~1~

107 3 0
                                    

"Risa, bilisan mo d'yan! Parating na ang mga lolo't lola!" Sunud-sunod na kinatok ni Jesse ang pinto ng kwarto.

"Saglit lang kasi!" Narinig niyang sagot ng nasa loob.

"Ano pa ba ang ginagawa mo? Ang tagal-tagal mong magbihis!"

Biglang tumunog ang lock ng pinto. Bumukas ito at iniluwa si Risa.

"Ano 'yang suot mo?" Tanong ni Jesse sa kanya.

"Damit. Bagay ba?" Sagot niya at nakapamewang pa habang umiikot para ipakita ang suot niyang Montagut na polo shirt at bell-bottom na pantalon. Pinarisan niya ito ng high-cut na Chuck Taylor na sapatos.

"Gusto mo bang katayin ka nila lola mamaya? Magpalit ka, bilis!" Utos nito.

"Bakit, eh eto ang gusto kong isuot eh!"

"Risa, please 'wag matigas ang ulo. Ipapahiya mo sila sa mga bisita," itinulak na nito si Risa papasok ng kwarto. Sumunod siya sa loob.

Binuksan niya ang aparador ng mga damit ni Risa at pumili ng isang bestidang kulay pink.

"Eto ang isuot mo. Palitan mo 'yan," inilapag niya ang damit sa kama.

"Pero, Jesse, ayaw ko n'yan. Nangangati ako d'yan sa damit na 'yan," maktol ni Risa.

Kumuha ng ibang damit si Jesse. Isang kulay blue na bestida naman.

"Masyadong maiksi 'yan."

Isang kulay pula naman ang kinuha niya at ipinakita kay Risa.

"Mainit 'yan," reklamo nito.

Humugot pa ng isa si Jesse, kulay berde naman ngayon na may kapares na bulaklaking blouse.

"Malaki masyado sa akin 'yan."

"Ako nakakahalata na sa'yo ha? Lagi ka na lang may palusot sa mga pinipili ko ng damit," humugot ito ng simpleng kulay light brown na bestida. Inilapag niya ito sa kama.

"Wear that," mariin niyang sabi.

"Don't make any excuses, Risa. Huwag mong ipahiya ang mga lolo't lola natin sa mga bisita."

"Pero, Jesse, ayoko nito, ayoko ng ganito. I want to be myself, 'yung totoong ako."

"This is not the right time for that, Risa. Huwag ngayon. Alam mo namang nagpapalakas ang partido ng angkan natin para sa eleksyon. Magiging malaking gulo - "

"Gulo? Ang alin? Ang pagkatao ko? Na hindi ako nagkakagusto sa lalaki kundi sa kapwa ko babae? Na sa puso at isip ko, alam kong hindi ako babae?"

"Risa, ako lang ang nakakaalam n'yan. Hindi sa ganitong paraan nila dapat malaman kung ano ka. I'm only protecting you."

Namayani sa kanila ang katahimikan. Nagsalita si Jesse.

"Magpalit ka na ng damit at bumaba. Pihadong hahanapin ka na naman nila sa akin."

Pagkasabi ay lumabas na siya at naiwan si Risa.  Umupo siya sa kama at hinawakan ang nakalatag na bestida.

Napagpasyahan na lamang niyang magpalit ng damit.

Nasa komedor na ang mga bisita at kasalukuyang naghahapunan. Lumapit si Risa at umupo katabi si Jesse. Nasa magkabilang dulo naman ng mesa ang lolo at lola nila.

Sikat ang angkan ng mga Robredo, kung saan nagmula si Jesse, sa kanilang lugar, ang Naga del Fuego. Halos lahat ng mga lupain ay pagmamay-ari nila. Matagal na rin silang nasa poder dahil simula pa lang sa mga ninuno nila ay nagkaroon na ang mga ito ng matataas na katungkulan sa lugar na iyon. Ngunit kahit ganuon, napanatili nila ang magandang pakikipagkapwa-tao sa kanilang nasasakupan kaya naman tinitingala at lubos silang iginagalang.

