2nd

1K 49 6
                                    

"Thom! Hinahanap ka namin kanina pa. Anong ginagawa mo dito?" I'm kinda getting bored of my life na. Work-Bahay then repeat. I'm doing hoops now. Yamot na yamot na kasi ako sa bahay.

"Isn't is obvious? Nagbabasketball dude."

"Kanina ka pa inaantay ni Arra sa bahay niyo. May lakad daw kayo ngayon." oh shit. Oo nga pala, may lakad kami ni Arra ngayon. How could I even forget that.

Sa parents ko ako ngayon naka-tira dahil na rin sa work. Pero plano ko na rin bumili ng unit near sa may company namin. Kib and I has been bestfriends since we were high school. Siya naging katuwang ko sa lahat lahat hanggang ngayon. "Kib, ikaw, kelan ka magkaka-lovelife?" he just laughed.

"Ayoko muna ngayon, gusto ko right timing. Ayokong tumulad sayong ugok ka no?" ha ha ha funny.

"Gago. Kalimutan mo na nga yun, matagal na yun." nag-smirk lang siya. "Tsk if I know naman Thomas, siya pa rin."

Naka-move on na ako, kaya nga may girlfriend na ako oh. Si Arra. She loves me so much. She always makes me feel special kaya naman natutunan ko rin siyang mahalin.

Hindi nga lang katulad ng pagmamahal mo kay Ara.

Hay. I took a deep breath before entering the house. I don't know, I just feel nervous everytime.

"Babe! San ka ba galing? Bat pawis na pawis ka? Teka kuwa lang ako ng towel." pinigilan ko naman siya.

"No need Arra. I'll take a bath na rin, then alis na tayo. Wait for me here."

She's my girlfriend, Arra San Agustin. We've been together for about 3 months.

I was single for about 3 years and a half? I think. Di ako naka-move on agad sa kanya. Ganon ko kamahal si Ara. Until nakilala ko si Arra sa London. I had a vacation there for 2 weeks for my work.

"Thomas! Bilisan mo nga diyan! Naiinip na si Arra dito." inip agad? Parang saglit pa lang ako nandito sa kwarto.

"Gago! Kita mong halos kakaakyat ko lang eh."

.

Nasa MOA kami ngayon ni Arra. It's Wednesday kasi kaya wala akong work. Day-off ba haha. Every Thursday naman, di talaga ako pumapasok. Okay lang naman kay Dad. Alam niya naman yung reason behind it.

"Where do you want to eat babe?"

"Ikaw, saan mo ba gusto?" wala akong maisip eh. Pre-occupied kasi ang utak ko kaya hinde ako makapag-isip. "Lika, Cabalen na lang tayo."

.

Pagkabalik ko sa bahay, natulog agad ako. Masyado akong pagod kaya wala akong balak gumalaw galaw.

.

I woke up at 12:30 midnight. May pagkain kaya sa baba? Sana meron.

I checked the fridge to look for food. Buti na lang may gatas tsaka oreos dito. Favorite ko kasi yun eh. Dito na lang ako sa may counter kumain.

Pumupunta kaya siya dun? Bat naman siya babalik dun? Hindi kaya mahal niya pa rin ako? Pero may girlfriend na siya eh. Iba na siya.

Inayos ko na yung mga dadalhin ko para mamaya. Maaga na rin ako aalis para maaga ako makabalik.

.

I'm on my way to Tagaytay to visit our house. Every Thursday ang punta ko dun to check if okay pa yung bahay. Wala kasing nagbabantay dun kaya kailangan ko icheck yun.

When I reached the house, I saw a car. Hinde kaya siya 'to?

I immediately went inside the house to check on it. Baka mamaya magnanakaw pala 'to.

I saw someone na naka-jeans, shirt and vans. Weird kasi dalawa lang naman kami ni Ara ang may kopya ng susi nito.

"Uhm, excuse me. Who are you?" masungit kong tanong.

"Hinde ba pwedeng bisitahin ang bahay na 'to?"

It's her. It's Ara.

"I thought hinde ka na pumupunta dito."

"Ako hinde pupunta? Aba bahay ko pa rin 'to ah hahah. Ikaw, bat ka nandito?"

She's talking to me like nothing happened years ago. Well, tama lang naman siguro kasi matagal na nga yun.

"I'm visiting our house every thursday of the week to check on it. Buti naman naisipan mong bisitahin 'tong bahay natin."

"Every week din kaya akong pumupunta dito, kaya nga lang iba ibang araw. Kung kelan lang ako pwede. Nagkataon na wala kaming pasok ngayon, kaya ngayon ako pumunta. Ikaw lang? Di mo kasama girlfriend mo?"

I think wala na rin dapat kaming ika-awkward sa isa't-isa. Sabay naming nilinis yung bahay. Well it naging maayos naman ang pakikitungo namin sa isa't-isa. Nagkukulitan pa nga kami habang naglilinis eh.

I missed this. I missed her. Everytime we go here nung college kami, it's a memory for both of us.

"Thom, bakit nga kaya tayo sinubok ng tadhana dati?" nandito kami ngayon sa may balcony. Gabi na rin kaya dito na lang kami matutulog parehas. Okay lang naman daw sa kanya eh.

"Di ko rin alam Ars. Siguro hinde lang talaga tayo para sa isa't-isa." napakagat sa labi si Ara. I know pinipigilan niya yung sarili niyang umiyak.

"Kasalanan ko rin siguro Thom. Kung hinde siguro ako sumama kay Bang that night, baka hanggang ngayon tayo pa rin."

Naalala ko na naman... yung kay Ara at Bang... yung pangyayaring sumira samin ni Ara. Kasalanan 'to ni Bang. I can't blame Ara for what happened.

"Don't blame yourself Ara. Alam natin kung sino ang may kasalanan." napatingin na lang siya sakin. What? Kasalanan naman talaga ni Bang lahat eh.

"Thom, can I ask you a big big favor?"

"What is it? Anything Ars, anything for you."

Mahal ko pa rin pala siya. Hinde siya nawala sa puso ko.

"Can we pretend to be together everytime we visit this house? Yung kahit isang araw lang sa isang linggo, tayo pa rin. Yung dating tayo." wait, is she serious with this?

"Wait Ars, are you serious with this?" she looked at me with her poker face.

"Please Thom, gusto kong maramdaman yung saya ko dati. Tangina kasi eh, hinde ko maramdaman yun kapag hinde kita kasama. Oo, mahal ko si Bang. Pero iba pa rin pala yung pagmamahal ko sa'yo. Handa akong magsinungaling kay Bang para sa'yo Thom. Ikaw ba?"

Kaya ko ba? Mahal ko rin si Arra. Pero, tama si Ara. Ibang saya ang nararamdaman namin kapag magkasama kami.

Handa ako. Handang handa.

"Handa rin akong magsinungaling kay Arra para sa'yo."

The greatest pretenders, forget to remember the lies...

Broken FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon