nito.

Prince's Revenge Where stories live. Discover now