"Sabi ko sa'yo 'di ba?" Sonny held the picture of Risa and Leni na magkayakap. Iniabot niya iyon kay Kit.
Nagkukumpulan ngayon ang magbabarkada at isa isang tiningnan ang mga pictures na kuha sa party ni Kit. Pero ang mas pinagtutuunan nila ng pansin ay ang mga pictures nila Risa at Leni.
"Magkayakap lang naman sila, ano'ng masama do'n?" pilit na pagtatanggol ni Kit sa kanila.
"How would you explain this?" Sonny handed over another picture.
Kit was shocked. It was a picture of Leni kissing Risa.
"B-baka naman friendly kiss lang ito," Kit continued on defending them.
"Alam mo, itigil mo na 'yang pagdidipensa sa kanila. It's obvious, may something sa kanila," Sonny concluded.
Kahit ano'ng isip ni Kit, hindi pa rin siya makapaniwala. Pwede itong maging malaking iskandalo kapag nalaman ng iba.
Ngayon alam na niya bakit iba ang treatment ni Risa sa kanya. All the while iniisip niyang protective lang ito kay Leni, pero hindi pala. It was more than that.
He separated the pictures of Risa and Leni at inipit iyon sa binder notebook niya. Ang iba namang pictures ay ibinalik niya sa envelope.
They were at the canteen enjoying their breaktime nang may naisip si Sonny.
"Kit, kanino ka na may gusto ngayon?"
"What do you mean?"
"Between Risa and Leni, kanino ka na may gusto ngayon?"
"Risa is too aggresive towards me, parang laging mananakmal. I'll go with Leni," Kit confidently said.
"Gusto mong masolo si Leni?"
"Hoy, Sonny, hindi ako aabot sa point na gagawa ng masama at mamumwersa ng babae ha? I trust my charm," Kit warned him.
"Pare, hindi ganu'n ang ibig ko sabihin. Let's use the pictures to your advantage. Ipangblackmail mo," Sonny suggested at tinapik pa sa balikat si Kit.
"No, pare. Hassle 'yon. Hindi ko kayang gawin," umiling si Kit.
"Ano ka ba? Gagawin mo 'yun para maiwas sila sa may malaking kahihiyan. Sasabihin mo lang naman kay Leni na layuan si Risa or else ilalabas mo ang mga pictures nila sa school bulletin, eh. Pero siyempre, hindi mo gagawin 'yun. Tatakutin mo lang sila."
"I really don't like the idea, Pare. Kaya ko naman si Leni sa sarili kong paraan," Kit just shrugged.
"Ikaw ang bahala. By the way, where are the pictures?"
"Nasa notebook ko, wait," hinanap ni Kit ang inipit niyang pictures.
He kept on flipping the pages pero hindi niya makita.
"Shit!"
"Bakit, ano'ng nangyari?"
"Nawawala 'yung mga pictures! Hanapin n'yo!"
Natarantang inutusan ni Kit sina Sonny para hanapin ang pictures. Binalikan nila ang dinaanan nila pero hindi nila iyon nakita.
"Wala, Kit. Halos baliktarin na namin 'yung dinaanan natin pero wala talaga."
Nahampas ni Kit ang mesa. Isang beses pa ay pinagpag niya ang notebook pero wala talaga.
"Kailangan nating makita iyon, bago pa makita ng iba."
Days passed pero hindi pa rin nakikita ni Kit at ng barkada niya ang pictures nila Leni. He thought na posibleng naisama na 'yun sa basurang nawalis ng mga tagalinis sa school nila. It would be better that way. Wala na dapat ibang makaalam sa sikretong iyon.
BINABASA MO ANG
Borrowed Love
RomanceTo hide the truth, half-siblings Jesse and Risa agreed to cover up a secret that could ruin the reputation of their family name which was kept untarnished for generations. Will they manage to keep the secret forever? Can they handle the consequences...