Ballpen #3

29 1 0
                                    

Ballpen 2

Nagdaan ang mga araw at buwan, naging maayos naman lahat pangyayare sa saakin, pwera lang kapag inaatake nang kayabangan si Rioma. Sa loob nang dalawang buwan ay consistent siya sa pangaasar saakin, at dahil dun ay naging issue sa room namin na liniligawan daw ako ni Rioma, nakakaasar nga dahil tuwang tuwa pa siya. Ewan ko ba pero kahit na nabubwisit ako sa kanya, tinuturing ko pa din siyang kaibigan.

"Hi beautiful." eto na naman po siya.

"Oh bakit na naman?"

"Sungit. Anong ginagawa mo?"

"Nagsusulat."

"Love letter ba 'yan? Para saakin siguro 'yan noh?"

"Love letter ka diyan, mukha mo saka if ever naman na love letter ito, hindi para sa'yo."

"Sus, ok lang 'yan ilagay mo nalang sa locker ko kapag tapos mo na."

"Ang kapaaaaal!"

"Hahaha. Sarap mo talagang asarin,"

"Kung may ilalagay man ako sa locker mo, death threat na."

"Ha? 'Wag naman! Saka madaming malulungkot noh, isa ka na 'dun."

Hindi ko nalang siya pinansin, pinagpatuloy ko nalang ang nagsusulat nang journal ko. Hindi na din niya ako kinulit after 'nun pero titig na titig naman siya saakin, dinatnan naman ako nang hiya dahil sa ginagawa niya.

"H-hoy! 'Wag mo nga akong titigan, gumawa ka na nga nang journal mo,"

Nginitian niya lang ako, mas lalo tuloy akong na-awkward.

"Kung ayaw mo gumawa, umalis ka na lang diyan, naiilang ako kapag tinititigan ako."

"Bakit naman?"

"Bakit ko kailangang magpaliwanag sayo?"

"Kase gwapo ako?"

"Oo nalang,"

"'Wag ka mag-alala, tapos ko na gawin 'yung journal ko, kagabi pa. Alam mo kung bakit?"

Hindi ako sumagot, pakiramdam ko kase ay namumula ako.

"Para marami akong oras na titigan ka ngayon,"

Bigla akong napatingin sa kanya, nagsalubong ang mga mata namin, kaya mas lalo akong nailang, pero siya parang wala lang.

"A-anong sinasabi mo?"

"Kinilig ka noh?"

"Hindi ah!"

"Ok lang yan, kinikilig din naman ako."

Pinakiramdaman ko ang puso ko, ang lakas nang kabog nang puso ko. Hindi normal ang pintig nito, at nararamdaman ko lang naman ito kapag malapit saakin si Rioma. Bakit ganito?

"Hoy, bakit di ka na nagsasalita?" tanong niya

"A-ah, wala. Sige kailangan ko palang magreport kay Ma'am Cynthia. Maiwan na kita." pagdadahilan ko.

"Sandali-"

Hindi ko na siya pinansin, halos takbuhin ko na palabas ang room para lang makalayo sa kanya, pero kahit na wala na siya sa harap ko, malayo na ako sakanya, hindi pa din nagbabago ang pintig nang puso ko.

"Masama 'to." bulong ko

"Alin ang masama?" nagulat ako sa nagsalita sa likod ko

"Arkin, ikaw pala."

Nginitian ako ni Arkin saka nagsalita.

"Mukhang may problema ka ah, I mean kayo."

"Ha? Sinong kami?"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BallpenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon