4th

832 42 0
                                    

Third Person's POV



Magkasasama ang buong barkada ni Ara, walang absent. Birthday kasi ni Bea kaya may party mamayang gabi. Lahat sila busy dahil may mga bibisita sa bahay nila. Kailangan maayos lahat kasi nakakahiya daw sa lahat ng pupunta.


"Bea! Di porket birthday mo chill ka lang diyan oy. Tumulong ka naman magluto." sigaw ni Kim mula sa kitchen. Si Bea kasi ay nakaupo lamang sa may couch habang naglalaro sa phone niya ng MMM Fingers. Nagpapataasan kasi sila ni Ara ng high score.


"Ayoko nga, yun na lang nga ireregalo niyo sakin, pahinga na nga lang eh. If I know kumakain ka lang diyan Kim haha!"


Si Jeron at Kiefer nakatoka sa mga tables and chairs sa may garden. Habang si Ara at Mika, nakatoka naman sa pagluluto. Si Kim? Actually tinitikman niya lang yug luto nung dalawa.


Konti lang naman din ang expected visitors nila kaya hinde masyadong marami ang niluluto nila. Ganyan sila everytime may nagbi-birthday sa barkada, hinde pwedeng walang celebration.


"Jeron!" sigaw ni Mika mula sa kitchen.


"Oh? May iuutos ka na naman ba?"


"Oo bakit? May reklamo ka?"


Pasigaw sila kung mag-usap. Buti at hinde nabibingi ang lahat sa bahay. Nasanay na rin sila dun sa dalawa. Parang aso't pusa lang yung dalawa.


.


Matapos ang pagluto nila Mika, naligo naman sila para daw fresh sila. Amoy ulam na daw kasi sila eh. Habang si Kim at Bea naman ay naglalaro ng uno.


"Bea! Ano kulay susuotin mo mamaya?" tanong ni Mika na nasa kwarto niya.


"Red malamang, birthday eh." sagot naman ni Bea.


"Oh guys, mag-black tayo ah! Hahaha" pang-aasar ni Ara kay Bea. "Gago hahahaha" yan na lang nasagot ni Bea.


Lahat na sila ay naligo na dahil malapit na mag-4o'clock. Usapan kasi nila ay 4 ng hapon para hinde na masyadong mainit.


.


Maya-maya pa'y dumating na ang ilan sa mga bisita. Kasama na rito ang mga kapatid ni Bea. Namatay na kasi ang parents niya, kaya nagsarili na silang magkakapatid. Si Bea ang bunso. Kaya napaka-saya niya na may barkada siyang tulad nila Ara.


"Ate! Kuya! Kala ko hinde na kayo pupunta hahaha" niyakap niya yung dalawang kapatid niya.



____________________________


Ara's POV


It's been two months, two months of pretending. Naging maayos ang pakikitungo namin ni Thomas sa isa't-isa kahit alam naming may naloloko na kami. Masaya rin naman ako kapag kasama si Bang.

Broken FrameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon