Chapter 10

22 0 0
                                    

Hi, Revised yung chapter 9 so please read it. Hope you like it guise. :)

---------------------------------------------

"Hi bhest" mukhang malungkot si bettina.

"Hello bhest, bakit? Anong nangyare?" sabi ko sa kanya.

"May itatanong ako sayo pero sana maging totoo ka sakin bhest." bigla akong kinabahan at tumungo na lang ako.

"May gusto ka ba kay alex?" bigla akong nagulat. Bumilis yung tibok ng puso ko.

"Ha? Bakit mo naman natanong yan? Wala bhest." sabay ngiti ko sa kanya.

"Eh siya bhest? May nararamdaman ka bang gusto ka nya?" Nanlaki mga mata ko. O.O

"Bhest naman, di ako kagandahan at hindi ako ganun ka-seksing babae kaya syempre wala." sabay ngiti. Napangiti naman sya. :)

"Sorry bhest ahh, natanong ko lang. Alam mo naman na gustong gusto ko si Alex. May isa pa akong tanong bhest..... Kung manliligaw sayo si alex, sasagutin mo ba?" Napatulala ako. Biglang bumilis lalo yung tibok ng puso ko. Nanginig yung lamang loob ko alam nyo yung feeling na yun?

"Ha? Syempre hindi mangyayari yun bhest." biglang may nagsara ng pinto. Napatingin kami. O.O

"Talaga bhest? Feeling ko kasi may gusto sya sayo kaya ayun nagseselos ako. Pero naniniwala ako sayo na di mo sisirain tiwala ko sayo. Thank you bhest." Niyakap nya ko. Ako naman nakatulala parin. Di ko alam kung matutuwa ako o hindi.

Pagbaba namin, wala na si alex dahil may shoots sya ngayon. Umuwe na din sila bettina, charlene at joemarie pati yung mga ka-varsity ni kuya.

Nagligpit kami at ayun maagang natulog sila mama at kuya. Ako naman, di makatulog. Ang daming gumugulo sa utak ko.

"Bakit kaya di ako magustuhan ng mga lalaki? Pangit ba ko? Ang dami namang nagsasabi na magnda ako pero bakit walang lalaking magkagusto sakin. Mukha ba akong Manang?" Hayssss bakit ko ba iniisip yan. Naco-concious na ko.

Ang daming tanong sa utak ko lalo na yung pumasok si bettina para tanungin ako. Gusto ko talagang sabihin sa kanya kung nasa hot seat ako kanina grabe. -.-

Tanungin ka ba naman ng tungkol sa love eh wala pa naman akong experience dun, love lang sa family ako meron pero in boys? Wala pa, crush nga tatlo lang eh nasa US pa. :)

Nagulat na lang ako ng bumukas yung pinto ko at binuksan ni mama yun. :)

"Mama!" sabay yakap ko. Niyakap din ako.

"Baby Girl, dito matutulog si mama." Napangiti at napa-oo naman ako.

Paghiga namin. Unang bungad ni mama. "May gusto ka ba kay heartthrob o sya ang may gusto sayo?"

"Maaa! Kanina si bettina ngayon naman ikaw? Haysss syempre wala dun sa dalawa."

"Nanliligaw ba sayo yung beartthrob na yun?" O.o

"Ma naman, wala ngang gusto tapos manliligaw? Malayong mangyare yun nu" sagot ko.

"Pero may feelings ka na sa kanya?"

"Mama, matulog na po tayo. Alam kong napagod ka at may work pa bukas." sabay yakap kay mama.

"Alam mo baby girl, natutuwa ako sayo." pagtingin ko kay mama naluluha sya.

"Mama naman eh. Wag kang umiyak."

"Parang dati, wala kang pakielam sa itsura mo, may uhog hehe may mga mantsa yung uniform dahil sa pagkain na kinaen o tinapon sayo pero ngayon? Babaeng babae kana." Sinagot ko naman sya ng yakap.

Heartthrob's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon