4

4 0 0
                                    

Numb

Kahit anong ingay sa bus nang mga pasahero at ng makina ay klarong-klaro sa pandinig ko ang boses niya, he hugged me and it took me off guard. Lumingon ako sa ibang mga pasahero at nakita kong hindi naman ata kami napansin dahil busy rin ang mga ito sa kanilang cellphone ang iba naman ay nakatingin sa bintana

"baka magtaka sila-"

"hayaan mo sila" hindi pa rin talaga niya ako binitawan

'Tong liham na umaasang mata mo ang makabasa
Handang gawin lahat, maging pamilya'y liligawan
Ngayon lang nakadama ng wagas na pagkamangha
Hiling ko lang naman na...

Patuloy ni Marco sa pagkanta, we stayed in that position for how many minutes kahit nang matapos siya kumanta ay nakayakap pa rin ito sa akin kaya ako na ang umalis sa pagkakayakap

"alam mo ikaw para-paraan ka rin eh, connect mo pa sa mga tubo naku ha" Inayos ko ang nagusot kong damit

"Hindi ah, naalala ko lang talaga" rason pa nito

"matagal pa ba ang byahe?" tanong nito na parang naiinip na

"wow ha, kunwari ka pang naiinip diyan" asar ko na ikinatawa naman niya

"let's play a game, so we'll get to know each other more. Yung take turns na questions" he suggested, mahaba pa nga talaga ang byahe bago kami makarating sa Bindoy. Wala ngang traffic dito pero sa haba ng byahe para lang ding may traffic 

"May baon kang questions?" prepared ba talaga siya? 

"Wala but, I have these" pinakita niya ang cellphone niya 

Siguro nakita niya sa mukha ko na hindi ko pa rin gets that's why he opened an application called 'Pinterest' he searched something and agad na nglabasan ang mga lists of questions, ang dami. 

"So sinong mauuna?" I asked

"Lahat ng questions na pipiliin nating itanong ay dapat sagutin rin natin para fair, bato bato pick?" nakangisi pa talaga siya 

"Okay game, bato bato pick" 

Paper sa akin

Stone sa kaniya

"Okay, I won!  ako na pipili"

"If you had the world's attention for 30 seconds, what would you say?" 

"Hmm, siguro ano 30 seconds is not enough for me to express how thankful I am to God for giving me this chance that I've been praying, a long time now. I want you all guys to here that I am the happiest man now for seating here beside this most beautiful and genuine girl i've ever known. Hindi ko na-imagine that we'll be this close and playing this game but ito na nga at nangyayari na, Thank you talaga Lord! lampas ba?" 

Hindi ko na napansin kung lumampas ba o kulang, hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Hindi naman ako assumera pero hindi rin ako tanga para hindi malaman na ako ang tinutukoy niya sa mga sinabi niya

"Sakto lang naman ata" I smiled, wala akong ibang masabi 

"ikaw na, Mara" 

"Uhmm.. start na ba? wait wala ako maisip eh" nag-loading talaga ata utak ko at wala talagang pumasok sa isip ko na kahit ano 

"dali naa, tagal ko kaya natapos kanina" sabi pa ni Marco

"Eh hindi naman ako nag-isip nang sasabihin ko, pinakinggan ko lang naman yung mga sinabi mo" mahina na ang boses ko 

"Ano naman masasabi mo sa mga sinabi ko? " he asked at mas lalong wala akong masabi 

"Ay, I know na kung anong sasabihin ko sa 30 seconds" sabi ko kahit hindi ko naman talaga alam kung ano sasabihin ko

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 11 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Malay mo, Baka sa HuliTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon