Sa daming tao sa mundo at sa araw araw na nakakasalubong mo imposibleng makilala mo ang lahat ng ito, sa bawat eskinita na dinaraanan mo siguradong hindi mo agad ito nakakabisado. Ika nga bago mo matandaan at makabisado ang isang lugar kailangan mong manatili ng matagal.
Maniniwala ba kayo kung sasabihin kong sa isang gabi at sa unang pagkakataon na nakilala ko siya ay naramdaman kong kilala ko na siyang lubusan.
"Kaya kong tanggapin, we can build our own family Mara. Just choose me, stay with me, please" pagsusumamo ko habang nakahawak sa mga nakakuyom niyang palad
Kahit nakaupo kami ngayon sa terminal ay ramdam ko ang panginginig ng tuhod ko sa pinaghalo halo na atang kaba at lungkot
Ayaw ko siyang iwan o bitawan, sigurado na ako sa kaniya. She's the only woman I want to marry pero bakit masyadong madamot ang tadhana?
"I can't stay with you Marco, mas lalo lang gugulo. Kailangan ko gawin kung anong tama para sa ikabubuti ng lahat" kahit nakikita ko sa mata niyang naluluha siya ay pinipigilan niya ang pagpatak ng mga ito
"Why? w-why can't y-you choose me? u-us?" nauutal ko nang sabi marahil sa hikbi o dahil unti unti kong natatanggap na hindi niya talaga pipiliin ang kung anong mayroon kami
Wala siyang naging imik, nakatingin lamang siya sa kamay kong nakapatong sa kamay niya
"I treasure every moment that we are together, piliin mo ako please," she stays silent
"Byaheng Cubao, oh last trip na 'to!" rinig ko ang kundoktor ng bus na papuntang Cubao
hindi ko kayang tumayo at bitawan siya..
"Sige na, Marco. Mag iingat ka" ayun lang ang nasabi niya sabay yumakap siya sa akin mas lalo lamang ako naiyak dahil alam ko hindi ko na ulit 'to mararamdaman kahit kailan sa kahit kanino
"Napakadali naman para sa'yo ang bitawan ako" suminghot ako at yinakap siya yung tipong ayaw ko ng bumitaw at hinihiling kong hindi na matapos ang sandaling iyon
Tumayo si Mara sabay ang paghila sa akin patayo, inayos niya ang nagusot kong polo at kahit naiyak na ay pinilit pa rin nitong ngumiti
Nararamdaman ko mahal niya ako, pero bakit hindi niya ako magawang piliin? Kaya ko naman tanggapin lahat.
"Nagusot pa tuloy" puna nito, nakatitig lamang ako sa maamo niyang mukha napakaganda niya talaga, walang papantay
"Mahal na mahal kita" baka sakaling magbago pa isip niya kapag narinig niya iyan, baka sakaling maramdaman niya kung gaano ko siya kamahal
Hindi na siya sumagot at hinatid na ako sa bus, bago pa ako makaapak sa unang baitang ng hagdan ay hinila niya ako pabalik at kahit nanghihina ay yinakap ko pa rin siya at hinalikan sa pisnge
"Malay mo baka sa huli...tayo" huling katagang sinabi niya sa akin
Sa daming tao sa mundo at sa bawat taong nakilala o makikilala mo, imposibleng walang rason sa buhay mo. Mayroong nananatili, mayroon ring naalis, may narating at mayroon kang inaantay...
