Ballpen
Minsan sa buhay, may mga bagay na hanggang sana nalang.
May mga bagay na mananatiling sana. At may mga bagay na mananatiling paano kung...
Sana pala...
Paano kung...
Kung iisipin natin, simple lang naman silang salita, ordinaryo pero malaki ang mababago sa takbo ng buhay mo kung nangyare lahat ng 'sana' at nasagot mo lahat ng 'paano'.
They said, what's done is done, parang past is past, we should learn how to move forward and do our best in our present for the future. That's it. Simple isn't?
But, in my case...
I don't know where and how to start. How can I just forget him if he made a lot of difference in my life, made me realize that simple and ordinary things can be the things that could make you happy.
Mahirap kaseng magmove on if you're still holding on. You may think, I'm the typical brokenhearted girl na umaasa na meron pa, may pag-asa pa. Well, you can't blame me, he turned me into this person, the person that I never imagined I'd be.
I don't hold grudges, but I hold onto memories. Totoo ata talaga ang almost is never enough. He was my 'almost'.
Just where can this memories will lead me. I don't know, maybe I'll just go with the flow.
***
Juls' POVKasalukuyang nakatingin ako sa mga batang naglalaro sa labas ng room, halata sa mga mata nila na wala silang iniintinding problema, napangiti ako. Hindi ko naman kasi maitatanggi na minsan ay naranasan ko rin 'yun.
"Teacher Julie." tawag saakin nang isa sa mga estudyante ko. Agad ko naman siyang liningon.
"Bakit?" nakangiting saad ko.
"Pinapabigay po ni Teacher Leslie, ibigay ko daw po ito sayo, may meeting po kase sila eh."
Kinuha ko ang inabot niyang maliit na envelope.
"Thank you, pakisabi na din kay Teacher Leslie, salamat din. Oh sige, balik ka na sa room niyo."
"Sige po Teacher. Babye po." nakangiting paalam niya.
Nabaling ang atensyon ko sa maliit na envelope, agad ko naman itong tiningnan.
Isa pala itong invitation.
"Batch 2010 Reunion." mahinang basa ko.
Binasa ko rin kung kailan ito. "December 16, 20**"
Dalawang buwan pa pala. Maaga siguro silang namigay nang invitation para siguradong mapaghahandaan ng lahat.
Limang taon na din pala ang nakakalipas mula nang huli kong makita ang ilan sa mga classmates ko noong high school.p Nakakamiss din kahit paano. Bigla akong napangiti sa ideyang makikita ko ulit sila. Sigurado akong marami nang nagbago sa loob nang limang taon na nakalipas.
Sakto namang tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang recess ng mga bata. Nagsibalikan na ang mga bata sa room kaya naman ay naisipan ko na ding kunin ang mga gamit ko, para sa susunod na subject, itinabi ko muna ang Invitation sa loob nang drawer ko saka inayos ang mga gamit ko.
***
"Teacher, nahulog po ang ballpen niyo."
Magalang na sabi saakin nang estudyante ko. Inabot niya saakin 'yun. "Ito po Teacher oh." sabi niya.
"Maraming salamat Angelo." nakangiting sagot ko sabay nang pagabot sa ballpen.
Nagpatuloy ang lesson namin, napakabilis nang oras, hindi ko na napansin na uwian na pala.
BINABASA MO ANG
Ballpen
Short StoryMinsan sa buhay, may mga bagay na hanggang sana nalang. May mga bagay na mananatiling sana, at may mga bagay na mananatiling paano kung... Sana pala... Paano kung... Simpleng mga salita pero kayang baguhin ang buhay mo.