PROLOGUE

83 2 2
                                    

Takot na takot si Yuri na pilit nagpupumiglas at nagmamakaawa sa taong naka-suot ng maitim na kapute at may itim na gloves sa kamay. Hila-hila nya si Yuri gamit ang kadinang nakatali sa mga kamay nito. Mistulang asong gala ang turing ng naka-itim na kapute kay Yuri. Hindi na maaninag ang magandang mukha ng dalagita dahil sa dugo at luha na naghalo sa kanyang mukha. May tape din ang kanyang bibig na binusalan para hindi sya makagawa ng ingay. Sinikap ni Yuri na makawala kahit imposible na itong mangyari. Napakahigpit ng pagkakagapos ng kadina sa mga kamay nito

"Hindi ko akalaing makakaranas kami ng ganito. Diyos ko. Ano bang nagawa naming kasalan at bakit ganito nalang kalupit ng tadhana sa amin. Is this God's Fate for us?" 

sabi nya sa kanyang sarili habang umiiyak at namimilipit sa kirot dahil sa pagkakadiin ng kadina sa mga kamay nito. Halos bumaon na ang kadina sa mga kamay ni Yuri na dahilan upang mag bleed ito. Sandali pa ay bumalabag ang kanyang katawan sa maalikabok na sahig ng biglang binitawan ang kadina ng killer na sa anumang sandali ay kikitil ng kanyang buhay.

The 565 Killer Zone [ On Going Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon