CHAPTER 4

16 4 0
                                    

Days have passed and everyone seems busy preparing for the upcoming intramural. Lalong lalo na ang mga officers sa university. Maging sila Zel ay excited, ngunit paara sakin, it's just a normal day. This past years nga hindi ako umaattend ng mga ganyan, mga kaibigan kolang. Mas pinipilo ko kasing magstay nalang sa bahay at magbasa ng libro, to gain more knowledge. Pinipilit nga nila akong pumunta but I refused, it's just a waste of time and energy.



Hindi na namin nakakasama si Zel sa pag-uwi dahil palagi daw silang may rehearsal sa banda, para rin ata sa intramurals. Sabi kasi n'ya na tutugtog sila sa opening. Laganap narin sa lahat ang bagong miyembro ng band nila.



Naglalakad ako sa pasilyo ng aming building na may puting tiles na daanan. Malinis kasi ang building namin lalo na't mga med students ang mga nag-aaral dito. Papalabas na ako dahil tapos na ang klase namin ngunit madami pa akong babasahin dahil halos araw araw ata may quiz. Nakikita kona ang liwanag sa labas at ang ingay mula rito nang magvibrate ang cellphone ko sa bag. Kinuha ko ito at tinignan kung sino ang tumatawag bago sinagot. Tumatawag si Zel. Ano kaya ang kaylangan neto?



"Oh bat ka napatawag?" tanong ko neto sa kabilang linya habang patuloy na naglalakad palabas.



[Eloise pwedeng pahingi ng favour, kahit ngayon lang] napapaos na sabi n'ya sa kabilang linya. Boses palang n'ya alam konang may sakit s'ya. Nakalabas na ako ng building.



"Ano ba yon?"



[Pwede mobang sabihin kina Eryx na hindi ako makakaattend sa practice ngayon, mataas kasi ang lagnat ko.] Napahinto ako sa paglalakad. Nag-isip mona ako bago nagsalita. Hindi ko kayang ako ang pumunta roon.



"Si Sai nalang kaya, o si Shine?" pagrarason ko dahil hindi ko talaga kayang pumunta mag-isa roon. Hindi pa gaanong makapal ang mukha ko no.



[May klase pa kasi si Sai tapos si Shine naman busy. Sige na Eloise kahit ngayon lang, pleasee] I sighed in defeat. Mukhang pupunta talaga ako don.



"O s'ya sige-sige" napipilitan kong sabi. Kung hindi kalang talaga nagkasakit.



[Maraming salamat Eloise, hart ka saken] nagawa pa talagang magbiro piste.



"Magpahinga kana, sige na bye" sabi ko at tinapos ang linya. Huminga ako ng malalim bago tinahak ang daan patungo sa building kung saan nag audition sila Zel. Ang building ng MBA students.



Nakapasok na ako sa building neto at patuloy naglakad kung sa'n nag audition sina Zel. Tahimik ang paligid habang naglalakad ako sa hallway. Umuwi na ata ang ibang mga studyante na andito.



Naaninag ko ang silid na pinasukan nuon ni Zel kay pumunta ako ron, nagbabasakaling may tao ron dahil nakabukas pa ang pinto. Sinilip ko ang loob ngunit walang maski anino ng tao ang naroon, tanging mga music instruments lang ang nandoon at nagkakalat na papel na may lyrics. Natuon ang atensyon ko sa piano na nasa harapan malapit ito sa pinaglalagyan ng mga drums. I learned how to piano since I was 6yrs old because of my father. Tinuruan ako neto kung paano tumugtug.



Pumasok ako sa loob at dumiretso sa rectangle na upuan na nakalagay sa harap ng piano. Nakalaan ito para sa mag papiano. Tinignan ko ang kabuuan ng pasilyo, maganda talaga ito para sa mga mahilig sa musika dahil bukod sa maaliwalas maganda ang kulay sa loob. Tinignan kong muli ang piano, tila nakikiusap ito saking patugtugin sila. Gusto kong patunugin ito. Gusto kong mahawakan muli ang parte nito.



"Kahit ngayon lang" sabi ko sa sarili. Dahan-dahan kong linagay ang kamay sa keyboard ng piano. I breathed sharply before I pressed it. Tumunog ito at tila sinakop ang buong silid. Hindi kona napigilan at tinugtug ko ito sa malumanay na tono na tinuro nuon ni papa saakin. I closed my eyes dinadama ang bawat ritmo ng musika. Inaalala ko ang mga pangyayari nuon, mga masasayang alaala kasama sina papa.



Myths of Retrouvaille (Philo Series #1)Where stories live. Discover now