Hinde ko alam kung anong pumasok sa isip ko at nasabi ko yun. Na humingi ako ng ganong klaseng pabor kay Thomas. Mahal ko si Bang. Mahal ko rin si Thomas. Pero isa lang talaga ang pinagkaiba nila, yung kasiyahan na naidudulot nila sakin.
Oo, napapasaya ako ni Bang. Pero narealize ko na iba pa rin pala yung saya ko kapag kasama ko si Thomas. First love ko kasi siya kaya siguro ganon.
"Thom, alam kong mali 'tong ginagawa natin. Alam kong makakasakit tayo ng ibang tao, pero pagkatapos naman ng araw na'to balik na ulit tayo sa dati. Yung kami ni Bang, kayo ni Arra."
Mahirap man, pero kakayanin.
.
Nagising kami ni Thomas na magkayakap. Oo nga pala, tapos na ang isang araw na pagkukunware.
"Bumangon ka na diyan Torres. Mauna na akong umalis, baka hinahanap na ko ni Bang."
Nakita kong lumungkot yung mukha niya. Sorry Thomas, panandalian lang eh. May next week pa.
Kaya ko bang lokohin ang ibang tao para lang sa sarili mong kaligayahan?
"Ara, next week, Thursday. Same time, here." dirediretso niyang paalala.
.
Pagdating ko sa bahay, aba nakapamewang ang tatlong donya. Nakataas pa ang mga kilay. "Saan ka galing Victonara?" ay choir? Sabay sabay kasi sila eh.
"Pumunta ko sa Tagaytay. Pinuntahan ko yung bahay namin."
Nagtilian silang tatlo, aba si Kim tumitili. Balik loob na ba?
"Bat ka nga ba bumabalik dun every week?" tanong sakin ni Bea. "Wala, chinicheck ko lang kung maayos at kumpleto pa yung bahay."
"Weh?" sabay sabay na naman sila.
"Tss gago pala kayo eh. Magtatanong kayo tapos di kayo maniniwala. Bahala kayo diyan. Akyat na ko." wala ako sa mood Badtrip ako kase... natapos yung isang araw na yun.
"May tuldok ka ba Ara? Hahaha" yan na lang narinig ko bago ako nakapasok sa kwarto ko.
Hay, tama ba 'to? Na niloloko ko si Bang? Ayaw kong hiwalayan siya kasi masasaktan siya. Nandito siya sa tabi ko nung panahong down na down ako. Hindi niya ako pinabayaan. Inayos niya ako.
Bigla namang nagvibrate yung phone ko. May tumatawag.
*phone conversation*
Ara: Hello.
Bang: Hi baby!! San ka galing kahapon?
Ara: Sa Tagaytay.
Bang: Ahh dun sa bahay niyo?
Ara: Oo. Bakit ka nga pala napatawag?
Bang: Wala namiss lang kita. Di mo ba ko namiss?
Ara: Hinde eh haha
Bang: Heh bahala ka nga diyan. Alam kong pagod ka, pahinga ka na. May pasok ka pa mamayang hapon. I love you!!
*call ended*
Hindi ko alam kung bakit parang di ko feel sagutin yung sinabi ni Bang. Shit naman Ara!!! Naiinis ako sa sarili ko.
Mahal ako ni Thomas, mahal ako ni Bang..
.
Thursday, 9am
Nakita ko si Thomas na nakaupo sa may sala. Inaantay siguro ako nito. Napangiti naman agad ako. "Thom!!"
Tumayo agad siya sa pagkakaupo niyo, at sa di inaasahang pangyayari, niyakap niya ko ng mahigpit. Yung yakap na sabik sa pagmamahal.
"Miss mo agad ako? Hahaha 'wag ka mag-alala namiss din kita" niyakap ko na rin siya pabalik. Nakakamiss din palang yakapin 'tong si Thomas. "Sus alam ko namang di mo ko natiis kaya pinuntahan mo ko dito. Lika let's eat breakfast na. I prepared something for you!"
Nag-prepare siya ng breakfast? Well, lagi naman yun yung ginagawa niya everytime nandito kami. Samin kasing dalawa, mas maalaga si Thomas. Lagi siyang magluluto pag gutom ka, ireready yung damit na susuotin mo, hahatid ka palagi kapag may pupuntahan ka. Ganon siya kaya siguro nung naghiwalay kami, hinanap hanap ko yun.
.
Nandito kami ngayon ni Thomas sa may veranda ng bahay namin. Malamig yung simoy ng hangin kasi nga Tagaytay hahaha. Nagpapa-hangin lang kami, habang naka-akbay si Thomas sakin. Ako naman naka-sandal lang sa dibdib niya. "Thom, hanggang kelan tayo magkukunware?"
"Di ko rin alam Ars, masaya ako kapag kasama ka."
"Sa tingin mo ba, kailangan ko 'to sabihen kayla Mika? Kasi alam ko gusto din nila 'to. Baka sakali lang naman eh matulungan nila tayong dalawa."
"Alam mo Ars, namiss ko na sila hahah. We all used to be barkadas right? Nung naging tayo dati, naging part na ko ng barkada niyo. Magkakasama pa ba kayo ngayon?" change topic naman 'to eh. Well, it's not the right time to think of it, I think?
"Oo haha ikaw lang kaya kulang. May sarili kaming bahay, magkakasama kami dun. Gusto mo ba lumipat dun? Hahah joke lang. Baka magalit girlfriend mo!"
"Bat ka naman magagalit?" anong pinagsasabi nito? Lutang ata 'to eh.
"Ha? Ako magagalit? Sabi ko yung girlfriend mo magagalit! Bingi mo naman."
"Ang slow mo talaga Ars! Ikaw nga kasi girlfriend ko diba?" ah gets ko na. Slow ko naman. "Oo nga pala haha."
Then there's silence. Hinde kami nag-uusap pero nagkakaintindihan kami. Sana palagi nalang ganito, kaso hinde eh. Hinde normal na pagmamahalan ang meron kami ni Thomas. May girlfriend kami parehas. Weird no?
Tama kaya 'to? O mali?
Tama lang siguro dahil nagiging masaya kami. Mali dahil niloloko namin ang mga karelasyon namin. Pero, hinde naman magtatagal to eh, panandalian lang 'to. Pagkatapos ng oras na yun, balik na ulit kami sa dati.
.
It's a Friday morning, again. Tapos na naman ang isang araw na pagkukunware.
"Thomas! Gising na, kanina pa tumatawag yung girlfriend mo! Hinahanap ka na! Baka may date kayo ngayon." sigaw ko sa kanya mula sa kitchen. Uminom lang naman ako ng tubig.
Hindi ko na siya inantay magising, umalis na agad ako. Baka hinde ako makatiis, hinde ako umalis sa bahay na yun.
Time is on neither side, no one's wrong and no one's right..
BINABASA MO ANG
Broken Frame
Short StoryA Thomas Torres and Ara Galang short story. Inspired by Alex and Sierra's song, Broken Frame. This story may use foul words, so please read at your own risk.