SA26

6.5K 307 78
                                    

Regina's POV

'It has been a while, Regina. How are you?'

Mabilis kong tinago ang phone ko nang makita ko na sila Lydia papalapit sa direksyon ko, last year pa ang huling text na tinanggap ko at yun ang nauna, pangalawa na to. Wala naman sigurong connection to sa mga nangyayare kay Krystal, right?

Kasi sa bawat salita na sinasabi niya ay parang kilalang kilala niya ako, and there is no way naman that my friends would pull a prank on me like this.

Bigla naman akong napangiti nang bigla kong nakita ang picture ni Venven nang magscroll ako sa IG, hays ang ganda talaga sarap sabihin na sit on my face eh.

"First class natin si Miss Venice diba?" Tanong ni Krystal nang makalapit sila sakin at inakbayan naman ako ni Lucas habang naglalakad na kami papunta sa room.

"Yes, then later si Miss Elise at Miss Cervantes." Sagot naman ni Lydia.

Bukas pa kasi class namin kay Miss Veronica, ayan na nagbabalik na ang pinaka terror sakanilang apat. Ngayon kasi napagisip-isip ko na medyo maluwag pa sa pagbibigay ng grades si Venven pero kasi si Miss Veronica walang palya yun eh. Walang kaibigan-kaibigan pag dating sakanya.

Nang makalapit na kami sa room ay nagulat pa ako nang makitang tahimik at maayos na nakaupo ang mga kakaklase ko, at nang makapasok kami ay sasabay sabay kaming napasinghap at mabilis na inalis ni Lucas ang pakakaakbay niya sakin nang makita namin si Venven sa bandang likod.

She was sitting while her back is laid at the chair, even crossing her arms and legs, staring intensively at where we are currently standing.

"Miss Trinidad and the group, what made you late on our first day?" She coldly asked with those deadly glares.

Sabay sabay pa kaming napatingin sa wristwatch at totoo nga halos 10 minutes na kaming late. Hindi ko naman mapigilan mapalunok lalo na nung tumayo siya at pumunta sa harap.

"Sit, don't let this happen again. I'll let your group pass for now since it is still our first day, but next time, you'll know what happen right?" Sabay sabay ulit kami tumango.

Pabilisan pa kaming umupo at naguunahan dahil para narin talaga kaming kakapusin ng hininga. Ano kaya pinakain sakanila nila tita dito sa mag pinsan nito at ganito kainit ang ulo pag nasa klase? Pero kasi si Miss Veronica ilang beses na namin nakita soft side niya pag kasama namin si Portia.

Para bang hindi siya nahihiya na ipakita yun samin, which is ang cute. Edi sana all. Ito kasing babae na to parang pasan ang mundo eh.

Pinasadahan ko naman ng tingin ang kabuuan niya, she's wearing a skirt with tuck in red polo shirt and her hair is tied in a bun form which makes her neck being exposed. Sarap kagatin.

Pero dumako ang tingin ko sa mata niya, namumula iyon at hindi halatang galing sa pagkakagising, did she cry?

"What's wrong with Miss Venice eyes?" Bulong ni Lydia sakin since nasa tabi ko siya. 

"Hoy, inaway mo ba si Miss?" Singit ni Lucas.

"Hindi ah!" Mabilis kong sagot.

"Talaga? Eh bakit parang bagong iyak?" Sabi naman ni Krystal.

"Don't tell me you broke up with her agad?" Umawang ang labi ko sa sinabi ni Lydia, hindi pa nga namin napaguusapan ang relasyon namin. 

After kasi nung new year ay ginabi na ako ng uwi, we cuddled then watch some movies then hinatid niya lang ako sa room. After that day bigla nalang siya hindi nag paramdam as in no communication. Sabi lang nun ni Miss Veronica ay nasa davao daw ito para may ayusin sa company.

Shades Of Agony [PSLU #3] [GL] Where stories live. Discover now