Juls
Nasa teacher's table ako ngayon at gumagawa ng lesson plan.
"Teacher Juls, pupunta ka ba sa reunion niyo?"
Tanong saakin ni Gem, co-teacher ko.
Napaisip na naman tuloy ako.
"Ah, hindi ko pa napag-iisipan e."
"Nako, pumunta ka, ang saya kaya ng reunion, saka once a year lang naman 'yan." Sabi niya
"Oo nga e. matagal ko na ding hindi nakikita 'yung mga high school friends ko."
"Oh, 'yun naman pala e. Eh di, gumora ka."
"Titingnan ko."
"Sus, sabihin mo nga saakin? May ayaw ka bang makita sa mga dati mong kaklase?' mapanuksong sabi niya.
Hindi naman ako agad nakapag salita. Ayaw ko nga ba siyang makita? Pero hindi ko naman alam kung pupunta din siya.
Umiling ako. "Wala noh. Iniisip ko lang kase 'yung seminar natin, baka kase hindi ako maka-attend kung sasama ako sa reunion." dahilan ko.
"Ay oo nga pala nuh? Kelan nga pala ulit 'yun?"
"Sa December 17. Ang reunion namin ay sa December 16, baka kamo overnight 'yung reunion."
"Pero, pwede ka namang humabol na lang kinabukasan diba?"
"Pwede naman, kaya lang ay baka magkayayaan pang gumala, mahilig pa naman 'yung mga 'yun sa galaan noon."
"Eh diba, kaklase mo si Teacher Les, ang alam ko pupunta siya."
"Sabi niya?"
"Oo, nabanggit niya kanina."
"Ganun ba? Oh sige, kausapin ko siya mamaya."
"Oo, pero kung ako, pupunta ako, sayang ang fun, cher! hahaha."
Natawa na lang ako kay Teacher Gem. Mahilig kase siya sa adventure, tulad ng fiance niya. Kaya siguro sila nag click agad.
"Eh ikaw Cher? Diba ay weekends naman 'yun, may lakad ba kayo ni Santi?"
"Wala naman, may duty din kase siya e. kaya baka sa susunod na weekend nalang kami gagala."
"Kung ganun, pwede kang sumama saakin."
"Ha? Ok ka lang Cher? Baka reunion niyo 'yun? Baka ma-OP naman ako cher, 'wag ganun."
Natawa nalang ako sa reaction niya.
"Hahaha. Hahayaan ba naman kitang ma-OP? Oh, sige gan'to na lang, pupunta ako sa reunion kung sasama ka din."
"Aba, iba ka din cher! Eh diba kasama mo naman si Teacher Les?"
"Oo nga, kaso baka lang naman gusto mo, saka don't worry, mababait 'yung mga kaklase namin."
"Sus, dami mo ding sinasabi e. Sige na nga, pero magpapaalam muna ako kay Santi."
"Sige, salamat Cher!"
*
Days passed, hindi pa din ako mapakali. Hindi ko naman alam kung bakit? Pero simula lang 'to nung isang linggo ng dumating ang invitation. Parang palagi akong kinakabahan, and I don't know why.
"Ma, alis na po ako." Paalam ko kay Mama.
"May pasok kayo? Saturday ngayon."
"Opo, may mga kailangan lang po akong ayusin sa school."
"Ah ganun ba? Oh sige, ingat ka."
"Opo."
Nang makarating ako sa school, agad akong sinalubong ni Les.

BINABASA MO ANG
Ballpen
Short StoryMinsan sa buhay, may mga bagay na hanggang sana nalang. May mga bagay na mananatiling sana, at may mga bagay na mananatiling paano kung... Sana pala... Paano kung... Simpleng mga salita pero kayang baguhin ang buhay mo.