It was a week after that fateful event sa kanilang tagpuan, lalo nang hindi mapaghiwalay sina Risa at Leni. Kung nasaan ang isa ay paniguradong nanduon din ang isa.
They became more clingy to each other.Hindi nakaligtas kay Leila ang pakikitungo nila sa isa't isa.
"Risa, tell me the truth," Leila asked one afternoon.
Nasa cafe sila nina Leila at nataong nasa CR si Leni kaya nagkaroon ng pagkakataon si Leila na magtanong.
"Truth? What truth?"
"Is there something that I need to know between you two?"
"Ano'ng pinagsasabi mo? Leni is just a friend,"
"Ok, just as the earth is flat, huh?"
Risa just gave a confused look.
"Risa, kilala kita. Hindi mo man sabihin sa akin, alam ko, there's something between you and Leni. You can't deny it, your eyes says so."
Risa was about to say something pero bigla namang lumabas si Leni at pabalik na sa kanilang pwesto.
She immediately held Leni's waist as she was about to sit down beside her.
Hindi nakaligtas ang gesture niyang iyon kay Leila.
"Hay! Ang daming langgam, ano ba 'yan!" Leila suddenly blurted out. Nagkunwari itong nagpapagpag ng mesa nila Risa at bumalik sa pwesto niya.
"Ano daw 'yun?" Pabulong na tanong ni Leni.
"Wala, don't mind her," Risa answered.
"Susunduin daw ako ni Daddy, sabay ka na, hatid ka namin pauwi."
"Hmmm, sige. Parang gusto ko na ring umuwi, need to have a good rest this coming weekend."
"I'm about to ask if pwede mo ako samahan bukas, but parang nakaplano na ata ang weekend mo?"
"Saan ba? Pwede naman kitang samahan since wala naman yata si Kuya sa bahay this weekend. I'm sure, papayag naman ang lolo at lola lalo at ikaw naman ang kasama ko."
"Great! Basta oo na ha? Sasamahan mo ako?"
"Paano naman ako sasagot hindi ko naman alam saan tayo pupunta."
"Kit is inviting us na pumunta sa party niya this weekend sa bahay nila. I said pupunta lang ako if kasama kita," Leni said.
"Okay, sasama ako. Wala akong tiwala sa Kit na 'yan."
------------------------------------------------------------------------
Weekend came by at pumunta nga sina Risa at Leni sa party.
"Risa! Leni!
Sinalubong sila ni Kit habang papasok pa lang sila ng gate.
"Come, pasok. Thank God nakarating kayong dalawa," he said at iginiya sila papasok sa pool area.
Madaming bisita si Kit nung gabing iyon.
"Bakit ka nga pala may party? Birthday mo ba? Ang alam ko tapos na ang birthday mo, 'di ba?" Risa asked Kit.
"Ikaw ha, alam na alam mo ang birthday ko," Kit teased Risa.
"Paano namang hindi ko maaalala, muntik na kayong magsuntukan ni Kuya that time," Risa rolled her eyes.
Lapitin ng away si Kit dahil mapagpatol siya sa kahit na anong mabababaw na bagay. He treats everything as a big deal.
That night ng birthday niya, natitigan lang siya ni Jesse ay hinamon na niya ito ng suntukan, good thing is hindi siya pinatulan ni Jesse kahit na hinamon na niya ito.
"Remember Kit, I am here because of Leni, and I have my eyes on you. One wrong move that will get Leni into trouble, I'll kick your ass off!" Risa threatened him.
"Oh, I'm scared!" pasarkastikong sagot ni Kit at niyakap pa ang sarili.
"Tama na 'yan, andito tayo for the party, hindi para makipagbasag-ulo. Let's just enjoy the night," pumagitna na si Leni sa kanilang dalawa.
Hinila ni Leni si Risa palayo kay Kit.
"Tama na 'yan, Pangga," she said.
"W-what did you just call me?"
"Pangga," she smiled.
Risa was ecstatic. Marahan niyang pinisil ang kamay ni Leni.
"Ang sarap naman pakinggan, Pangga," she said that made Leni blushed.
After what happened, pilit nang iniwasan ni Risa si Kit. Hindi din makalapit si Kit kay Leni dahil lagi itong nakabuntot kay Risa.
"Pare, I'm sensing something between Risa and Leni, ikaw ba?" tanong ni Sonny, isa sa barkada ni Kit.
"Huh? Paano mo naman nasabi?"
"Yung treatment nila, iba e."
"Bestfriends lang sila," pagtatanggol ni Kit habang pinapanuod si Risa na nakahawak sa kamay ni Leni habang nagbubulungan sila.
"I don't think so, dude. May magbestfriends bang ganyan?" sulsol ni Anton, isa pang barkada ni Kit.
Nang tingnan ulit ni Kit ay nakahawak na si Risa sa baywang ni Leni.
Nagkatinginan ang magbarkada.
May hinahanap ang mata ni Kit. Nang makita niya ito, agad niyang kinawayan.
Lumapit ang photographer sa grupo nila.
"Magpapapicture kayo Sir?"
"Hindi. Nakikita mo 'yung dalawang babaeng nakaupo na 'yon sa sulok? 'Wag mong iwawala ang tingin mo sa kanila, okay? Obserbahan mo at kuhanan mo ng mga pictures. Take as much as you can, and give the copies to me, pati negatives."
"Pero Sir, bawal po 'yun," the photographer hesistantly said.
"Akong bahala sa'yo," dumukot ito nga limang libo sa pitaka niya.
"Gagawin kong sampung libo 'yan kapag natapos mo ang pinapagawa ko sa'yo," pagkasabi ay iniabot nito sa photographer ang pera.
Wala na itong nagawa kundi sundin ang utos ni Kit.
"We will see kung totoo nga ang hinala ninyo," he said to his friends.
------------------------------------------------------------------------
"Pangga, I'm getting dizzy dahil sa lakas ng tugtog at ilaw, let's go muna sa labas?" inilapit ni Leni ang mukha sa tenga ni Risa para marinig niya ito.
"Tara, labas muna tayo," Risa stood and offer her hand to Leni.
Kinuha naman ito ni Leni at tumayo. Sabay silang umalis sa pool area.
Sinubukan nilang umikot sa kabilang side ng bahay papunta sa garden. Nakakita sila ng bench at duon sila umupo.
Leni leaned her head against Risa's shoulders. The latter then held her hand.
"Sana, ganito lang tayo lagi, at sana, hindi na natin kailangang magtago nang ganito," Risa said and gave a heavy sigh.
"Kakayanin mo kayang magsabi sa mga lolo at lola mo? Paano ang kuya mo?"
"Hindi ko iniisip 'yan. Ikaw, paano ang Daddy at Mommy mo?"
"Well, maiintindihan naman siguro nila. Ready ka na bang harapin ang consequences kung aamin tayo?"
"Honestly, hindi ko alam. But, what I know now is masaya ako sa kung ano ang meron tayo."
Leni raised her head and looked intently at Risa. Inilapit nito ang mukha niya at dinampian ng masuyong halik sa gilid ng labi si Risa. It was tempting.
"Me too," she said after that kiss.
Nagyakap silang dalawa.
Pero hindi nila alam, sa di-kalayuan, may nagmamasid at palihim silang kinukuhanan ng litrato.
🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷🌷
Hello, readers!
It's been a while.
BINABASA MO ANG
Borrowed Love
RomanceTo hide the truth, half-siblings Jesse and Risa agreed to cover up a secret that could ruin the reputation of their family name which was kept untarnished for generations. Will they manage to keep the secret forever? Can they handle the consequences...