Nang mawala ang ama ni Jesse, ang kanyang ina ay nakapag asawang muli. Tutol man sana ang mga magulang ng kanyang yumaong ama ay wala ring magawa ang mga ito kundi ang tanggapin ang pasya ng nanay nila. Si Risa ang naging bunga ng pasyang iyon.

Ngayon ay unti unti nang hinuhubog si Jesse bilang susunod sa yapak ng kanyang mga ninuno. Ipinakikilala na siya sa mga pagtitipon sa mga malalaki at makapangyarihang mga tao sa kanilang komunidad.

Politika ang pinag uusapan nila sa hapagkainan kaya sina Jesse at Risa ay walang nagawa kundi ang umupo at makinig. Sawang sawa na sana sila sa usapang ganito ngunit wala rin naman silang magagawa. Pihadong magagalit lang ang kanilang lolo at lola kapag hindi sila sumunod sa gusto ng mga ito.

"Bilisan mo na," bulong ni Risa kay Jesse. Hindi siya pinansin kaya kinalabit niya ito. Tiningnan lang siya ni Jesse at ibinalik ang atensyon sa mga taong kausap niya.

Tumayo na lamang siya at iniwan si Jesse kasama ang mga bisita. Lumabas siya at nagpahangin sa garden.

Pumunta siya sa paborito niyang parte ng garden, ang upuan sa ilalim ng mayabong na punong mangga sa bandang dulo ng malawak na lugar na iyon.

Nagulat siya nang maaninag na may taong nakaupo sa pwesto niya. Dahan dahan siyang lumapit.

"H-hi," bati niya.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya at ngumiti.

Biglang bumilis ang tibok ng puso niya.

Saan galing ang magandang babaeng ito?

"H-hi," bati din sa kanya ng babae.

"A-ano'ng ginagawa mo dito? Paano mo pala nalaman ang lugar na 'to?"

"Oh, sorry. Is this a private space? Sorry, ha? Naglakad-lakad kasi ako kanina, bored ako sa pinag-uusapan nila, e. Politika na naman. Sawang-sawa na ako," sagot sa kanya ng babae.

Napangiti lang siya.

"No, it's okay. I just wondered how you got here. Hindi kasi ito masyadong puntahan na part ng bahay namin. Ahm, Risa, by the way," she offered her hand.

Kinuha naman iyon ng babae, "Leonor. But you can call me Leni. How are you related to Jesse?"

"He's my half brother. We're siblings sa mother's side," she explained.

"Oh, I see. They are grooming him to be their next bet sa paparating na election," she said.

"Oo nga, eh. I don't know how my brother will handle it pero mukhang gusto naman niya," sagot ni Risa.

"So, you came from the prominent Robredo clan? How are you handling the pressure from your elders?"

"Si Jesse lang ang Robredo, I am a Hontiveros. Kaya lang ako nandito because my mother left me sa pangangalaga ng mga lolo at lola. She is with my father now living elsewhere. Mahirap, lalo on my part, kailangan na I would live by the words of Jesse's elders."

"Kaya pala. Hindi mo kamukha si Jesse, even his lolo and lola. So, hindi mo alam kung nasaan ang parents mo?"

Naputol ang pag uusap nila nang marinig ni Risa ang tawag sa kanya.

"Risa! Risa!" Sigaw nito.

"Andito ako!" Sagot ni Risa.

"Hinahanap ka na ng mga lolo at lola, hurry up!" Sigaw ulit ni Jesse.

"Susunod na!" She said.

"Mauna na ako, Leni. Nice meeting you," lingon nito kay Leni.

"Nice meeting you, too," sagot nito.

Umalis na nga siya at sumunod kay Jesse.

Hindi mawala sa isip niya si Leni.

Sana, magkita pa sila ulit.

🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷

Hello readers! I hope you will support my story, just as how you supported my first work.

Borrowed LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon