CHAPTER 10: 1-on-1 with the (Future) Brother-in-Law

202 5 1
                                    

Bakit ganun? Kung ano ang ikinasungit ng ugali ni Chase, siya namang ikinabait ng kuya niya. Mantakin mo, pagkahatid ko kay Mahal sa bahay, hindi man lang nag-goodbye kiss sakin! Kahit yun lang okay na ako eh. Yun na yung pa-thank you niya sakin! Eh kaso kahit man lang "bye bye" wala siyang sinabi sakin. Yung Kuya pa nga niya ang nahiya para sa kaniya. Ayan tuloy, ininvite niya akong mag-meryenda sa bahay nila.

"Saglit lang Dash ha? Magbibihis lang ako. Nanay Flor, pakibigyan na lang po ng cake at juice yung bisita ni Chase." bumaling si Kyle sa matandang babae na nasa 40s. Siya siguro si Nanay Flor.

"Thank you Kyle. Wag ka ng mag-abala. Nakakahiya naman at nakaka-istorbo pa ako sa inyo," Kunwari pa akong nahihiya, pero ang mga mata ko naman ay panay ang ikot sa paligid ng bahay nila. Scanner mode ang peg! :3

Malaki! Sobrang laki! Parang isang buong bahay na namin yung sala nila. Sala pa lang nila yun ha! Jusmiyo. Ang laki ng flat screen TV nila at ang lambot ng sofa bed nila. Meron pa silang La-Z-Boy! Woooooah. Sila na ang big time!

"Okay lang yun! Sige ha? Bihis lang ako." Pumanhik na si Kyle sa kwarto niya.

I wonder kung saan kaya dito ang kwarto ni Mahal. Hmm.......

Dumating na si Nanay Flor na may dalang juice at cake. Inilagay niya ito sa harap ko at ngumiti siya sa akin.

"Maam Dash, kung may kailangan pa po kayo ay sabihin niyo lang sa akin."

"Ah, wala na po Nanay Flor. Okay na po ako dito. Salamat!" pagpapasalamat ko naman kay Nanay Flor. "At Nanay Flor, wag niyo na po akong i-'Maam'. Dash na lang po!"

"Sige po Maam, este, Dash." ngumiti ulit sa akin si Nanay Flor.

Buti pa si Nanay Flor mabait. Yung amo niya na kapatid ng gwapong si Kyle, sagad sa kasungitan!

"Sige Iha, balik na ako sa kusina at maghahanda pa kasi ako ng hapunan ng dalawang master."

Ngumiti ulit sa akin si Nanay Flor at nagtungo na siya sa may kusina nila. Bakit si Nanay Flor ang nagluluto ng hapunan nila? Nasaan ba ang parents ng dalawang master?

Fufufufu~ 'Master'. X3

"O, bakit natatawa ka jan mag-isa?" biglang umupo si Kyle sa tabi ko. Hindi ko napansin na nandito na pala siya.

Shet, ang bango! Parang hindi naman to nag-jogging kanina... amoy fresh eh!

"Nasaan ang parents niyo, 'Master'? Bakit parang puro kasambahay niyo lang ang nakikita ko dito, 'Master'?" shet, hindi talaga ako maka-get over sa 'Master' part. XD

"Sira ulo. Master ka jan!" pati din siya ay natawa na din dahil sa kaka-'Master' ko sa kaniya. Benta naman kasi XD "Yung parents namin, both are working abroad kaya kami lang ni Chase ang nandito ngayon sa bahay." Patuloy niya.

"Ohhhh... sayang naman. Ang laki ng bahay niyo, pero hindi kayo kumpleto. Magkakalayo din pati ang mga kwarto niyo. Parang ang lungkot....." tinignan-tignan ko pa ang kabuuhan ng bahay nila bago ako nagpatuloy sa pagkain ko ng cake.

Sa totoo lang, kahit na hindi malaki ang bahay namin, maswerte ako dahil kasama ko ang pamilya ko sa bahay. Ako, si Ate, ang Mommy at Daddy ko. Naisip ko nga na mas okay na maliit na ang bahay mo, at least kasama at close mo ang pamilya mo (literal na close din!). Kesa naman na tumira ka sa ganitong kalaking bahay, pero hindi mo naman palaging nakakasama yung pamilya mo.

Napansin ko ang biglang paglungkot sa mukha ni Kyle. Shet, ang daldal ko kasi! Kung ano-ano na naman naco-comment kong nonsense. >_<

"Sorry Kyle! Hindi ko sinasadyang mag-comment. Pagpasensyahan mo na ako. Ang daldal ko talaga! Kaya hindi ako magusto-gustohan ng kapatid mo eh.. ang daldal ko kasi!" pinalo-palo ko ang bibig ko pa ang bibig ko. Kainis kasi tong bibig na to. Ang daldal!

Say You Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon