CHAPTER ONE

58 2 2
                                    

NAPAKADILIM at kakaunti lamang ang sinag ng ilaw na nang-gagaling sa poste. Mas maliwanag pa ang buwan sa kalangitan, wala ring tao masyado sa daan. Mailap ang mga sasakyang dumadaan sa lugar na ito. May ilang milya din ang layo ng bawat kabahayan at hindi masyado lumalabas ang mga nakatira dito. 

May isang lalaking huminto sa gasoline station na malapit sa 565 Rose Subdivision, San Roque. Lumabas ang lalaki sa kanyang sasakyan para magpa-gas

"Tao po. May tao po ba dito.. Magpapa-gas po ako."

may isang matandang lalaki ang lumabas sa shop

"Ano kelangan mo iho?"

"Magpapa-gas lang po."

"Kumuha ka lang dun ibigay mo muna bayad sakin"

"Ito po manong."

matapos magpa-gas ng lalaki ay pumasok muna ito sa loob ng shop upang bumili ng maiinom, may sinabi sa kanya ang matanda na para bang isang babala

"Umalis ka na agad sa lugar na ito. Nabalitaan mo naman siguro kung anong kababalaghan ang nangyayari dito. Umalis ka na bago mahuli ang lahat."

nag smile lang ang lalaki na para bang walang kabang naramdaman sa sinabi nung matandang lalaki sa shop.

8:30 in the evening dumaan yung lalaki sa 565 Rose Subdivision Highway, wala na kasing ibang daan papuntang City of San Roque kundi sa Subdivision lang. Binansagang Ghost Subdivision ang lugar na ito dahil parang walang nakatira sa lugar na ito. Takot ang mga taong dumaan sa Rose Sub tuwing gabi dahil sa napabalitang black ghost na nagpapakita. Habang nagmamaniho ang lalaki ay biglang napahinto ito malapit sa isang puno ng balete. Parang may nasagasaan kasi ito kaya bumaba sya sa kanyang kotse at tumingin sa may harapan. Nagtaka sya kasi wala namang kung anong bagay ang nahagip nya NANG bigla syang napalingon sa kanyang likoran.

The 565 Killer Zone [ On Going Series]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon