Chapter 1

4.2K 45 0
                                    

Gianna Dela Vega



" Babe, gusto kitang makita, pwede ba akong dumalaw sa inyo this week? Miss na miss na talaga kita. " nakakunot noo ako habang binabasa ang msg sakin ni Rey. Isang matandang mayaman na karelasyon ko ngayon na siyang nagbibigay ng mga luho ko sa buhay.



" Oh bakit nakakunot nanaman ang noo mo diyan friendship? " tanong sa akin ng marites kong kaibigan na si Jenica.


Hindi lingid sa kaalaman ng kaibigan kong ito ang mga ginagawa ko.



Ako si Gianna Dela Vega, 19 years old. Maputi, matangkad, matalino at syempre maganda. Alangan namang sabihin kong panget diba?


Lumaki ako na wala ng magulang sa tabi ko. Bata palang ako ng namatay si nanay, may dalawa akong kapatid. At ako ang panganay.


Simula palang may sakit ako ganito na ang trabaho ko, ang manghuthot sa mga matatandang mayayaman gamit ang dating apps na ginagamit ko.



Dahil sa kahirapan sa buhay kaya ko nagawa ang mga bagay na yun at hindi ko pinagsisihan lahat ng mga nagawa ko. Kasi di ko alam kung saan kami pupulutin ng mga kapatid ko kapag wala akong ginawa at tumunganga nalang.



Ginamit ko nalang ung sarili kong ganda upang unti unting umangat ang buhay naming magkakapatid kasi ako nalang ang inaasahan nila.


Isa si Rey sa mga lalaking nagbibigay sa akin ng financial kaya ako nakatungtong ngayon sa isang sikat na paaralan.


" Si Rey kasi, nagmsg nanaman at nangungulit kung pwede siya pumunta sa condo ko. " sagot ko sa kaibigan ko.


" Ay nako bes. Masyado na talagang patay na patay sayo yang matanda na yan. Pero muka naman siyang mabait bakit hindi mo nalang seryosohin ung tao. Kawawa naman. " iiling iling pa na tila nanghihinayang.



Tama si Jenica, iba si Rey sa mga lalakeng nagbibigay ng sustento sa akin. Siya yung taong maalaga, makulit siya oo pero nararamdaman ko kung pano niya ako itrato ng mabuti hindi kagaya ng mga nagdaan na naging sugar daddies ko na halos bilhin na ang katawan ko para lang ibigay ko iyon sa kanila. Pero hindi, hindi ako ganon kauto uto para ibigay ang pagkababae ko sa mga lalakeng alam kong ginagamit ko lang.



Masama na kung masama. Pero kung kayo man ang nasa kalagayan ko, hindi niyo susubukin na tumanga nalang at umiyak dahil walang makain ang mga kapatid ko.



Kung titignan niyo, nasa akin na ang lahat. May sariling condo, may sariling kotse, at nakakapag aral kami sa mga bigating eskwelahan dito sa bansa.



" Bahala siya, saka niya nalang ako puntahan kapag may bagong labas ng limited edition na bag o kaya bagong model ng iphone. Hahaha " hagalpak kong tawa at itong katabi ko napapailing nalang.



Nih minsan hindi ako jinudge ni Jenica sa mga ginagawa kong ito. Bagkus minsan sinasabihan niya ako na tigilan ko na daw iyong gawain kong iyon.




Hindi ko gusto makasakit ng damdamin at bulsa ng mga taong napapaikot ko sa palad ko. Kailangan ko pa sila ngayon, pero balak ko na din tapusin ang lahat once na settled na ang buhay namin ng mga kapatid ko.



Marami na din akong ipon, pero hindi pa sapat iyon para magamit namin lifetime. Lalo pa at nag aaral palang ako ngayon at may pinag aaral pa akong dalawang kapatid.


Naglalakad lang kami dito sa corridor habang pinagtitinginan kami ng mga kalalakihan miske mga babae.



Isa din akong Queen-bee dito sa school nato, kahit na ako ay 2nd year student palang. Lahat ng tao dito napapasunod ko sa isang ngiti ko lang.



Naging Queen-bee ako hindi dahil sa maganda lang ako, kundi ako ang pinaka bata na naging president sa isa sa mga mataas na organization sa school na ito.


May pangalan akong iniingatan kaya bawat kilos at galaw ko kailangan maingat ako lalo na sa mga ginagawa kong pakikipagrelasyon sa mga matatanda para lang matustusan ang pangangailan at luho ko sa buhay.


" Miss President, goodmorning. " bati sakin ni Daymler


Nginitian ko lang ito at sabay hila kay Jenica papuntang canteen. Medyo nagugutom na kasi ako, hindi ako nakapag bfast sa condo dahil hindi naman nakaluto ang mga kapatid ko.



Hindi ko na ninais pang kumuha ng katulong, ayoko ng sagabal at ayoko malaman ng kung sino ang mga ginagawa ko sa buhay ko.


Ung mga tita ko sa side ng nanay ko alam din nila pero lagi nila akong kinokontra at pinagsasalitaan na baka makarma ako sa ginagawa ko. The hell i care!


Hindi ko alam na marami na palang tumatakbo sa isip ko kaya hindi ko na napansin na may tumatawag sa phone ko.


" Babe, hindi ka sumasagot sa text and tawag ko. Nakailang missedcall na din ako, is there something wrong? May problema ba babe? " wika ni Rey sa kabilang linya.


Napa make face nalang ako sa gurang na to.


" Babe I'm sorry, may meeting kasi kanina sa school. Diba nakwento ko sayo na president ako, and yes may problema ako. Mukang kakailanganin ko ng malaking pondo para sa isang proyektong ipapalaganap ko sa buong school. " pag iinarte ko sakanya.



" Okay babe. I'll transfer the money in your account. I have a meeting right now with my client and investor. Tinawagan lang kita just to make sure na okay kalang. Iloveyou babe. "



" Thankyou babe, you're so sweet and caring talaga. Hindi mo ako pinapabayaan na mamroblema that's why im so super lucky that i have you. Loveyou! " sabay irap ko sa phone ko habang nakangiti hindi ko na hinintay na magsalita pa ito kasi kung ano ano nanamang kakornihan ung sasabihin niya.


After ng tawag na yon, nag pop up sa phone ko ung notification na pinadalhan na niya ako ng 75k.


Napaka galante talaga ng matanda na yon. Isang pag iinarte ko lang bigay agad siya. Hahaha


" Oh, bes mukang maganda na mood natin ah. Kanina lang nakakunot noo mo. Hula ko, may pocket money ka nanaman galing kay daddeh " agad ko namang tinakpan ung muka ni Jenica at baka may makarinig pa sakanya na ibang studyante dito ma-issue pa ako.


Nilibre ko na din ng breakfast itong kaibigan ko tutal sobra sobra naman ang binigay sa akin na pera ni Rey.



Nagulat ako at may pumasok nanaman na pera sa bank account ko, galing naman ito kay Henry.


" Hi my baby girl, this is your monthly allowance for this whole month. Enjoy, loveyou "


Napapailing nalang ako sa isip isip ko. Hindi ko na problema ang pambayad ng bills and other's expenses sa condo nito pati na sa school ng mga kapatid ko. Salamat sa inyo mga Daddeh! HAHAHAHA

--

To be continue...

I'M SECRETLY INLOVE WITH MY STEPMOM ( GXG ) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon