21st Century Girl

62 1 0
                                    

Hindi ka na nakabalik. Hindi ka na bumalik. Akala ko ginusto mo lang na hindi ako balikan. Akala ko nakahanap ka ng dahilan at maraming rason para ako ay iwanan. Mali lahat dahil hindi mo ginusto, talaga lang pinagtagpo tayo ng mundo, pinaglapit, at pinaglayo hindi lang ng milya kundi ng magkabilang mundo.

Pagkatapos kong panoorin ang huling video na ginawa ni Woon-ho para sa akin bago siya mamatay labinlimang taon na ang nakakalipas. Bumalik lahat ng saya at sakit ng mga panahong magkasama pa kami. Akala ko talaga hinayaan niya na lang akong mawala sa buhay niya. Mali pala kaya pala wala akong interes sa  lahat ng blind dates at nagkakagusto saken. Nirereject ko o kaya hindi ko sineseryo. Kaya pala pakiramdam ko naiwan ang katawan at kaluluwa ko 15 years ago pagkatapos kong magpaalam sa kanya sa istasyon ng tren. Kaya pala palagi ko pa ring dala sa puso ko ang mga alaala niya. Umiiyak ako ngayon pagkatapos kitang makita ulit, pagkatapos kong isumpang kakalimutan na kita at papatayin sa puso at utak ko. Pasensya ka na kung pinatay kita ng ilang taon, hindi ko naman alam na ganito, pero masaya ako na alam ko na ang dahilan kung bakit hindi ka na nakabalik pa. Sinabi saken ni Joseph na naaksidente si Woon  pauwi ng Korea. Excited ka raw umuwi para makita ako. Kaso hindi na tayo nagkita at hindi na magkikita pa inararo ng isang rumaragasang trak na nawalan ng preno ang sinasakyan nya. Hindi ka na umabot ng buhay sa ospital at iniwan mo na ko ng tuluyan. Sosorpresahin nya sana ako kaya lang ako yung nasorpresa dahil ang buong akala ko hindi na sya nagparamdam. Akala ko nakalimutan na niya ang pangako niya na magkikita kami ulit. Kaya bakit ganun ang daya-daya ng panahon at pagkakataon para sa aming dalawa. Bakit ang damot ng mundo sa kakarampot na ligaya. Ang dami ko pa namang gustong sabihin na hindi ko nasabi bago man lang sana kami nagkahiwalay. Kaya ngayon ko na lang sasabihin habang nakikinig ka mula sa malayo kung nasaan ka man.

Noong araw na sinabi ko sayong hindi ako siguradong gusto kita. Nadurog ako, nakita kitang umalis, at alam ko na nasaktan kita. Umiiyak ka at kasabay mo kong umiyak ng gabing yun. Hindi ako umalis pinagmasdan lang kita mula sa malayo. Habang malakas ang patak ng ulan at habang nakamasid ako sa paglayo mo. Nasasaktan ako, dinudurog tayo ng sitwasyon na mahal natin ang isa't isa pero hindi pa yun sapat para sa ating dalawa. Sumisigaw ang puso ko na habulin ka, tumakbo sa bisig mo,  gusto kong bawiin ang sinabi ko, gusto kitang tawagin, isigaw na mahal kita at yakapin pero sa panahong yun importante sa akin ang pagkakaibigan. Masyadong maikli ang panahong minahal kita para piliin ka sa mga oras na yun. Nakita ko kung gaano kalungkot ang langit para sa ating dalawa. Hindi ko na nasabi sayo na pinulot ko ang sulat mo para saken. Gusto kong sabihin sayong nabasa ko lahat kung gaano mo ko kamahal. Gusto kong sabihin sa muli nating pagkikita na kagaya ng laman ng sulat mo minahal din kita sa simula pa lang. Sabay nating minahal ang isa't isa sa parehong dahilan.

Napapangiti ako noon ng kasungitan mo hindi ko ba alam parang may kakaiba sayo, sa pakikitungo mo, para kang nakatago pero handa akong malaman ang totoo. Hindi ko ba alam palagi akong nakasubaybay sayo. Ninakaw ko pa nga yung picture mo sa broadcasting club nung di pa tayo malapit sa isa't isa kahit magkapartner na tayo. Gumagawa ako ng paraan para may mapag-usapan tayo kaya isinisingit ko na rin ang pagkuha ng impormasyon sa crush ng bestfriend ko na bestfriend mo naman. Akala mo pa nga sya ang gusto ko. Ikaw rin ang nagpursige saken na gawin ang gusto ko. Sinabi mo noon na maganda ang boses ko kaya ipinagpatuloy ko ang paggamit dito dahil sa tiwala mo hanggang ngayon yun pa rin ang trabaho ko. Akala mo hindi ko naalalang nauna kong sabihing gusto kita nung field trip natin. Nahihiya lang talaga ako na sa oras ng kalasingan ko pa nasabi sayo. Pero naalala ko lahat lalo na ang maamo mong mukha. Hindi ako magsasawang sabihin sayo na gusto kita kung bibigyan lang sana ako ng pagkakataong muli kang makasama. Pumunta rin ako ng New Zealand after graduation ng college sabi ko magbabakasyon ako pero ang totoo umaasa akong makasalubong at makita ka para ipamukha sayo ang sinayang mo. Kaya lang hindi kita nakita. Handa na nga yung linyang sasabihin ko sayo pero kaya pala hindi kita nakita kasi wala ka na talaga. Dapat pala inagapan ko ang pagdalaw sayo. Dapat pala hindi lang ako naghintay na umuwi ka. Sana nandito ka pa. Sana magkasama pa tayo. Sana...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 28, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

21st CENTURY GIRL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon