CHAPTER TWO

50 0 2
                                    

ANG sabi nila, nagtamo ng labing-dalawang saksak sa dibdib at likoran yung lalaki. Bali ang kaliwang braso nito at kanang binti. Nanglaban daw siguro ito sa suspect. Nakatali sa kadina ang mga kamay nito na halos bumaon na sa sobrang higpit nang pagkakatali. Basag ang bungo at labas ang mata nito sa lakas ng pwersang pagkakabagsak ng malaking bato sa ulo ng lalaki. Halos kita na utak. Mga 9:30 in the evening daw namatay ang lalaki basi ng SOCO.

Ayon sa nakakakilala sa lalaki, nakatira ito sa City of San Roque. Graduating student sana sya ng law.

"Grabe, kawawa naman." 

sabi ng isang lalaking naki-osyoso

"Oo nga eh. Walang awa! Halatang pinahirapan muna bago pinatay. Sadista ang killer na yun!"

"Sayang, graduating pa naman sana."

"Yan kasi gumagala pa dis oras ng gabi, eh alam naman nating delikado na talaga sa panahon ngayon. Madami ng kampon ni Satanas ang gumagala kahit saan."

sabi naman nung matandang babae na mataba

Ano't-ano man ang pangyayaring naganap ay naging laman ng mga tabloid sa sumunod na mga araw. Naging karaniwang paksa rin iyon ng mga radio commentator na tumutuligsa sa kawalan ng lakas ng awtoridad para mapigilan ang gayong ka brutal na krimen.

ILANG araw pa lang ang nakalipas matapos ang brutal na krimen ay may nakita nanamang bangkay ng dalawang teenager sa magkasunod na mga gabi. Dun din mismo sa lugar kung saan naganap ang unang pagpatay. Eksaktong 9:30 in the evening din nangyari ang pagpatay. Sabog ang bungo nung isang teenager at pareho silang naka-kadina sa mga kamay. Bali ang binti at braso nito katulad sa nangyari sa unang pinatay. Mga dayo lang sila sa lugar at hindi nila inaakalang ito na rin ang una at huling pagpunta nila sa 565 Rose Subdivision area.

Naalarma na ang mga mamamayan sa brutal na krimeng naganap. Ni hindi nila matukoy kung anong mutibo ng killer sa pagpatay. Nakapagtataka lang kasi hindi naman ginagalaw ng killer ang mismong nakatira sa 565 Rose Subdivision kaya may mutibo ang pulisya na isa sa kanila ang may alam kung sino ang salarin sa brutal na killing. Pero ni isa sa mga ito ay walang makapagsabi. Lumipas ang ilang buwan at nanahimik ang killer, napagod na siguro ito kaya tinigil na nya ang brutal na pagpatay sa mga teenager na napapadaan sa 565 Rose Subdivision.

The 565 Killer Zone [ On Going Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon