Mabilis na lumipas ang mga araw at hindi ko namalayang isang linggo since me and Jake broke up. I'm still looking for things that can divert my attention para hindi ko na masyado maisip, lately puro aral lang talaga inaatupag ko. Well, bukod lang kapag inaaya ako ni Marco sa gig nila ayun nalang ata ang pinakang gala ko na inaabot ako ng gabi sa labas
My phone beeped...
Marco🤟:
Hi. are you free tonight?
Inisip ko kung anong araw ngayon at naalala ko na nasa downtown siya mamaya dahil huwebes ngayon, pero hindi ako makakaattend ng gig niya dahil kailangan kong mag ayos ng mga gamit pauwi sa Negros. Alam na rin nila mama na hiwalay na kami ni Jake dahil tinawagan ako ni Ate Rosalie kahapon at syempre kinulit tungkol do'n.
Me:
Hindi eh, kukuha ako ng ticket mamaya para sa pag uwi ko sa Negros mamaya at mag aayos na rin ng mga gamit. Baka sa susunod na lang
Hindi pa ako nakakabangon sa pagkakahiga ko ay agad naman itong nagreply sa text ko
Marco🤟:
Samahan nalang kita mamaya? wala ka bang pasok?
Nabigla ako sa message niya
Me:
Ha? eh diba may work ka? tapos diretso sa gig. Wala akong subject today kaya ngayon ko nalang din naisipan na mag asikaso
Marco:
Susunduin kita sa apartment mo mamayang 3pm para hindi ka maabutan ng cut off sa pier. Get ready before 3, see you.
Kahit nalilito ay hindi nalang ako nag reply pa sa huling message niya
Maaraw ngayon hindi tulad nung mga nagdaang araw na maulan sa umaga. Buong umaga lang akong naglinis ng apartment at nagligpit ng mga gamit kaya hindi ko namalayang alas onse na nang matapos ako sa pagliligpit.
Napatingin ako sa isang brown na box na nasa ilalim ng kama ko, pagkabukas ko rito ay tumambad sa akin ang iba't ibang mga glass jar na pinaglagyan ko ng mga dried flowers nanggaling kay Jake nandito rin ang mga letters mula pa nung highschool kami. Pati mga wrappers at resibo ay nandito rin.
I want to get rid of those things at the same time I still want to hold on to those memories, Ilang minuto ko rin itong kinalkal at binasa ang mga nakasulat na hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko agad ko itong pinunasan at ibinalik na ang kahon sa ilalim ng kama ko.
Agad kong tinapos ang paliligo at nag ayos, sinuot ko lamang ay white longsleeve na one-fourth, denim short, paired with baby blue doll shoes. Humarap ako sa salamin, I was never fond of using make-ups kung aalis depende kapag may party ako napupuntahan saka lamang ako nag m-make up but, I want something new para sa sarili ko, so I tried putting some eyeshadow and lipstick. Natawa ako kasi hindi ako sigurado kung tama ba ang ginagawa kong paglagay kasi sa tagal namin ni Jake hindi naman ako naging interesado sa paglalagay ng make up o sa kung ano man siguro dahil panatag akong tanggap niya lang ako at nandiyan lang siya lagi.
Time check:
2:58 PM
Dalawang minuto nalang at mag a-alas tres na, nahihiya akong i-text si Marco kung nasaan na siya baka isipin pa nitong masyado akong demanding kaya bumaba nalang ako sa apartment at ini-lock ang pinto siguro ay ite-text ko na lamang siya mamaya kapag nakaalis na ako
