Chapter 7

9 0 0
                                    

4am palang ng nagising na ako. Excited akong pumasok ngayon lalo ng ngayon lang ulit ako papasok bilang normal.

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Ang aga naman ng binuksan ko si Ms.Patty pala.

"Alex, sabihin mo sa Principal na section one ka pumunta, dun sa section ni Angela." Wow, section one pala sya.

"Okay po, Salamat ng maraming marami" niyakap ko agad si Ms.Patty. Ang dami nyang ginawa para sakin.

"Always welcome. Pati tuwing 10pm-3am yung shoot mo pero gusto ko sana na hanggang 1pm lang. Ginagawan pa ng paraan ng team" ok na yun kesa naman na di ako makapag-aral.

"Okay po Ms.Patty."

"Baba nako, dun kita hintayin."

Pagbaba ko, dumiretso agad ako sa sasakyan. Si Ms.Patty yung naghatid sakin sa school, tulog pa kasi si Mommy at Daddy. Nung natanaw ko na yung school, bigla akong kinabahan. Ang laki at ang ganda para akong nasa U.S sa sobrang laki.

Nung nakapunta kami sa gate, pansin na pansin yung red carpet, tarpaulin na may picture at name ko pa. Parang fiesta dahil sa mga banderitas.

"You're really a famous heartthrob. Look? So be careful in your heart. Wala ka ding body guards para magtanggol sayo." bigla akong kinabahan.

"Oo. Kaya yan pati alam ko naman na ingatan to" pagbaba namin ng sasakyan, nag-jacket at bonet ako papuntang Principal's office.

"Ms.Patty, Goodmorning. Where's alex?" tanong ni Mrs.Principal. Nasa likod kasi ako ni Ms Patty.

"He's here but a condition is Please move his section. He wants to move at section one." ngiting ngiti si Mrs.Principal, nakakatakot at sa tingin ko may balak pa sakin.

"Okay, its easy for me to do it" Tinanggal ko na yung bonet. Lalong nagulat yung mga teacher at si Mrs.Principal sa office.

"What time po yung start ng Flag ceremony?" Yung tipong lahat sila nagpipigil.

"Mamaya pa naman alex. Pwedeng pa-picture" sabi ni Mrs.Principal. Ngumiti naman si Ms.Patty sa kinilos ng principal.

Nung napagbigyan na, sunod sunod na. Sabi ko na at magiging ganito eh.

Pagtapos nun, dinala na ako sa likod ng stage para ipakilala. Di ko alam kung para saan pero sumunod na lang ako.

Nung paglabas ko, wow. Ang daming estudyante. I know its a private school pero ang dami. Dun ko lang napagtanto na University pala. May Elementary at High School din. Pagtapos nun, ay agad akong pinapunta sa Office para isama ni Mrs Principal, di din ako iniiwan ni Ms.Patty.

"Okay ka na ba? Iiwan na ba kita o sasamahan pa?" tanong ni Ms.Patty.

"Wag na ate. Maraming maraming salamat po Ms.Patty" yakap ko sa kanya. Sobrang na-appreciate ko yung ginawa nya para sakin.

"Samahan na lang kita kapag pupunta ka na sa section mo and then alis nadin ako." paalam nya. Tumungo naman ako.

Habang naglalakad sa hallway, halos maglabasan yung mga babae sa mirror room nila. Tinabihan naman ako ni Ms.Patty.

Nung napuntahan namin yung room ng section one. Kinabahan na ako. Bumulong naman si Ms.Patty sakin. "Ingat ka, di ko pa nakikita si Angela pero alam kong magiging exciting ang pagpasok mo dito. Tandaan mo heartthrob na maging maingat ka. Bye" nginitian ko sya.

"Ms.Esberto, Mr.Castro is belong to your class." Sya yung adviser namin. Nice, mukha syang mabait.

Hala nagtilian ang mga babae sa room.

Pagpasok ko sa room, saan naman ako uupo at nung nakita ko si Angela biglang may kung ano sa tyan ko. Nakakainis, ewan ko kung anung feeling to. Its my first time to experience this. Ang available lang ay yung nasa likod nila. Pumunta agad ako.

Pag-upo ko sa upuan. "Joem pare" pakilala ng classmate ko. Mukhang mabaet naman kaso may may hikaw yung kanan nyang tenga. "Alex" tumungo sya. Oo nga naman kilala nya ko.

Habang nagsusulat kame, napansin kong kinakalabit ni Joem si Angela. Kinabahan agad ako.

Pagharap nya sa likod. Ang ganda nya talaga. Anghel na bumaba sa langit.

"Kumusta?" sabi ni Joem. Huh? Yun lang sasabihin nya?

"Mamaya na pwede" medyo napangiti ako at nakalimutan kong sabihin na hihiram ako ng notebook.

"Pre, peram ako ng notebook mo ahh" sumenyas si Joem na wala syang sulat. Oo nga naman eh kanina pa sya tulala eh. Tinuro nya si Angela at hindi ako pwedeng humindi baka maramdaman nyang may gusto ako sa kanya. Pagkalabit ko.

"ANO BA YUN?" galit na sabi nya pero pabulong. Napalunok ako at halatang nagulat sya.

"Ay sorry! Pwedeng hiramin yung notebook mo?" Yun lang nasabi ko. Bakit ganun, di ko magawang di sya magustuhan.

"Sige sige." Salamat naman at pumayag sya. Nakita ko din na kinausap sya ng bestfriend nya. Nagselos ata.

Natapos din ang apat na subjects. Medyo masaya naman. Vacant na namin. Tuksuan, kulitan at syempre awkward yung iba dahil sakin. Daming nagpapa-picture at may mga kaibigan na ako.

"Toms! Halika dito" tawag ni Joem kay Angela. Bakit toms?

"Anong problema mo?" sagot nya. Ang cute hehe

"Papakilala kita kay Alex! Alex meets Angela. Angela meets Alex.

"Hi" yun lang ang nasabi ko.

"Hello" ngiti nya. Ang saya naman at kilala ko na sya.

"Bhest!" sigaw nya sa bestfriend nya.

"Bettina, si Alex. Alex si bettina bestfriend ko" sabi nya. Napangiti naman ako. Bakit mo ba ako pinamimigay hehehe.

"Sge na aalis na kame kakaen na kame ehh" alis nila. Ang ganda nya talaga. Bakit ganun? Iba tama ko sa kanya.

Pagtapos ng lahat ng subjects namin. Dumiretso agad ako sa shooting ng "Prince Charming". Nagtext sakin si Mommy at kinamusta nya ako at yun naman natuwa sya dahil ok ako. Natext ko na rin si Ms.Patty na on the way na ako. Sabi naman nya na 3am ako makakauwe bukas. Ok lang sakin makilala ko lang si angela ng lubusan.

Pagpunta sa shoot nakita ko si Daniel. Masasabi kong matalik kong kaibigan dahil napakabait ma artista.

"Alex. Kumusta? Pumasok kana pala sa isang university ah." tanong nya. Ambilis talaga kumalat ng balita.

"Oo. Ang saya nga eh" sabi ko sa kanya." Napansin nya agad na iba yung ngiti ko.

"Iba ngiti mo. Totoo? May gusto ka na dun?"

"Sabihin na nating binago nya buhay ko" sabay kindat.

*********************************

Yan muna ang huling part ni Alex na P.O.V. balik tayo kay Angela. Ano kayang magiging problema ni Angela?

Thank you and Spread this story.

Heartthrob's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon