Chapter 11

5 0 0
                                    

Hi "Heartthrobers" hahaha sorry sa late update ng mga chapter. Busy at nag-iisip din ako ng pwedeng idugtong sa susunod na chapter. :) Share nyo guise sa mga friends nyo. Pm me if your comments and suggestions.

*****************************

Angela's P.O.V

Madaling araw akong nagising para magligpit ng gamit ko. One month ako titira sa condo ng isang lalaking nang-iwan samin.

"Baby Girl, are you ok na?" kumatok na si mama siguro nandun na yung lalaki. Yes, I dont like to call him dad or papa, parang lahat bumabalik pag nakikita ko sya. Lahat ng hirap at sakit na pinadanas nya samin.

Pagbukas ko ng pinto, nakaligo at nakapang-pasok na din ako. Ipapahatid ko na lang sa kanya yung gamit ko sa condo nya. Sunduin na lang nya ako sa school pag-uuwe na ako.

"Baby girl, kain ka muna. Ako na magbibigay sa daddy mo yung mga gamit mo." ngiti ni mama. Buti pa sila mama at kuya nakakayanan nila yung pakisamahan sya. Sa lahat ng ginawa nya? -.-

Pagtapos kumain, kinulit ko muna si baby fred. Di ko inaasahan na luluha yung kanang mata ko. Mamimiss ko yung baby namin. Nagulat ako ng niyakap ako ni mama lalo akong lumuha. Oo tanggap ko na magsta-stay lang ako sa kanya ng isang buwan pero matagal pa din eh dapat isang linggo o dalawang linggo lang eh bakit parang ang tagal naman.

"Baby girl, always remember na nandito lang kami. Magtetext ka lagi at tatawag samin ahh. Pupuntahan naman kita at promise sasama ko si baby fred." sabi ni mama, medyo gumaan yung pakiramdam ko sa mga sinabi ni mama.

"Thank you po mama." niyakap ko si mama. "Mama? Si kuya?" tanong ko kay mama. Napansin kong umaga na pero wala pa din si kuya?

"Nakitulog sya sa mga ka-varsity player nya. Kilala mo naman si kuya right? Basta mag-iingat ka dun at be a good daughter." kiniss ako ni mama sa pisngi.

Lumabas na ako at dumiretso sa sasakyan nya. Masasabi kong maganda at maganda na din ang buhay nya. May magarang sasakyan at may driver.

"Hi po, diretso na po tayo sa school baka po ma-late ko, madami po akong aasikasuhin." sabi ko sa driver. Nasa harap sya at nakangiti sakin. Walang pinagbago yung mukha nya, medyo tumaba lang sya.

"Hi baby? Kumusta na? Sunduin na lang ni Anton. Yung driver natin, what time ka uuwe?" umandar na yung sasakyan at sa tingin ko mabilis syang magpaandar.

"Di ko po sure kasi madami po akong gagawin sa school. Tetext ko na lang po kayo." sagot ko. At wala pang 10 mins. nasa school nako.

Pagbaba ko, nagpaalam na ako. Pagpila ko, normal lang pero bakit ganun? Nasan yung mga bestfriends ko? Pag-akyat namin sa room para mag-decorate para bukas, tinawagan ko si bettina.

"Bhest? Nasaan ka?" wala akong makausap ng matino dahil halos karamihan ng pumasok ay mga kaklase kong lalaki, nangungulit pa si joem.

"Hi bhest, di ako pumasok, alam mo naman. Bukas na ako papasok hehehe beauty rest ngayon." hayss buti pa sila nagkaroon ng time pero ako wala talaga. Hala! Sino nga pala magmamake-up sakin? Ay di nga pala ako nagmamake-up hahaha.

Pagbaba ko ng phone, napakamot na lang ako ng ulo. "Problema president?" nagulat ako sa boses na bumulong sakin. Pagharap ko si alex pala.

"Okay lang ako, oo nga pala vice, na-update na ako ng mga committees about sa food, event at admin. How about sa tech comms?" sabay bumuhat ng paso para dalhin sa stage.

"Ayy di man lang ako kinamusta?" sabay nag-pout. Napatingin ako sa kanya hahaha ang cute nya isama mo pa yung dalawa nyang dimples. Binuhat na din nya yung paso kong hawak. "Nakausap ko na, tawag nga ng tawag kahapon sakin sabi kong nasa-shoot ako eh ang kulit. She updated me na ok na yung mga gagamiting materials."

"Owwww! Baka may gusto sayo. Ayieee!" sabay kindat. "Ikaw ahhh!"
Ang cute talaga ni alex hahaha mas pogi at maangas syang tingan kapag malapitan at sobrang puti ng mga ngipin nya, kinis ng mukha, ang matangos nyang ilong, ang mapupungay nyang mata at yung bibig nyang kissable hahaha! Anu ka ba angela, tumigil ka ngaaa!

"Anong ako? Baka ikaw? Magkwento ka naman para naman gumaan yung duties natin at makikilala natin yung isa't-isa." sabi nya. Oo nga naman, ayokong makipagtrabaho sa di ko kakilala.

"May point ka pero marami pa tayong gagawin ngayon wala na tayong oras para magkwentuhan hahaha!" tawa ko, napansin ko namang nakatitig sya sakin, bumilis yung puso ko at parang may sumasayaw sa tyan ko.

"Oo nga naman, sige sige magda-date tayo. Okay lang ba?" nanlaki mga mata ko sa sinabe nya. Totoo ba 'tong naririnig ko? Date? Tiningnan ko sya at sya naman nakatawa pa din.

"Joke lang ano ka ba? HAHAHA! Di ka naman mabiro." bigla akong natawa haha bakit ganun? Ramdam kong tumigil yung mga oras na yun. Date? Kami? Baka malaman ni bettina yun? Patay ako sa bestfriend ko. May gusto ba ko sa kanya? Oh bakit ko naman tinatanong yan? Angela! Erase! Erase!

"Hahaha I know. Hindi din yung isasagot ko. Blehhh!" sabay asar ko sa kanya. Nakakaasar sya hahaha.

Maghapon kaming magkasama ni alex para mag-ayos ng mga gagamitin bukas. Sa stage, sa rampahan, sa designs, sa food at tech. Ok na lahat at settle na and I know na magiging successful yung first event namin. :)

7pm na nung natapos kami. Tinext ko na din si mama para itext yung papa ko na sunduin na ako, di ko pa naman alam yung condo unit nya. Nasa waiting shed ako nung umupo din si Mark. Yung nerdy at officer din.

"Hi Angela! Salamat nga pala sa pagtatanggol mo sakin nung isang araw." nagulat ako nung sinabe nya yun kasi first time ko ulit marinig yung boses nya. Tahimik kasi sya pero nasa top 10 ng klase namin.

"Wala yun. Normal lang na ipagtanggol ka. Sa susunod lalaban na tayo dun." sabi ko sa kanya. Natawa sya at bumulong, dumating na yung kotse ni papa.

"Oh I have to go bye mark! Bukas ah wag kang mawawala. See you tom." at sumakay na ako, nakita ko naman syang napangiti.

Habang nasa sasakyan, tahimik lang yung peg namin hahah.

"Hi, Ako nga pala si Anton. Driver ng papa mo since umuwe sya ng pinas dati. Kumusta ka?" ngiti nyang tanong sakin. Nginitian ko naman sya.

"Ako po si Angela. Okay lang naman po, bukas na yung acquitance party namin." tapos tinuon ko yung mga mata ko sa phone ko. Ang dami palang text. Binasa ko at karamihan kay mama kaya ayun namiss ko si mama. :(

"Ahh acquitance party nyo bukas. May damit at may magma-make up na sayo?" napatingin ako sa kanya. Oo nga pala yung make up? Hahaha di naman pala ako nagma-make up kaya ok na yun hihihi dress ok na din. :)

"Ok na po, di din naman ako nagmamake-up e. Simplicity is beauty." sabay tango sa kanya. Napangiti naman sya. Siguro student din sya and around 20's. :)

Huminto na sya at paglabas ko ng sasakyan, nasa hallway na si Papa. Nakangiti sya at may kasamang bata. Sino yun?

"Hi angela, kumain kana? Kain na tayo?" paanyaya ni papa. Yung bata naman mukhang brazilian at anak ng artista. Hindi kaya kapatid ko ito??? O.o

"Okay po pa." pumunta kami sa restaurant at nagkwentuhan. Nalaman ko din na adopted yung bata. Anak ng boss nya dati sa U.S and namatay yung parents kaya inadopt nya na.

Pagpunta namin sa condo unit, malaki ang condo unit ni Papa. Kalahati yata ng floor kay Papa. Pinuntahan ko na din yung kwarto ko at halatang pinaghandaan nya. Yung ceilings at laman ng kwarto, complete set pero syempre namimiss ko padin yung kwarto ko. Hayss. :(

--------------------------------------------------

Hi. Sorry sa late update. :)
Date for Closure? :) Ano kayang mangyayari sa Acquitance party nila?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 11, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Heartthrob's HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon